CHAPTER 3

27.6K 794 102
                                    

CHAPTER 3

❤ Seige ❤

MALALIM AKONG NAPABUGA ng hangin habang walang gana na nakatingin sa labas ng classroom.

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas at nailibing na rin ang magulang ni Magnolia pero hindi pa rin siya pumapasok. At naiintindihan ko naman iyon, pero paano ako? Hindi ba niya alam na 'pag hindi niya ako makikita ay mamalasin siya? Ang palagpasin ang kagwapuhan ko ng isang araw ay isang nakakahinayang na pagkakataon. Ang dalawang linggo pa kaya?

Hindi ba niya alam na bagot na bagot na ako dahil boring pala 'pag wala siya. Ang mundo ko ay hindi makulay dahil wala akong nakikitang Magnolia na lumiliwanag tuwing nand'yan siya.

"Mr. Ford.."

Aist! Ngayong araw na lang ako mananatili sa school nila. Hindi ko na siya makikita lalo na kapag naka-graduate na ako at kumuha ng board exam.

"Ma'am, ako na ang bahala na tawagin si Segi."

Mas lalong hindi ko na siya makikita kapag busy na ako.

"Si Magnolia!"

Napatayo ako at parang tanga na napatingin sa labas.

"Hahahaha!!"

Napuno ng halakhak ang buong room dahil sa pagtawa ng mga kaklase ko dahil sa naging reaksyon ko. Tumingin ako kay Paul na pigil na pigil ang tawa kaya kinutongan ko siya.

"Mr. Ford, I've been calling you many times but your mind seems to be occupied. Can I know why?"

Napangisi ako, "Ma'am, break time na." sabi ko.

"What?" taka niyang tanong. Tumunog ang bell na lalo kong kinangisi. Tumingin si Mrs. Dimaculangan sa wrist watch niya. "but I still have 5 minutes before the end of class." ani ni Mrs. Dimaculangan.

"Well, baka Ma'am sira na ang orasan ng relo niyo." sabi ko habang sinusukbit ang bag ko sa isang balikat ko. "goodbye, Ma'am." paalam ko at hinawakan ko si Paul at Lawrence sa mga balikat nila para dalhin sa labas.

Pagdating namin sa labas, doon sa mismong walang tao, doon ko sila pinagbabatukan.

"Kayong dalawa. Bakit niyo ko pinagtripan sa loob ng classroom, ha?!"

"Segi, si Paul lang 'yon. Hindi ako nagsalita." Si Lawrence. Kaya tumingin ako kay Paul na nag-piece sign.

"Ang ayoko sa lahat 'yung binibiro ako, lalo na kung hindi timplado ang mood ko." sabi ko sa mga ito.

"Segi, si Magnolia. . ." Si Paul habang may tinuturo sa likod ko.

"Ako ba pinag-t-tripan mo talaga, ha?" banas kong sabi rito at handa ko na sanang kotongan ng pagpilitan pa niya.

"Totoo nga, Segi. 'Ayun siya." Si Lawrence naman.

Kaya naman lumingon nga ako at doon nakita ko si Magnolia na naglalakad palabas kasama ang isang lalake.

Nagkatinginan kami nila Paul at agad-agad na sinundan ang mga iyon.

"Saan kaya sila pupunta? Sino kaya 'yung lalake?" Si Lawrence na tanong ng tanong habang ako ay focus lang ang mga mata sa kalsada habang nasa tabi ko si Paul. May sasakyan ang lalake pero mas gwapo pa rin ang sasakyan ko. Tapos kulang pa ang lalake ng sampung paligo bago niya malamangan ang kagwapuhan ko.

Lumiko ang sasakyan nito at ang kinagulat ko ay sa isang motel sila pumasok.

"Bakit sila pumasok doon?" si Paul.

Napahigpit ang kapit ko sa manibela habang nakahinto kami sa labas ng motel.

"Baka naman may pinuntahan lang sila na nag-check in d'yan. At hindi naman tiyak na magagawa ng tulad ni Magnolia ang alam niyo na." si Lawrence.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon