Untold Stories

406 9 8
                                    

=======

Author's Note:

Surprise! Joke, hahaha :D

This is my first story and I know there's a lot of mistakes that created confusion to everyone. Here's the untold stories.

I don't know if this is acceptable for you. Nevertheless, I hope you'll like it.

Thanks to my friends for unknowingly giving me ideas while having our chit chat.

Hit Vote, become a fan and comment na rin if you want to.

Thanks for reading!

*****

Mark's POV

Hindi ko masabi kay Liz. Hindi ko maamin sa kanya ang kagaguhan ko noon. Mahal ko talaga si Liz. Hindi ko gagawin ang lahat ng 'yun kung wala akong nararamdaman sa kanya. Kung kaya ko lang sanang itama ang lahat, gagawin ko 'yun para sa kanya.

Si Noemi, ang totoo matagal na kong walang nararamdaman sa kanya. Pero pinili ko sya dahil... dahil sa anak namin.

Gago ako noon. Nabuntis ko si Noemi nung grumaduate kami ng high school. Pinadala sya sa LA ng mga magulang nya para itago ang pagbubuntis nya. Kilala ang pamilya nya kaya ganun. Sa LA na rin sya nagpatuloy ng pag-aaral.

Wala sa mga kabarkada ko ang nakakaalam nito. Pamilya lang namin ang may alam. Wala rin akong pinagsasabihan ng tungkol dito.

Katangahan ang ginawa ko nung gabing ipinangako ko sa kanya ang lahat lahat...na kahit anong mangyari... pananagutan ko sya. Pakakasalan. Pero nung nakita ko ang baby namin last year lang, sobra ang pagmamahal ko sa kanya na ayaw ko syang magkaroon ng hiwalay na magulang. Gusto ko syang lumaki sa isang magandang pamilya. Naisip kong tuparin na lang ang mga ipinangako ko kay Noemi tutal malapit na rin naman akong grumaduate at pwede ko na silang buhaying mag-ina.

Hindi ko naman alam na dadating si Liz sa buhay ko. Binago nya ang lahat sa akin. Mahal ko pa rin sya ngayon, sobra pa nga kahit hindi na talaga pwede. Mas mahal ko ang anak ko eh. Pinalayo ko na lang sya para hindi sya masaktan. Yun ang totoo.

Hanggang ngayon walang alam si Liz sa bagay na ito. Natatakot akong malaman nya kaya nakiusap na rin ako kay Noemi na wag sabihin sa kanya tutal babalik na ulit sya sa LA next week. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko 'to itatago. Ayokong masira kami ni Liz dahil dito. Okay na kami ngayon, magkaibigan naman kami kahit na masakit sakin na makita syang kasama si Par. Alam ko namang aalagaan sya nya nun. Haist!

*****

Dave's POV

Bata pa lang ako kilala ko na si Liz. Una ko palang syang nakita noon, kumakabog na ang dibdib 'ko sa kanya. Bata pa kami nun at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya naging suplado na lang ako kasi hindi ko mapigilan yung kumakabog sa dibdib ko eh.

Hanggang sa dumaan ang mahabang panahon na kinikimkim ko lang ang lahat. Tahimik lang ako pero palaging nasa tabi nya. Okay na siguro yung hanggang magkaibigan na lang kami. Tingin ko wala syang gusto sa 'kin eh. Natatakot akong ma-reject nya. Pinili ko na lang na mahalin sya ng tahimik. Pinili ko nalang na protektahan ang sarili ko.

Hanggang sa dumating si Par at nangyari ang lahat...

Napagod na rin ako sa kanya eh. Baka sakaling pag umalis ako, ma-miss nya 'ko. Pero, asa pa 'ko. Ang tanga ko. Isa akong malaking talunan eh. Alam kong nahulog na ang loob nya kay Par nung mga panahong 'yun. Naging maganda naman ang resulta ng ginawa kong pag-iwan kay Liz at pagpili na lumipat sa ibang unibersidad para maglaro sa Nationals.

Madaming babae ang nagkagusto sakin. Hindi ako magmamalinis. Ang iba sa kanila pinatulan ko. Lalaki parin ako at mahina sa tukso. Date lang dahil may respeto parin ako sa babae kahit pa sila ang kusang nagbibigay ng motibo. Sabi nila, hanggat may pagkakataon sumugal ka. Malay mo nga naman nasa iyo ang swerte. Ayokong magtake advantage sa kanila, pero sila itong umaasa eh.

Hindi ito alam ni Liz. Ayokong magbago ang tingin nya sa'kin. Hanggang sa mabalitaan kong hindi tumupad sa deal namin si Par. Nagalit ako pero wala akong magawa. Malayo ako eh.

Okay naman sila ngayon pati kami ni Par, magkasundo na rin kahit alam kong may gusto pa rin sya kay Liz. Hindi ko na lang pinapansin dahil ako naman ang pinili. Feeling ko nanalo ako sa lotto at higit pa sa MVP title ang napanalunan ko.

Kaya ngayong, good boy na ulit ako. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong 'to para sa'min.

*****

Liz POV

Siguro nga masyadong mabilis ang mga pangyayari sa'min ni Mark kaya nauwi rin sa wala. Ewan ko ba. Sa iba, nagwo-work 'yung ganun pero sa'min hindi. Nasaktan ako ng sobra dahil alam kong may dahilan sya sa pagpapalayo sa'kin. Pero siguro nga, si Noemi lang talaga ang mahal nya at kailangan ko 'yung tanggapin.

Ang tanga ko lang na ngayon kung kelan lumayo na rin si Dave saka ko naisip na may feelings pala ako sa kanya. Akala ko tamang crush lang at si Mark talaga ang mahal ko. Kasi naman si Mark ang sobrang nanakit sa'kin kaya ramdam na ramdam kong mahal ko sya. Si Dave naman walang ginagawa. 'Yun palang feelings ko sa kanya nakatago rin lang katulad ng sa kanya. Nung umalis sya, ayun kumawala lahat.

Bakit ang tanga-tanga namin? Umabot pa sa ganto. Dapat okay na dati pa. Dapat masaya na kami dati pa. Pero sabi ng friends ko, siguro tama lang na nangyari ang lahat kasi nga lahat naman daw dumadaan sa prosesong 'yun. 'Yung tanga-tangahan, manhid-manhidan at baliw-baliwan tapos sa huli na lang marerealize ang katotohanan. Keme lang!

Masaya na ang lahat pero hindi pa tapos ang kwento. Marami pang pagsubok na dadating pero ang mahalaga okay na ang lahat.

=======

Author's Note:

I don't know if it's good news but I have a new story entitled Huling Sayaw. Please support it as well. Thanks! I love you guys! :) :) :)

You're the MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon