Chapter one

975 11 9
                                    

=======

Author's Note:

I am not good in basketball. I am just a plain audience but I really want to write this story so please bear with me, I may lack on technicalities but I'm trying my best to give you a story worth reading. Please read and vote. Happy reading!

********

2 minutes before the time

tik...tok...tik...tok... Lumilipad na naman ang isip ko. Hindi ako mapakali at panay ang silip ko sa cellphone. Hindi na nga ako nakikinig sa professor ko.

tik...tok...tik...tok...

"Yes Ms. Reyes?" Natawag pa nga kung kelan hindi ako nakikinig. Ano daw ang tanong?

RIIIIIIINNNNNGGGGGGGG!!!!

Yes! Saved by the bell.

At dahil break time syempre sa barkada ang punta ko. Naabutan ko silang nagchichikahan. Kung ano yun, aalamin natin.

At hindi pa ako nakakarating sa table nila, nasasagap ko na agad ang chika.

"Liz, tara manunuod bukas ng first game!" At kasama pla nila si Jadd, isa sa mga basketball player ng batch namin. Kasali rin sya sa lalaban para sa Intrams.

*****

Intrams week na bukas ng department namin. Dito kasi sa school ko by department ang celebration para daw hindi na maabala ang ibang course na hectic ang schedule, if you know what I mean.

Syempre ineexpect na namin na mananalo ulit ang batch namin. Last year kasi, kami ang champion at dahil yun kay... Dave. Dave Diamante. Second year college. Rookie of the year.

"Oo sige. Manunuod kami" yun na lang sinagot ko pero sa totoo lang gusto kong itanong kung kamusta na si Dave. Ilang araw na syang absent dahil nagka-injury sya sa practice game nila.

Hindi sya sumasagot sa text ko. Kaya kanina pa ako napapa-isip.

"Sige ha, basta bukas ha. Hoy Liz wag kang mawawala ha? Malay mo. Biglang gumaling si Dave kasi manunuod ka." Sige lang Jadd biruin mo pa ako!

Hindi namang tago sa lahat ang tungkol sa "pagtingin" sakin ni Dave pero kahit kelan hindi nya sinabi sa'kin yun, kahit pa may pagkakataon na. Hindi ko alam ang totoong dahilan. Siguro natatakot syang isugal ang friendship namin sa relasyon na walang kasiguraduhan.

"Pre, tara na! Excited na kong lampasuhin si Villas." at umalis na ang dalawang makukulit na varsity players.

"OMG! Beks si Villas pala lalaban!" Si Mark Luis Villas. Fourth year. Star player.

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon