Chapter fifteen

295 5 2
                                    

PRRRRRRRRTTTTTTTTTTTTT!

Puminto yung referee. BAKIT? Anong nangyayari?

"No. 8 Personal foul!' 

Clueless ako. 

Nagsisigawan ang mga fourth year at biglang nawalan ng buhay ang mga second year.

Nakikita ko si Mark sa free-throw line.

ANONG NANGYAYARI?

Napansin ko yung mukha ni Dave. Badtrip.

"Huy! Bakit may free-throw si Villas?" Clueless din ang mga kasama ko.

"Bakit ganun?"

Sumabat yung boyfriend ni Mira, "Kasi na-foul sya ni Dave kanina tapos pumasok yung bola kaya may free throws sya. Pag naipasok nya yun, panalo sila by 1 point pero pag hindi overtime."

 "Ah, kaya pala."

Nagdribble muna si Mark saka pumwesto para mag-shoot.

*****

 February 14, 2012. Happy Valentine's Day! Nakaka-excite ang mga mangyayari ngayon. Wala akong idea sa mangyayari pero naeexcite ako. Ano kayang ibibigay sa'kin ni Mark? Flowers? Chocolates? Letters? Dinner-date kaya o Lunch-date? Maganda rin yung movie-date. Kahit kalye-date pa okay na sa'kin. Kahit kumain lang ng chichow sa labas ng school, solved na ang valentine's day ko. Okay, ASSUMER na ko. Hindi naman kami.

Text to: Mark

Text from: Liz

Happy Vday! :*

No reply.. Baka busy sya. Siguro may test sila. 

Text to: Mark

Text from: Liz

San ka lunch? Sabay ba tau? :)

No reply.. Hindi ako mapakali. Bakit kaya hindi nagrereply si Mark? Tinawagan ko na pero unattended.

After class pumunta muna ako sa locker para ilagay yung mga gamit ko. Nagulat ako sa nakita ko.

May varsity jacket.

Wow! Hindi ko ineexpect ang varsity jacket from Mark. Color blue and yellow yung jacket. Hindi ko pinansin yung ibang details like kung anong naka-sulat sa likod o sa harap. Na-excite na ko. Gusto kong mag-thank you sa kanya at yakapin. Dali-dali kong sinarhan ang locker ko at pumunta sa gym. Baka sakaling andun sya. 

Pagdating ko sa gym, hinanap ko agad si Mark. Andun si Dave nakaupo sa bleacher at pawisang-pawisan. Kakatapos lang siguro nyang mag-practice. Nakita nya ko pero ngumiti lang ako sa kanya at tumakbo sa locker room ng varsity players. 

 Nagulat ako sa nakita ko...

Hindi ko ineexpect..

Para akong sinaksak sa dibdib..

Nakakandong kay Mark ang cheerleader ng school namin. Nilalapit nung cheerleader ang mukha nya na parang gusto syang halikan. Gusto ko syang sampalin at sabunutan pero wala akong karapatan. Umiiwas si Mark pero naka-ngiti sya at medyo natatawa. Anong ibig sabihin ng ngiting yun? Pakipot ang peg? Yun lang ang nakita ko. Hindi ko alam kung anong mangyayaring kasunod. Ayokong makita. Tama na yun para masaktan ako ng ganito. Tumakbo ako palabas ng gym. Hindi ko alam kung san ako papunta. Basta tumatakbo ako palayo. At nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. 

Tumigil ako sa pagtakbo. Nasa parking area na pala ko. Kanina pa nag-dismissal kaya wala nang sasakyan sa parteng tinigilan ko. Tumago ako sa likod ng isang malaking puno. Hawak ko pa rin pala ang varsity jacket na bigay ni Mark. Nasasaktan ako pero hindi ko na yata kayang i let go pa ang nararamdaman ko sa kanya.

Anong gagawin ko? Pano kung basta-basta na lang nya ko iwan dahil sa babaeng yun? Wala naman ako sa lugar para pigilan syang gawin yun.

Nakakainis! Sa inis ko itinapon ko na lang yung varsity jacket at biglang umiyak na parang bata. Dun sa malaking punong yun, nakasandal ako at nakasubsob ang mukha ko sa mga binti ko. 

Ang sakit.

Ang sakit-sakit palang magmahal.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Pakiramdam ko gumuguho ang mundo ko.

 =======

Author's Note:

Thanks chizoyucori for reminding me.

Special thanks to my super girlfriends. Guys, I adapted your stories here. Pardon me.

Kisses to all of you!

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon