Chapter four

497 8 0
                                    

======= 

Author's Note: 

Please don't confuse yourself. The ***** sign means a change of scene. Thank you 

=======

*****

"Ano ka ba naman Liz! May gusto kaya sayo si Dave!" Sabi ni Selina, isa sa mga friends ko. Gumatong pa itong si Mira "Oo nga halata naman eh!"

Oo alam ko yun. Pero, "Hindi yun!"

"Ang suplado kaya nyang si Dave, sa'yo lang hindi"

Oo alam ko ulit yun. "Suplado naman talga yan eh kahit sa'kin kaya"

Pero syempre hindi papatalo ang mga friends ko sa sinasabi ko. "Suplado sayo yung lagay na yun. Eh pano kaya sa'min invisible na kami sa kanya ganun?" Wagas talaga silang makaloko sa'kin. "Ano ka ba naman syempre invisible tayo sa kanya, si Liz lang nakikita nun!" Sabay umimik pa si Riza, "Ang swerte mo dun Liz. Matalino, gwapo tapos MVP pa!"

Wala talaga akong kawala sa tatlong to pag nagsama-sama ng pangungulit at pangloloko. "Baliw nyo ba. Kilala ko kaya crush nun!"

"Crush. eh kilala mo ba mahal nya?" Ayan na nga ang nakakatakot na tanong ni Riza. Sabi na eh, umimik pa kasi. Alam ko na kasunod nito kaya ang isasagot ko na lang sa kanya ay "Tanung ko minsan!"

*****

"Liz!!!!" 

Biglang dumating si Dave.

OMG. Scary. Ang scary talaga ng mga mata ni Dave. Ngayon ko lang ulit syang nakita ng ganun. Yung mga tingin nya parang papatay ng tao. OMG. Lumalakad sya papalapit. Namumula yung tenga nya. Sa pagkakatanda ko minsan ko lang nakitang namula ng ganun ang tenga nya at yun ay nung...

*****

"Wow! Ang galing mo namang mag-basketball bata," sabi ng isang batang babae habang nanunuod sa isang batang lalaki na naglalaro ng basketball sa harap ng bahay nila.

Pero hindi sya pinansin nung batang lalaki.

"Bata, diba ikaw yung magaling mag-basketball? Magkaklase pala tayo. Anong pangalan mo?" tanong ng batang babae sa batang lalaki na seatmate nya sa klase.

Pero hindi na naman sya pinansin nung bata.

"Alam mo ang galing mo talagang maglaro. Siguro gusto mong maging basketball player paglaki mo ano?" sabi ng batang babae noong PE class nila ng batang lalaki.

Pero hindi pa rin sya pinapansin.

"De-de-de-de-de-de-Daveeee!!" kinanta ng batang babae ang pangalan ng batang lalaki habang magkatabi sila sa classroom.

Lumingon ang bata at ngumiti sa kanya. Sa wakas pinansin din sya. "Sabi ni teacher isasali nya daw ako sa basketball game kalaban ang Section 2."

Sobrang tuwa ng bata, "Pwede ba kong manuod?"

Tumango lang ang batang lalaki at hindi na ulit sya namansin.

Kumakain ng ice cream ang batang babae habang papunta sya sa gym para manuod ng game ng batang lalaki,

"Hoy Liz! Saan ka pupunta?" Humara ang isa sa mga kaklase nyang lalaki. Malaki, mataba at matangkad ang bata kaya hindi nya alam ang kanyang gagawin. Bigla syang natakot. "Akin na lang yang ice cream mo, pag hindi mo binigay susuntukin kita!" Umaktong susuntok ang bata sabay kantyaw naman ang kasama niyang maliit na bata ng, "iiyak na yan! iiyak na yan! wala ng ice cream! Belat!!"

Nabitawan ng bata ang ice cream nya at biglang umiyak.

"Liz!!!!" 

Biglang dumating si Dave. Nakakatakot ang tingin nya sa dalawang bata. Namumula ang tenga nya. Nangigigil sya sa galit. Tapos nag-away sila at nagsuntukan. Na-principal's office ang pinakamabait na si Dave kasama ang dalawang pinakamagugulo sa klase.

Hindi na nakasali si Dave sa basketball game.

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon