PAGKARATING niya sa ospital ay agad niyang tinanong sa front desk ang kuwarto ni Liezl. Pagkakuha ng impormasyon ay mabilis na siyang tumungo sa private room na kinalalagakan ng kaibigan.
Nakita niya sa waiting area ng kuwartong iyon ang pamilya nito, maging ang nobyo nitong si Justin. Nakita niya rin doon ang isang pamilyar na mukha. Kilala niya ito. Ito ang tanyag na business man na si Christopher Samaniego Jr. Ilang beses na din niya itong nakikita sa parties and events na pinupuntahan niya. May kasama itong isang babae na hindi niya kilala, nasa mukha ng mga ito ang pag-aalala.
Lumapit siya sa mga magulang ni Liezl. Nasa mata pa rin ng mga ito ang luha. “Tita,” bulong niya.
Napatingin sa kanya si Tita Irene at bahagyang ngumiti. “Maraming salamat sa pagpunta dito, hija.”
“Kumusta na po siya?” tanong niya. Sana naman ay maayos ang lahat.
“Maayos na naman siya, hija,” sagot ng ama nitong si Tito Andres. “Nagising na siya pero mukhang hindi niya kami maalala. Hinihintay pa namin si Matthew.”
Gulat siyang napatingin dito. Magta-tanong pa sana siya pero nakita na nila ang paglapit ni Matthew. Kitang-kita niya sa mukha at ayos nito na hindi man lang ito nakapag-pahinga. Sigurado siyang nahihirapan din ito sa pangyayari.
Nakinig silang lahat sa sinabi nito at ganoon na lang ang pagkagulat nila nang sabihin nitong may amnesia si Liezl dahil sa tinamo nitong head injury sa aksidente. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Paano nangyari ang lahat ng ito sa kaibigan niya?
Gusto niyang pumasok sa loob ng kuwarto at makita ito pero dahil sa sinabi ni Matthew na mahirap pa para dito ang makakita ng maraming tao ay hindi na siya tumuloy.
Una nang umalis ang pamilya nito para kumuha ng ilang gamit at kailangan ni Liezl, sumunod si Christopher at ang kasama nito. Gusto niyang lumapit at makipag-usap kay Matthew pero mukhang nais din itong kausapin ni Justin kaya hinayaan niya na lang ang mga ito at tumango na lang para mag-paalam. Paanong nangyari ang lahat ng bagay na ito? Napaka-bilis ng lahat.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...