A/N: So here's the update! it's been a while, i come into a realization that i don't care if there's no one who read my stories, i just want to continue the life of my characters bcs they deserve to have a great story. Enjoy reading!! i just want some motivations from anyone to keep me writing. Hinabaan ko talaga tong chapter na to lol.
Chapter 11
KALAUNAN nang gabing iyon ay hindi ko na magawang maka tulog nang mapayapa sa gabi. Nagigising ako satwing sumasagi sa aking panaginip ang gabing iyon, ang mukha ng babaeng gustong manakit saakin. Sa panaginip ko ay lagi ko siyang nakikita, at sa bawat gabing sumasagi sya saaking panaginip ay ang lagging nangyayari ay nakuha niya ako at dinadala sa isang lugar na hindi pamilyar saakin.
Malungkot, madilim, at animo'y lahat ng tao ay naka suot ng itim na kasuotan. And they have different abilities just like Gadota. Doon lamang umiikot ang pangyayari kapag napapanaginipan ko siya, kahit panaginip lamang ay tila ba isa itong totoong pangyayari.
Katulad na lamang ngayong gabi, na gising nanaman ako dahil sa panaginip na iyon. Hating gabi na pero ito ako at gising parin at hindi na magawang maka balik pa saaking pag tulog. Napag desisyunan kong lumabas ng aking inuukupang silid dito sa lugar na pinag dalhan saakin ni na Pierre na tinatawag nilang Kingdom of Muses.
Nuong gabing iyon ay wala akong malay nang dumating kami rito dahil sa lubha kong pagka hilo kaya nuong nagising ako sa lugar na ito ay pakiramdam ko ay nanggaling na ako dito pero hindi ko ma-alala kung naka punta na ba ako sa lugar na ito.
Ikinuwento rin saakin ni Dim ang nangyari nuong gabing iyon bago mangyari ang ikwentro namin kay Gadota, kung bakit ako nakaramdam ng hilo nang gabing iyon. At kagagawan iyon ni na Santiago at Adeline, naging kasabwat rin nila si Maricrisia dahil naging sunodsunuran siya nang mga ito.
Dapat talaga na hindi na ako nag tiwala pa sakanila. Gusto ko lamang naman na makaranas kahit papaano ng kakaiba sa buhay ko pero hindi 'yung ganito na dapat masira ang tiwala ko sa mga tao. Dapat pinaknggan ko nalang ang sinabi saakin ni na Mom at Dad na huwag akong magtitiwala kahit na kanino man.
Halos mag iisang linggo narin kaming nananatili rito sa Kaharian ng Muses dahil hindi pa raw ako pwedeng bumalik sa mundo ng mga tao dahil masyado pa daw delikado para saakin, dahil maaaring may sumulpot nanaman na kung sino sa mga Elites at sa Kaharian ng Aeons.
They just gave me a short hint about who they are, about the Elites and the Kingdom of Aeons. I don't know but there is something going on within us and with the Aeons, but they can't tell me. Gustong gusto kong malaman kung ano ba ang nangyayari pero pinipili ko na lamang na manahimik dahil wala naman akong maitutulong kundi ang alamin at kilalanin ang totoong ako, ang alamin kung sino nga ba talaga ako.
Napabalikwas ako nang maka rinig ako ng kaluskos saaking likuran kaya kaagd ako tumingin doon. Awtomatikong nag salubong ang aking kilay nang makita ko ang naka tayong babae saaking harapan. Yumukod siya sabay nag salita.
"Nagagalak akong makita kang muli Lady Avia." Saad niya. Tuluyan na akong humarap sakanya ng mas lalong nagtataka.
"Pasensya na pero nag kita na ba tayo noon? Ngunit hindi ka pamilyar saakin." Aking saad.
"Hindi na mahalaga ang bagay na iyon." Dahan-dahan siyang lumapit saakin, kinuha niya ang dalawa kong kamay at mahigpit niyang hinawakan iyon nang maiinit niyang mga palad. "Nais ko lamang na magpakilala saiyo," tumingala ito sa madilim na kalangitan kaya sinundan ko ang tinitignan niya.
Kanina ay walang ni isang bituin ang nasa madilim na langit pero ngayon ay napaka dami na ng mga bituin. Sabay sabay itong nag kikislapan kaya nag karoon ng liwanag ang buong paligid dahil sa tulong ng mga bituin.
BINABASA MO ANG
Demoiselle
FantasyDid you ever wonder on how life is going to be more fun when it's not ordinary anymore? I used to be a normal person, but not anymore. My life changed, and one thing i knew that universe need me. I am born to protect, not just to help. Special Thank...