ILANG linggo ang lumipas, hindi pa rin natatagpuan si Matthew pero malimit namang tumatawag sa kanya si Justin para balitaan siya. Narinig niya rin na tinapos na nito at ni Liezl ang relasyon ng mga ito. She did everything to keep herself from rejoicing on the news. Hindi pa rin tama na maging masaya siya tungkol sa bagay na iyon.
Sa bawat araw na dumadaan, patuloy niyang kinukumbinsi ang sarili na hindi maaaring mapasa-kanya si Justin. Kaibigan pa rin siya ni Liezl. Ano na lang ang sasabihin at iisipin ng mga tao kapag nakita siyang lumalapit sa dating nobyo ng kaibigan? Kaya mas makabubuti kung patuloy niya lang itong iwasan.
Tuwing tumatawag ito para magbalita tungkol sa paghahanap ng mga ito kay Matthew ay mabilis niya ng tinatapos ang tawag kahit na gusto niya pang marinig ang boses nito. Kapag minsan namang bumibisita ito sa café niya ay inaabala niya ang sarili sa trabaho at iniiwasang makausap ito ng matagalan. It was hurting her to stay away but that was the best way to forget her love for him.
Ngayong araw ay pansamantala siyang nagpapalamig sa loob ng coffee shop niya sa Greenhills nang may lumapit sa kanyang isang lalaki. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa guwapong nilalang na nasa harapan. Nakita niya na ito sa kung saan, hanggang sa naalala niya. Ang lalaking ito ay si Daniel Fabella, isang international car racer. Nakita niya ito sa mga magazines nila sa bahay nila.
“Alyzza Andersonne,” banggit nito sa pangalan niya. He then smiled a smile that had made tons of women fell head over heels for him. He was indeed more handsome in person than in magazines, and a lot taller.
“Yes?” Anong ginagawa ng guwapong car racer na ito sa harapan niya?
“May pagkakatulad nga kayo,” anito. “Ikaw at ang kapatid mo.”
Stefany? Kilala nito si Stefany? Oh, baka isa ito sa mga ‘breakers’ na patuloy na kinahuhumalingan ng kapatid niya.
“Anong magagawa ko para sa’yo? Hinahanap mo ba ang kapatid ko?” tanong niya dito.
“Hindi,” sagot nito at umupo sa silyang katabi niya. “Gusto lang kitang makilala. Malimit banggitin ni Stefany ang tungkol sa pamilya niya.”
Napangiti siya. “Ganoon ba? Isa ka ba sa mga kaibigan niya?”
“Actually, she didn’t want me to be her friend unless I give something to her,” sagot nito.
“Something?” Ano naman kayang kailangan ng kapatid niya dito?
Bahagya itong lumapit sa kanya. She could now smell that masculine scent from him. “Something very hard for me to give,” bulong nito. “But something that would make her happy.”
Pasimple siyang lumayo dito. Anong pinagsasasabi nito? “I don’t get it,” pag-amin niya. Hindi niya gustong mag-isip ng kung ano tungkol sa bagay na tinutukoy nitong hinihingi ng kapatid dito. Kilala niya ang kapatid niya. Hindi ito basta-bastang lalapit sa isang lalaki, kahit gaano pa ito ka-guwapo, para humiling ng kung ano.
He snickered. “Huwag mo ng isipin ‘yon. Hindi naman talaga iyon importante. Parehas pala kayong mag-kapatid. Ang sarap niyong biruin.”
Tiningnan niya ito ng masama. Pinaglololoko ba siya ng lalaking ito?
“Oops, huwag kang magalit sa akin,” ngumiti pa ito. “I’m sorry, Ate.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ate?” napasinghap siya. “Huwag mo sabihin na pinagkaka-interesan mo ang kapatid ko?”
Malakas itong tumawa. Aktong sasagot ito nang marinig nilang may tumawag sa pangalan nito. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Justin sa harap nila. He had this dark serious face that she never saw in him. Galit ba ito? Bakit naman?
“Justin,” bati ni Daniel dito at agad na tumayo. Hindi niya alam na magka-kilala ang mga ito. “Matagal din tayong hindi nagkita. Hindi ka na rin dumadaan sa society. Kumusta na nga pala ang paghahanap kay Matthew, kararating ko lang—”
“Anong ginagawa mo dito?” putol ni Justin sa sinasabi nito.
Kumunot ang noo ni Justin bago marahang napatango. “Oh, I’m sorry, pare,” sumulyap ito sa kanya. “Hindi ko alam na mayroon palang ‘no parking’ sign dito. Kung alam ko, kanina pa ako nag-U-turn,” tumatawa pa itong tinapik ang balikat ni Justin at nagpaalam sa kanila.
Hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi nito. May sira na ba sa utak ang lalaking iyon? Gusto niyang matawa sa naisip pero pinigilan niya lang ang sarili nang makita ang madilim pa ring mukha ni Justin. Mukhang may problema na rin sa utak ang isang ito, naisip pa niya.
Pagkatapos ay naisip niya kung isa ba si Justin sa mga ‘breakers’ na tinutukoy ni Stefany. Siguro puro kailangan na ng mental treatment ang mga ‘breakers’ na iyon. Tumayo na siya at lumapit dito. Pinakatitigan niya itong mabuti. “I think you’re still having the blues because of what happened between you and Liezl,” pinilit niyang ngumiti. “Maiwan na kita dito. Marami pa rin naman akong kailangang tapusin,” tinalikuran niya na ito.
Hinawakan nito ang kamay niya at sapilitan siyang pinaharap dito. “Iniiwasan mo ba ako, Alyzza?” marahas na tanong nito.
“B-Bakit ko naman gagawin ‘yon?” nauutal na tanong niya, pilit niyang binabawi ang kamay niyang hawak nito. Napansin niya pa ang ilang customers at staffs na nakatingin na sa kanila. “What are you doing, Justin?” she hissed.
Hindi siya nito sinagot at hinila siya palabas ng coffee shop niya patungo sa tabi ng puno kung saan sila noon sumilong habang naghihintay ng taxi sa ulan.
“Justin,” pinilit niyang muling hilahin ang kamay sa pagkakahawak nito pero hindi siya nito binitawan.
“May ginawa ba akong masama sa’yo?” tanong nito.
“Wala, pero—” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang yakapin siya nito ng mahigpit. Nagulat siya sa sinabi nito pero hinayaan niya lang ito. She missed his warmth so much.
“Let me hug you for a moment, Alyzza. A moment. Just a moment,” bulong nito.
Keep talking, gusto niyang sabihin dito. Because I love to hear your voice. She missed his voice, his smile, everything in him.
Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang sandali bago siya nito pinakawalan. Gusto niyang mag-protesta pero hindi niya magawa. Pagtingin niya dito ay nakita niya ang kalungkutang nasa mga mata nito.
They stared at each other’s eyes for the longest time before he leaned over and kissed her lightly on the lips, leaving her completely stunned but wanting more. Halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
“If you want me to stay away, I will,” sabi nito bago lumakad palayo sa kanya.
Gusto niyang sundan ito pero hindi pa rin niya magawang igalaw ang katawan. What the hell just happened? Bakit siya nito hinalikan? At bakit nakatayo pa rin siya dito at hinahayaan itong lumayo?
Tinakluban niya ang mukha ng dalawang kamay at doon umiyak. Bakit hindi niya na lang magawang aminin ang nararamdaman para dito? Ano pa bang ikinakatakot niya? She was such a fool.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...