PASADO alas-diyes na ng umaga nang muling makatanggap ng tawag si Justin mula sa lalaking dumukot kina Alyzza. Napatingin siya kay Rafael nang itaas nito ang isang kamay para pigilan siya sa pagsagot sa tawag. Isa si Rafael Choi sa mga kaibigan niya. Dati itong high-ranking official sa South Korea. Sa kanilang lahat na magka-kaibigan ay ito at si Christopher ang may pinaka-malakas na koneksiyon sa mga awtoridad sa kahit na saang bansa.
Tumingin si Rafael sa lalaking nasa tabi nito. “Nakahanda na ba ang tracker?” tanong nito dito.
Tumango ang lalaki at muling bumaling sa kanya si Rafael. Bumilang ito ng hanggang tatlo bago siya hinayaang sagutin ang tawag.
“Nakahanda na ba ang mga sasalubong sa ipapasok ko?” bungad na tanong ng lalaking dumukot kina Alyzza sa kanya.
“Oo, nakahanda na sila,” pinilit niyang manatiling kalmado.
“Siguraduhin mo lang na walang pulis na sangkot dito, Aguirre. Ayoko ng mapahiya sa boss ko.”
Boss? So may mas nakakataas pa pala dito? “Si Alyzza? Nasaan siya?” tanong niya.
“Huwag kang mag-alala. Ipapadala ko siya sa’yo kapag nagawa mo ng ayos ang trabaho mo.”
“Huwag na huwag mo siyang sasaktan dahil mananagot ka sa akin,” pagbabanta niya. Palaki ng palaki kada minuto ang galit sa puso niya para sa lalaking ito.
Tumawa lang ito at pinutol na ang tawag. He looked at Rafael who gave him an okay sign.
Lumapit sa kanya si Christopher. “Mga tao ko na ang utusan mong sumalubong sa drug shipment sa port of destination mamaya. Puwede silang magpanggap na trabahador at arestuhin sila pagkatapos nating mahanap kung nasaan sina Alyzza at Rachel.”
Tumango siya. “Siguraduhin mo lang na lahat ay maaayon sa plano, Christopher. Ayokong mapahamak si Alyzza.”
“Sa tingin mo ba gusto ko ring ipahamak ang buhay ni Rachel?” may bahid na ng galit ang boses nito.
Tumingin siya dito at ngumisi. “Gusto ko lang maka-sigurado. Akala ko kasi wala kang pakialam sa asawa mo.”
Nakita niya ang pagsiklab ng galit sa mga mata nito. “Ano bang alam mo, Justin? Nasasabi mo ba ‘yan dahil malimit lumapit sa’yo ang asawa ko?”
Galit na galit na siya ng mga oras na iyon pero hindi niya na ito papatulan. May mas importanteng bagay pa siyang dapat intindihin. At hindi niya dapat pinapairal ang init ng ulo niya sa mga oras na ito.
“Mga tauhan ko na lang ang sasama sa atin sa lugar na pinanggalingan ng tawag,” singit ni Rafael, sinusubukang pakalmahin silang dalawa.
“Sigurado kang nandoon sila?” baling niya naman dito.
“The kidnapper will never leave their hostage’s side,” sagot ni Rafael. “We have everything in handle, Justin. Calm down.”
“Let me have him,” tukoy niya sa lalaking dumukot kina Alyzza. “I’ll kill him myself.”
Ngumiti si Rafael at tinapik ang balikat niya. “You can’t do that, dude.”
”Na-trace na po namin ang tawag, Sir,” lahat sila ay napatingin sa lalaking nagsalita at mabilis na lumapit dito.
Hintayin mo lang ako, Alyzza. I’ll be there soon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...