Chapter 10

19 3 2
                                    




So, dahil nga nakaabot na tayo ng ten chapters is magbabago na tayo ng book cover and you will all love it :) super thanks to YusraUsman for the awesome and wonderful book cover owemjii!

At salamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa storya na ito kahit mostly sainyo ay silent readers hehe, hoy ano? hindi forever nananahimik lang ha mag ingay rin kayo hahah awayin niyo ko ganun! hahaha syempre joke lang, peace tayo dito okiii!

And another reason kaya nag update ulit ako is maybe hindi na ako makapag update this coming weeks maybe three weeks kasi mag sisimula na ang aking immersion kaya focus na muna ako doon, pero kapag naka hanap ako ng free time promise mag u-update ako :) because i love Avia and all the characters kaya gusto kong may eksena sila palagi HAHAHA! so yun na nga.

Sa mga silent readers diyan mag ingay kayo yieeee! pa-mention kayo saakin sa mga authors note na ganito love lots.

Love,

Dani :*








Chapter 10


HINDI ko alam kung sino siya, kung ano siya at kung anong kaya niyang gawin saakin pero sigurado akong siya ang may gawa ng bagay na ito saakin, nitong mabigat na bagay sa likuran ko tiyak na siya ang may gawa nito.

Naramdaman ko ang paglalakad niya papalapit saakin kasabay ng pagka wala ng mabigat na bagay na naka dagan saakin. Kaagad akong kumilos para maka alis pero kaagad rin akong natumba nang bigla nanaman akong nahilo.

Alam kong isa siya sa mga taong gusto akong kunin o isa sa mga nilalang na gusto akong mawala at saktan.

"You can't escape from me Lady Avia, I am more powerful than you now kaya wala kang magagawa." She is sarcastic. She really is.

Tinignan ko siya at nang makita ko ang suot niyang gintong cloak ay isa kaagad ang pumasok sa isip ko.

Elites...

Bakit ko nga ba nakalimutan na hindi pa sila tuluyang umaalis sa buhay ko, at kahit pa siguro gustuhin ko na mawala nalang sila sa buhay ko hindi ata mangyayari iyon. Bakit ba kailangang paligiran ako ng mga taong katulad nila? Na kakaiba at hindi normal ang mayroon sakanilang kakayahan.

Sumasabay pa itong hilo ko ng dahil lamang sa pesteng alak na iyon. Ugh! This night is so freaking perfect for God sake!

"Don't you dare to look at me like that, Lady Avia." Hindi ko napansin na masama na pala ang tingin ko sakanya na siguro kung may kakayahan akong patayin siya gamit ang mga tingin ko ay nagawa ko na, but sadly wala ako pa siguro ang mamamatay.

Nag ipon muna ako ng sapat na lakas ng loob bago ako nag salita.

"Ano na namang kailangan niyo saakin? Hindi niyo pa ba patatahimikin ang buhay ko?" I'm starting to get emotional. Sinikap kong tignan siya ng deretso kahit na umiikot siya sa paningin ko.

Narinig ko ang pag tawa niya kahit na hindi ko siya deretsong nakikita pero rinig na rinig ko siya. "Anong kailangan namin? Ikaw, ikaw ang kailangan namin at hanggang hindi ka napapa saamin ay hindi naming patatahimikin ang buhay mo,"

Naupo siya sa harapan ko, naramdaman ko ang malamig niyang kamay saaking pisngi kaya kaaagd akong umiwas dahil sa ibang pakiramdam niyon.

"Kaya mamili ka, ang buong loob na sumama saakin o mas lalo pa naming guluhin ang buhay mo? Simple lang naman ang gusto namin hindi ba?" tumayo siya mula sa pagkaka upo sa aking harapan at itinaas ang kanyang kamay kasabay ng pag taas ng isang malaking poste na kanina pa pala nasa gilid ko at hindi ko napapansin.

DemoiselleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon