Chapter eleven

381 11 4
                                    

Score 53-60

Patuloy ang first aid ni Dave sa medics, itinetherapy na ang tuhod nya.

Nakaupo lang si Mark at nanunuod ng game.

Mainit pa rin ang laro sa play court kahit pa nawala ang dalawang star players.

*****

Last subject ko na before dismissal. Kinakabahan ako, buong araw kong hindi nakita si Mark pero sabi nya sa phone kagabi see you tomorrow daw. Hindi sya nagtetext or kahit ano.

RIIIIINNNGGG!!!

Occupied na ang isip ko ni Mark. Hindi ko alam pero simula pa kahapon si Mark lang ang nasa isip ko. Para akong mababaliw sa lahat ng ipinapakita nyang kabaitan at ka-sweetan.

" Tara! Tambay tayo." Niyaya kami ni Mira. Unusual. Nagyayaya lang naman si Mira kapag may away sila ng boyfriend nya. Kaya malamang may problema to.

"May problema, Mira?" Sa totoo lang kahit si Riz lang ang kasama nya, okay na. Sya lang naman ang matinong kausap samin lalo na pagdating sa love life. Pero syempre, barkada nga kami kaya sama-sama rin kaming pumunta sa McDonald's. Walang iba eh.

"Anong problema Mira?" tanong ni Riza. Sya naman lagi ang nagsisimula ng conversation.

"Break na kami" sinasabi nya in between crying and eating.

"Bakit?"

"Manloloko sya! T******* ayoko nang magmahal!"

Ayon sa kwento ni Mira, nahuli nya daw ang boyfriend nya na may kahalikan noong nag-iinuman ito kasama ang barkada nila. Sa kwento at luha ni Mira alam kong sobra syang nasasaktan. Natakot tuloy ako bigla. Pano kung sa'kin mangyari yun? Kakayanin ko kaya?

Text from: Mark

Text to: Liz

San ka?

Bigla akong kinabahan. What if maging kami ni Mark. Will it happen? Natakot ako bigla, natakot akong magmahal at mahalin. Alam kong isang malaking giyera ang haharapin ko lalo na kung si Mark Luis Villas ang magiging boyfriend mo.

"Pano ka matututo kung hindi mo susubukan? Pano ka magiging masaya kung natatakot ka? Alam mo hindi lahat sa buhay madali, minsan talaga may mga bagay na dapat mangyari hindi dahil para masaktan o makasakit tayo. Minsan nangyayari yun para turuan tayo ng mga bagay na dapat nating malaman." lahat kami nakikinig kay Riza at sigurado ako lahat kami tinatamaan sa mga sinasabi nya. " Nakakatakot magmahal, Oo, lalo na pag hindi ka marunong maglaro. Pano kung isang araw may isang lalaking tumayo sa harapan mo at sabihing gusto ka nyang makasama habang buhay pero lumayo ka dahil natakot kang maulit yung nangyari sayo dati o takot kang mangyari sayo ang nangyari sa kaibigan mo. Kumbaga, dumepensa ka lang dahil natakot kang sumubok agawin ang bola kasi baka magka-penalty ka kahit alam mo namang kaya mo. Para kang nagsayang ng isang shoot na may kasamang free throw." Bow! Ang speech ni Riza.

Mark calling....

Napatingin sa'kin ang buong barkada. "Nasa sa'yo rin kung sasagutin mo sya o hindi. Wala namang ibang magdedesisyon nyan kundi ikaw. Isushoot mo ba ang bola o ipapasa mo na lang? Sabi nga, "The higher the risk, the higher the return' diba?" may pagka-psychic rin talaga itong si Riza. Dapat nag-psychology na lang sya.

Tumayo ako at lumayo sa kanina saka ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

"..."

"Hello?"

Missed call na pala. Kumbaga sa basketball, I missed the shot.

Umuwi na rin pagkatapos mag-drama ni Mira at magbigay ng speech si Riza.

Nung gabing yun katext ko si Mark. Random things ang usapan namin. Nung una nagku-kwentuhan kami tungkol sa banda. May nabanggit din sya about basketball. Sabi nya, first love daw nya ang basketball bago pa ang mag-banda. Tapos nawalan rin kami ng usapan kaya kahit anong nonsense na may mapag-usapan lang. Pero para sa'kin, lahat ng yun may sense. Kahit ang tanong na 'Anong ulam mo kanina' na kahit naman malaman nya ay walang kwenta dahil nakain ko na yun. 'Anong ginagawa mo' na obvious naman na nagtetext.

Mark calling...

"Hello?"

"Hello!"

"Ba't ka tumawag? Magkatext na tayo ah."

"Gusto ko kasing marinig ang boses mo."

"Narinig mo na, ok na?"

"Hindi yun. Gusto ko kumanta ka."

"Anong kanta ba?

"Kahit ano"

"Nahihiya ako."

"Distraction ka Liz. Hindi ka dapat nahihiya." Oo nga, magka-banda kami. Hindi pwedeng mahiyain ako. Nag-isip ako ng kanta at ang unang pumasok sa isip ko ay Two is better than one ng Boys likes Girls

"I really like that song. Salamat Liz." He sounds so sincere.

"Ah, welcome."

"Goodnight Liz, bye!"

"Goodnight Mark."

End call. Nung gabing yun bigla kong naalala ang speech ni Riza. Tama sya, nakakatakot pero pano ako sasaya kung hindi ko pagbibigyan ang sarili ko? Sa pagkakataong to, hahayaan ko na rin lang sarili ko na mag-shoot sa puso nya.

Palagi syang friendly mood kaya hindi na ko nahirapang maging close sa kanya. Every night nagtetextan at nagtatawagan kami. Pinag-uusapan ang mga may sense at walang sense na bagay. Ang sarap sa pakiramdam na may nakakausap ka bago matulog at kinakamusta ka buong araw. Ang sarap isipin na bago ka matulog, may isang taong iniisip ka at alam mong paggising nya, ikaw pa rin ang iniisip nya. Kung hindi, hindi nya maiisipang mag-goodmorning o tumawag para gisingin ako sa umaga.

Sa banda, maalaga na rin sya. Palaging may dalang pizza. Palaging hawaiian.

*****

Mainit ang sagutan ng dalawang team. Score 54-62. Malapit nang matapos ang third quarter. Ilang segundo na lang. Ball on fourth year. Hawak ni No. 16 ang bola, ipinasa kay No. 9, nag-struggle tapos fouled by second year No. 15. tumigil ang oras sa 20 seconds. May two free throws si No. 16 na fourth year. Shoot ang isa, sablay ang pangalawa. 20, 19, 18, 17, 16... Kailangang bumaba ang lamang ng second year. 15, 14, 13, 12,11. Hindi dapat maka-tira ang fourth year. 10, 9, 8, 7, 6, 5 Tumatakbo si No. 7 for a crucial lay-up. 4, 3, 2, 1..... pasok!

0..bell rings.....

Score 59-64

End of third quarter

=======

Author's Note:

Fourth quarter na! Who's your favorite team?

Hit Vote and leave a comment. Thank you friends!

I'm sorry for my poor writing but I promise, fourth quarter will be more exciting with this little skills of mine. You know, Lols. :))

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon