Chapter six

414 9 2
                                    

===============

(Author's note: I am not a basketball player nor good at it. Forgive me if I commit mistakes on the technical terms. I tried to ask for help but then my friends are too busy with schoolwork so this is all I can do. I hope you will still appreciate the story. Thank you!)

*****

"Okay guys, so I know kilala nyo na ang bago nating vocalist." First practice ko 'to kasama ang bago kong banda na hindi lang basta banda. Distractions, sila ang pinakasikat sa buong campus kaya grabe ang pressure sa'kin. Yung dating vocalist nila, nag-migrate na sa Australia at sabi ng iba sobrang galing daw nun. Pressure!

"Well Liz, this is Benj sya sa rhythym, si Mark sa drums and of course! I do the lead." Mabait at comforting naman si Sam. "Si Alessa nga pala dadating mamaya, yung manager natin." Manager? "Joke lang. Si Alessa yung girlfriend ni Benj, part time assistant, part time manager ng banda." Nagtawanan na sila. I stay still.

"Wag kang kakabahan. Alam mo, maganda ng boses mo kaya ikaw ang pinili ni Mark este namin pala. Sige, gawin natin to." At pinakita na nya yung kanta. Okay. Kaya ko 'to.

"Oh! Mark tulala ka! Jam na!" (drums starting)

Mark. I palpitate.The effect of his name. Blush.

*****

Mark. I palpitate. Totoo nga kaya yung sinabi nya kanina?

Malapit lang ang seat namin sa play court. Halos sa likod lang ng second year bench. Kitang-kita namin ang lahat ng nangyayari sa game. Kitang-kita ko ang paghahari ni Mark sa ring. Sigurado ako na nakikita din yun ni Dave. Si Dave. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Ano kayang nasa isip nya?

Nakaupo lang si Dave. Nanunuod. Hindi ko alam kung anong reaction nya. Hindi ko alam kung kalmado sya katulad ng dati o kinakabahan. Yung injury kaya nya, sumasakit?

"No. 10 two points! Mark Luis Villas!" paulit-ulit, paulit-ulit yung announcer.

Shoot dito. Shoot doon.

Score 22-8. Fourth year lead.

Malaki ang lamang. Halos lahat ng score galing kay Mark. Grabe, napapabilib na talaga ako ni Mark. Hindi pa ko nakakakita ng 20 pts. straight shoot sa isang quarter na iisang player lang ang gumawa. Yung mga ka-team nya halos assist at rebound lang. WOWED na naman ako! Basta napapunta na sa kamay ni Mark ang bola wala nang iba pang mangyayari kundi ang 'mahulog sa ring.'

(first quarter bell rings...)

Score 32-20

Nakikita ko ang dismaya sa mukha ng second year coach. Sumisigaw n sya habang nagtuturo ng game plan nila. Pero, hindi ko naman marinig ang sinasabi nya dahil sa ingay.

Dun ko nahuli ang titig ni Mark sa'kin na parang nagsasabing panalo na sila.

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon