Chapter 10.3

4.1K 78 0
                                    

AGAD na iginala ni Alyzza ang paningin nang magising siya sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakahiga siya sa sahig kaya umupo siya at nailagay ang isang kamay sa ulo. Nahihilo pa rin siya. Anong nangyari sa kanya? Had she been drugged?
Pagkatapos ay naalala niyang dinukot sila kagabi. Napatingin siya sa bintana ng silid na kinalalagyan nila. Though the windows were tightly sealed with woods, alam niyang umaga na. Tumingin siya sa paligid. Nasa isang lumang gusali siguro siya.
Napatingin siya sa tabi niya nang marinig ang pag-ungol ni Rachel Leigh. Napamulat ito at mabilis na napaupo. Agad din naman itong napahawak sa ulo.
“Damn it,” wika ni Rachel. “Nasaan tayo?”
“Hindi ko alam. Nasa isang lumang building siguro.”
“Who the hell are they?” nasa tono na nito ang galit. Iginala nito ang paningin sa paligid. Muli nitong hinawakan ang ulo at minasahe.
Pareho pa silang nabigla nang makarinig ng pagputok ng baril sa labas. Gulat siyang napatingin dito na nasa mukha rin ang pagkagulat.
“Papatayin ba nila tayo?” tanong niya dito, lumukob na sa buong puso niya ang takot.
Ini-iling ni Rachel ang ulo at tumayo. “Hindi tayo mamamatay dito,” buong tatag na wika nito. Lumapit ito sa may pinto at tinangkang buksan iyon. Naka-lock iyon, siyempre.
Tumayo din siya at sumunod dito. Nakita niya nang hawakan nito ang sariling buhok at kinuha ang hairpin na nasa ilalim niyon.
She just stared at Rachel as she stated unlocking the door using the hairpin and she nearly jumped when it clicked open. Mangha siyang napatingin dito. Paano nito nagawa iyon?
“Come on,” lumabas na ng kuwarto si Rachel. Sumunod lang siya dito. Napansin niya na nasa ikalawang palapag sila ng gusali. Naririnig pa rin nila ang nakabibinging putukan at kaguluhan sa ibaba. Baka dumating na ang mga pulis, hindi niya alam. Ang mahalaga ay makatakas sila dito.
Patuloy lang siya sa pagsunod kay Rachel hanggang sa makarating sila sa hagdan. Maingat sila para hindi makagawa ng kaunting ingay. Napatigil sila nang mapansin na tumigil na ang kaguluhan sa labas.
Sumulyap sa kanya si Rachel at bahagyang tumango bilang senyas na sumunod lang siya dito. Hindi niya alam pero nagtitiwala siya dito, para kasing sanay na ito sa ganitong mga pangyayari. Wala nga siyang nakikitang takot sa mukha nito kahit na alam nilang may mga baril ang mga dumukot sa kanila.
Muli silang tumigil nang makakita ng baril sa sahig. May dugo ring nakapaligid doon. Itinaklob niya ang isang kamay sa bibig para mapigilan ang pag-iyak. Hindi niya na alam kung anong nangyayari. Hindi niya alam kung anong panganib ang naghihintay sa kanila sa lugar na iyon.
Nakita pa niya nang kunin ni Rachel ang baril at tiningnan kung may bala pa iyon. It was loaded. Marunong din ba itong humawak ng baril?
Natigilan sila nang makarinig ng mga yabag papalapit. Mabilis siyang itinago ni Rachel sa likod nito. Rachel raised the gun she was holding on her left hand when a man turned up like a bolt from the blue in front of them. Agad niya itong nakilala. He was Rafael Choi. Minsan itong ipinakilala sa kanya ni Justin noon.
May hawak ding baril si Rafael at nasa mukha din ang pagkagulat sa pagkakita sa kanila. Nagulat pa siya nang mabilis na binitiwan ni Rachel ang hawak na baril, nasa mukha din nito ang pagkagulat.
“Mabuti na lang at ligtas kayo,” ani Rafael at lumapit sa kanila. Pinulot nito ang baril na naibagsak ni Rachel. “Halina kayo, nahuli na namin ang mga kumidnap sa inyo. Ayos na ang lahat.”
Sumunod sila dito hanggang sa labas ng building na iyon. Pagkalabas nila ay nakita niya ang ilang police cars na paparating at ang mga sugatang taong hawak ng sa tingin niya ay mga tauhan ni Rafael.
Hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang mga ito nang makita niya si Justin na hawak ang kuwelyo ng isang lalaki. Nasa mukha nito ang matinding galit at aktong susuntukin na nito ang lalaki nang tawagin niya ito.
“Justin!” she cried and ran towards him. Binitawan nito ang lalaki at tumakbo pasalubong sa kanya.
Niyakap siya nito ng mahigpit – sobrang higpit na halos hindi na siya makahinga. “Damn, Alyzza. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala,” bahagya itong lumayo at tinitigan siya. “Sinaktan ka ba nila?” puno ng pag-aalala ang tono nito.
Umiling siya. “Sino ba sila?”
“They’re those stupid drug smugglers,” galit na sagot nito. “Hinahanap pa namin kung sino ang boss ng mga ito. Thaddeus will work on that. Huwag mo na silang alalahanin, sweetheart. They can go to hell for as long as they want.”
She smiled and cupped his face. “Maraming salamat sa pagpunta dito,” nagpapa-salamat talaga dahil nakita niya ito dito. Akala niya ay tuluyan na siyang mapapahamak nang hindi man lang ito nakikita kahit ilang saglit.
Ginantihan nito ang ngiti niya at mariin siyang hinagkan sa mga labi. “Umuwi na tayo. And you’re staying with me. No more ‘buts’, Alyzza,” may awtoridad na sa tono nito.
Tumango siya. She was more than willing to stay with him.
Nagpaalam ito sa mga kasama nito at hinila na siya papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Napatingin siya kay Rachel Leigh at napakunot ang noo nang lampasan lang nito ang asawang si Christopher at lumakad palayo.
Bumuntong-hininga siya. Hindi siguro talaga maganda ang relasyon ng dalawang iyon. Sayang naman.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon