Chapter seventeen

329 9 7
                                    

Si Mark ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko?

Yung sinabi nya kaninang mahal nya ko, totoo ba yun?

 ----------------------------------------------------------

"Dave! Bakit ka nagagalit eh laro lang yun. Marami ka pang time para maging MVP." Tapos na ang laro. Panalo na ang fourth year by one-point. Hindi naman pikunin sa laro si Dave kaya hindi ko maintindihan kung bakit sya nagagalit. Siguro, dahil sya ang naka-foul kay Mark kaya sya nagka-free throw.

"Hindi yun Liz eh! Hindi yun!"

"Eh ano?"

Hindi na sya nagsalita. Pumasok na sya sa bahay nila. Hindi ko ang gagawin kaya tinawagan ko si Mark. Pinapunta nya ko sa Victory party nila.

------------------------------------------------------------

Ang daming tao puro fourth year. Nakaka-ilang yung mga tingin nila sa'kin. Naka-simpleng dress lang ako. May nag-approach sa'kin na isang babae. Medyo morena, kulot ang buhok at maganda. "Ikaw ba si Liz? Hinihintay ka ni Mark."

Tinuro nya sa'kin kung nasan si Mark. Pinuntahan ko sya sa may stage. Kausap nya yung ibang players. He looked gorgeous with his pink long sleeves. Very manly. Tumingin sya sa'kin at nag-half smile. Napatigil ako. Kinabahan.

Nag-excuse sya sa mga kausap nya at unti-unting lumapit sa'kin. Nakatitig sya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Napansin ko lang, it's all black and blank. Pero kahit na, nakatitig pa rin ako sa mga singkit nyang mata.

Hinawakan nya ang mga kamay ko. 

"Akala ko hindi ka pupunta." Kita ko yung sincerity nya sa sinabi nya. "Dance with me, Liz."

Party songs ang music kaya tumango lang ako. Minsan ang sweet nya kahit wala sa lugar. Pumunta kami sa gitna ng dance floor, marami nang nagsasayaw sa gitna at wild na with all those party songs. Pagdating namin sa gitna, nagulat ako kasi nag-close dance position kami at biglang nagbago ang music, from party songs to sweet songs. 

More than Words by Extreme ang kanta. [CLICK THE LINK]

Nagsayaw kami. Ang mga tao sa paligid namin naghanap na rin ng partner nila para magsayaw.

Habang nagsasayaw kami, nakatingin lang ako sa mukha nya at pinagmamasdan ang bawat detalye nito. Yung mga mata, ilong, bibig, hugis ng mukha at ayos ng buhok. Ito ang mukha nya pag seryoso sya.

Nakatingin lang sya sa malayo. Tapos nilagay nya ang mga kamay ko sa likod ng leeg nya, inihimlay nya ang ulo ko sa dibdib nya at hinawakan ako sa bewang. Magkayakap na kami habang sumasayaw. 

Hindi sya umimik. Feel na feel ko yung kanta. Sya rin kaya?

Minsan nararamdaman kong biglang humihigpit ang yakap nya sa'kin tapos biglang luluwag. Ano kayang nasa isip nya? Gusto ko sanang tingnan sya at tanungin kung bakit kaya lang okay na ko dito. Dito na lang muna ako sa piling nya hanggang sa matapos ang kanta.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Ang ganda talaga ng More than Words. Isang kantang nagsasabi na higit pa sa mga salitang mahal kita, mas magandang ipahiwatig yun sa kilos at galaw. At kung mahati man ang puso ko, hindi ako nagkulang na ipakita sa'yo na mahal kita.

Hindi pa natatapos ang kanta, inalis ni Mark ang mga kamay nya sa bewang ko at hinawakan na ulit ang mga kamay ko. Umalis kami sa dance floor at dinala nya ko sa may Fire Exit.

Tahimik dun at makakapag-usap kami ng maayos.

"Liz, I'm sorry."

"Bakit?"

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon