CHAPTER 27

33.7K 663 14
                                    

CHAPTER 27

❤ Magnolia ❤

"PASENSYA NA SA inasta niya, John." paumanhin ko kay John ng maihatid namin ito sa harap ng dating bahay nila Ate Hanna.

"Ayos lang. Kaso, talaga bang boyfriend mo ang maangas na 'yan? Baka lokohin ka lang n'yan?"

Umiling ako sa sinabi niya, "Hindi ako lolokohin n'yan, at kahit ano pa siya ay mahal ko siya." sabi ko at tumingin kay Seige na matalim ang mga mata na nakatingin kay John habang nakahalukipkip na nakasandal sa kotse habang hinihintay ako.

"Ikaw ang bahala... Pero sa hilatsya ng mukha niya, mukha siyang playboy." sabi nito.

Ngumiti na lang ako at umiling dahil kung alam lang nito na hindi man lang makalapit ang ibang babae rito.

"Sige, mauna na kami. Ikamusta mo na lang ako kay Aling Joy." sabi ko sa kanya.

"Sige, salamat sa pagsundo at paghatid. Mag-iingat ka." sabi nito at nabigla ako ng halikan niya ako pisngi.

"Bullshit!" dinig kong mura ni Seige at ilang saglit lang ay nasa harap ko na siya at hawak sa kwelyo si John.

"Seige!" pigil ko sa kanya ng gigil niyang hinawakan sa kwelyo si John.

"Gago ka! Talagang iniinis mo ako?!" galit na sabi ni Seige kaya pinigil ko ang kamay niya at hinatak siya sa baywang.

"Seige, tama na." pigil ko sa kanya at tumingin kay John na ngumisi kay Seige, "John, hindi ka nakakatuwa. 'Wag na sanang maulit ito." seryoso kong sabi rito at hinila na si Seige na nakatingin parin kay John habang nagtitimpi ng galit.

Humawak siya sa baywang ko at hinila ako palapit sa kabilang side ng pinto ng kotse at pinagbuksan ako.

Sumakay ako habang siya ay sinara na ang pinto kaya sinundan ko syya ng tingin baka magkainitan pa sila ni John.

Nakita ko ang pagbabanta sa tingin ni Seige kay John bago siya pumasok.

"Argh! Bullshit!" galit niyang sabi habang hindi masusian ang kotse niya.

Napahinga ako ng malalim at umusog ako ng konti at hinawakan siya sa mukha.

"'Wag mo nang isipin iyon, Mahal. 'Wag mong hayaan na kainin ka palagi ng selos mo. Tignan mo, hindi mo tuloy mabuhay 'yan." sabi ko sa kanya at hinaplos ang mukha niya.

Napahinga siya ng malalim at humawak sa kamay ko na nasa mukha niya. Humalik siya sa isang kamay ko at tumingin sa akin.

"Sorry sa inasal ko, Love. Hindi ko lang napigilan... Nakakairita kasi ang John na 'yun!"

Napahinga ako ng malalim at ngumiti sa kanya, "Kalimutan na natin iyon at bakit ka ba nagseselos pa? Sa 'yo lang naman ako at hindi ako kailanman magpapaagaw." sabi ko sa kanya na sa wakas ay nakangiti na siya.

"I love to hear that." nakangiti niyang sabi at hinapit ang baywang ko, "Gumagaling ka na sa pambobola, ha?" sabi niya habang nakatitig sa labi ko.

"Hindi bola 'yun, totoo iyon." sabi ko at pumikit ng halikan niya ako sa labi. Ilang segundo lang naglapat ang aming mga labi bago kami nagbitaw at tumingin sa isa't-isa.

Bumitaw na kami ng yakap at umayos ng upo. Pinaandar na niya ang kotse patungo naman sa pinagdadaungan ng yatch dahil nais niya na makita ko ang dagat sakay ng yatch. Kasi palagi kaming nakasakay sa chopper nila kaya madalang kong mapagmasdan ng matagal. Kaya ngayon ay magyayate kami para makita ko ang ganda ng karagatan na siyang kinatuwa ko.

"Careful, Love." bilin niya sa akin habang paakyat ako sa taas para mas mapagmasdan ang karagatan. Narito na kami sa yatch na naghihintay sa amin.

Pag-akyat ko ay namangha ako at agad na lumakad palapit sa riles. Nakangiti kong pinagmasdan ang asul na asul na karagatan at magagandang tanawin habang umaandar ang yate.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon