Prologue

1.7K 21 6
  • Dedicated kay A.N.Y
                                    

* if you get bored you can skip to chapter one*

What is love?

Kung iisipin, eto na siguro ang tanong na maraming sagot pero walang eksaktong kahulugan.

Sabi ng iba, love is like a rosary full of mystery. Oo naman, tama! Wala ka nga namang kaalam-alam kung bakit may love, bakit kelangan ito sa buhay ng tao at kung paano ito bigla na lang mararamdaman isang araw tapos biglang mawawala tapos muling mabubuhay. Misteryo!

Love is like a river, it flows everywhere. Tama ulit. Punung-puno nga naman ng pagmamahal ang mundo na dumadaloy kahit saan. Sa lakas ng agos, kahit sino pwedeng matangay. Wala kang ligtas. Daig pa tsunami nyan. Kulang na lang sabihin mo eh love is like a tsunami, damay-damay na 'to. Maanod na ang maaanod.

Para naman sa mga tao na tinatanong kung bakit ang taong napili nila eh medyo parang tagilid sa standards nila, love is blind! Kapag daw nagmahal ka, kahit sino na, walang pinipiling tao kahit hindi katulad nya ang tipo mo. Kahit bungi, pipi, bulag, pilay at kung anu-anong sakit pa. Mahal mo eh. Sabi nga ni John Llyod, "Maraming dahilan para di kita mahalin pero may isang dahilan kung bakit di ko magawa yun. Mahal kita. 'Yun lang 'yun."

Eh san ba pupunta ang usapang ito? Bakit ang layo naman ng sinasabi ko sa title?

Sige na, iuugnay na natin.

Ganito kase yan, gasgas na lahat ng mga metaphor na ginagamit nyo tungkol sa love. Although, tunay at wagas pa rin, wala rin akong sinasabing mali kaya tama yan. Ang sa akin lang ay nakakasawa nang pakinggan. Gusto ko nang bago! Simple ng dahilan ko di ba? At dahil ako ang writer dito at kayo ang mambabasa, ako ang masusunod.

Simple lang naman ang gagawin kong halimbawa.

Katulad nito:

Love is like a basketball.

Kung bakit?

Read and discover.

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon