Chapter seven

397 9 2
                                    

Victory look.

Yun ang nababasa ko sa mga mata ni Mark ngayon. Pero hindi lang yun, there's something deeper in his look. Something strange. Hindi ko talaga ma-explain pero alam kong may kakaiba sa mga tinging yun. Hindi lang dahil sa llamado na sila game. Hindi lang yun. At nababaliw na ko sa kakaisip sa kung anuman yun. May kinalaman kaya sa sinabi nya kanina?

*****

"Hi Liz! Are you going home?" tapos na ang first rehearsal ko kasama ang Distractions. Hindi pa daw rehearsal yun kundi jamming lang. Pero para sa'kin nga parang performance night na sa sobrang kaba ko.

"O-Oo ehh." No wonder kung bakit Distractions ang band name nila. Bawat isa sa kanila nakaka-distract ang appeal. Hindi naman sa mga gwapo silang lahat pero malakas ang sex appeal nila daig pa ang bagyo.

"Hatid na kita." Wala nang atrasan to. Bago ka pa makatanggi makikita mo na lang ang sarili mo na nakaupo na sa kanyang BMW X6M SUV.

Pumasok na sa driver's seat si Mark. Nakatitig lang sya sa'kin. Pansin nya siguro na nahihiya ako at naiilang. Hindi naman kasi ako sumasama sa mga lalaking bago ko lang kakilala. Hindi porke ka-band member ko sya, excuse na sya pero ganun na nga ata ang nangyare. Excuse sya.

Unti-unting lumapit ang mukha ni Mark sa mukha ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Lub-dub-lub-dub... Nakatitig lang sya sa'kin at pinagmamasdan ang mukha ko. May dumi ba? Lub-dub-lub-dub... Unti-unti pa itong lumapit. Anong gagawin nya? Lub-dub-lub-dub...

"Seat bealt," bulong ni Mark sabay kuha sa belt at sya na mismo ang naglagay.

Hinga! Kinabahan ako dun.

*****

=======

Authors Note: for better reading

Line Up- Fourth year 

No. 10 

No. 5 

No. 23 

No. 16 

No. 9

Line Up- Second Year 

No. 11 

No. 7 

No. 15 

No. 3 

No. 8

=======

"Second year, substitution!" announced ng announcer na nakinig ko pero hindi ko naman pinansin.

Alam ko na! Yun! Yung titig nya sa'kin nung araw na yun, ganun din ang tingin ni Mark sa'kin kanina after first quarter!

"Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!" 

"Waaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

"Goooo Daveeeee!!!!!!"

Ang ingay! Nagwawala na ang mga katabi... Si Dave? Si Dave! Nakikita ko na si Dave sa loob ng play court.

"Hoy Liz! Pumasok na si Dave. Mag-cheer ka, bilissssss!" nagwawala na nga po ang mga kasama ko. Para silang mga nakawala sa hawla nung nag-sub si Dave. Syempre ba naman, si Dave na Rookie of the Year. Ang pag-asa ng second year.

Game na ulit. Tutok ang lahat sa laban. Takbo dito, takbo doon. Ball on second year. Hawak ni No. 3 ang bola, ipinasa kay No. 15 blocked by opponent No. 10 pero na-steal ni No. 8 sabay three points!

Sigawan ang second year.

Ball on fourth year. Hawak ni No. 5 ang bola, ipapasa kay No. 10 pero wrong pass to opponent No. 11, binigay kay No. 8, three points!!!

Ball on second year. Passed to No. 8, passed to No. 15, passed to No. 11 but failed to shoot. Rebound by opponent No. 10 passed to No. 23 balik kay No. 10 defensed by opponent No. 8. No.10 passed the ball to No. 5 and back to No. 10, lay-up!

Exciting ang laban. Lumabas ang teamwork sa bawat grupo. Hindi na lang si Mark ngayon ang gumagalaw. At ang second year, bumabawi. Score 38-33.

Hawak ngayon ni Dave ang bola in his attempt for a three-point shot. This time, sinubukan ni Mark na pingilan si Dave pero unforunately it leads to a personal foul and the ball shots perfectly in the basket. Dave is awarded one free-throw.

Score 42-41.

End of first half.

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon