Chapter fourteen

323 8 5
                                    

Score 83-85

Last two minutes..

"Huy! last two minutes na, panalo na tayo! Waaaaah!!!" Agad-agad? Si Selina talaga kung maka-react ang OA.

"Mahaba pa ang two minutes." kontra ni Riza. Mahaba ba yun? Feeling ko mabilis na yun eh.

"Oo nga, dasal na tayo!"

Nagdi-dribble si No. 16, hindi alam kung kay No. 5 o No. 10 ipapasa, overhead pass kay No. 5 tapos chest pass naman kay No. 10 then going for a lay-up.

No. 11 possesess the ball, pinasa kay No. 8 tinakbo sa kabilang court, guarded by No. 10, pinasa kay No. 18 and shoot.

No. 8 posesess the ball guarded by No. 10, nag-cross over and shoot.

No. 5 dribbles the ball then pinasa kay No. 10, pinasa kay No. 23 guarded by No. 8, struggle sa depensa kaya pinasa kay No. 10. Hinabol ni No. 8 ang bola pero too late. Jump-shot!

Si No. 3 ang dala ng bola, binigay kay No. 8. Nagtapat ulit sila ni No. 10. Nag-eye-to-eye sila na parang dalawang dragon na gustong magpatayan. Sinubukan ni Dave lusutan ang depensa pero sobrang lapit ni Mark at hindi sya makagalaw ng maayos. Pinasa nya kay No. 3 na binabantayan ni No. 23 at No. 16. pinasa ulit sa tumatakbong si No. 18 pero sumipol ang referee. Nagtapos na ang time limit nila para sa isang field goal attempt. Turnover para sa kalaban.

Tumatakbo ang oras ng mabilis. Alam ko mahaba ang two minutes ng isang basketball game pero bakit ang bilis. Siguro dahil biglang naglaho ang mga daydreams ko. Isang minuto na lang tapos na ang laban. Anim pa ang lamang namin.

Score 88-90

Malapit na sa basket si No. 18 pero guarded by No. 23. Pinasa sa tumatakbong si No. 3. Pumwesto si Dave sa three point line. Libre sya kaya pinasa sa kanya ni No. 3. Tumatakbo si Mark para pigilan ang bola pero napakawalan na ito ni Dave. The legendary three-point shot of Dave Diamante.

Score 89-93

Next scene puro fouls na ang labanan. Tumatakbo ang oras. Sigurado akong pressured na ang bawat team member ng fourth year. Tumawag ng time-out ang coach nila.

"Sabi sayo matagal ang two-minutes eh." Wala namang kumukontra Riza. Wala talaga.

Libre si Mark kaya pinasa sa kanya ang bola. Nag-3 point attempt sya pero hindi pumasok dahil na-foul ni No. 3 Tumigil ang oras. May three free throws si Mark.

First Attempt - Sablay

Second Attempt- Pasok

Third Attempt- Sablay

Score 90-93

Patuloy ang labanan sa FOUL. Wala tuloy nang maka-shoot.

At si No. 23, graduate na. Naka-5 fouls na sya. Out na sa game kung kelan patapos na. Si kuya talaga!

"Wohhhhhh!"

"Ten-tenenenen-tenenenen-ten-ten"

"Boooooohhh!"

"Wahahahaha!"

"Graduaaaaateeee!"

Nagkagulo ang lahat. may mga nag-slamman sa kabilang tabi. Tuwang-tuwa silang na-out si No. 23. Syempre masaya rin kami. Eto nga nagtatatalon na kami sa tuwa na parang champions. Talon! Talon! Talon! Lagyan mong slow-mo sa imagination mo ha?

At dahil sa nagcecelebrate na kami, hindi na namin namalayan na naglalaro na pala ulit sa court. Ayun, si Mark at Dave for the last 30 seconds.

Nag-didribble si Mark at mabilis na pumwesto si Dave para harapin sya. Nagseselebrate na talaga kami.

Ay, oo nga pala. Score update 90-93 pa rin.

24-23-22-21

Dala ni No. 16 ang bola na mabilis dinipensahan ni No. 3. Sinusubukan nyang lumusot pero hindi sya makanap ng butas.

20-19-18-17

Nakita si Mark at pinasa ang bola. Sigawan ang lahat ng fourth year. Lahat ay umaasa sa kanya para manalo. 3 points lang ang kailangan para manalo sila.

16-15-14-13

Parang one-on-one na lang ang laban. Hinarap ni Dave si Mark.

12-11-10

Pressure on Mark. Sinusubukan nyang makahanap ng space para ishoot ang bola.

9-8-7

Hindi ko na naman maintindihan ang dribbling movements ni Mark. Tumatakbo ang oras pero hindi parin sya makahanap ng timing para maka-shoot.

6-5

Lahat ng second year bumibilang kasabay ng oras na parang bagong taon. Nasa three-point line sya.

4-3

Nag-dribble series na si Mark bago pakawalan ang bola sa ere. Hindi nag-slow-mo yung bola. Ang bilis nya. Pati ang oras mabilis din.

2-1-0.....

PASOK!

Counted ba?

Napatahimik ang mga second year at standing ovation naman ang fourth year. Sila naman ang nag-slamman, nag-iritan at nagkagulo.

"Counted yun kasi nasa ere yung bola bago mag-0 ang time tapos pumasok. Shot clock tawag dun" Inexplain samin ng boyfriend ni Mira. Bagong boyfriend nya.

"Ibig sabihin..."

OVERTIME!

=======

Author's Note:

Thank you for suggesting an exciting game finale. No not you, You!

If you're reading this, thank you for your support. Now let's spead the love and also this story. Hit Vote and leave a comment. :) :) :)

triple smile for you!

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon