CHAPTER 1

37.5K 914 15
                                    

CHAPTER 1

❤ Magnolia ❤

NAKAKAPIT AKO MULA sa kamay ni Inay habang si itay ay nasa tabi ni Inay. Wala si Ate dahil tila naroon siya sa puno at pinagtataguan si Kuya Duke.

Narito kami ng pamilya ko sa 15th birthday party ni Kuya Duke.

Inimbitahan kami nila Ma'am Beatrice kaya dito na kami maghahapunan. Napatingin ako sa mga batang nagtatawanan. Ang pagkakaalam ko ay ito 'yung mga anak ni Ma'am Beatrice at Sir Dimitri.

Napatingin ang mga ito sa akin kaya napatago ako sa likod ni Inay.

"Oh, anak, bakit?" tanong ni Inay. Umiling ako habang nagtatago pa rin sa likod niya. Sumilip ako at tumingin muli doon. Nabigla ako dahil nakatingin sa akin ang isang bata. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang nakangisi. Nagtago muli ako sa likod ni Inay dahil nahihiya ako. Hindi ako sanay na makisalamuha sa kagaya nila. Tingin ko ay hindi ako bagay sa mundo nila.

Naupo na kami nila Inay sa dulong lamesa habang kumakain na kami. Habang kumakain ay may naramdaman akong gumagapang sa paa ko kaya sumilip ako sa ilalim at napahiyaw ako sa takot ng makakita ng ipis sa paa ko.

Agad kong hinawi iyon sa paa ko at napakandong ako kay Inay sa takot. Umiyak ako habang takot na takot.

"Seige! Lumabas ka nga d'yan bata ka!" dinig kong pagpapalabas ni Ma'am Beatrice sa tinatawag niyang pangalan sa tono na pagalit.

Humihikbing tumingin ako sa ilalim ng lamesa at doon nakita ko 'yung batang lalake na kanina ay nakatingin sa akin. Piningot ito ni Ma'am Beatrice sa tenga.

"Kahit kailan talaga! Napakapilyo mong bata ka!" sermon ni Ma'am Beatrice rito. "naku, paumanhin po Aling Nelia. Pasensya na rin Magnolia at ikaw ang napagtripan nito." paumahin nito sa amin habang nakahawak pa rin sa tenga ng anak niya.

"Walang anuman ho iyon, Ma'am. Naiintindihan ko naman ho ang mga bata." sabi ni Inay.

"Mom! Let go of my ear." sabi nung bata habang nagpupumiglas.

"Sige po, Aling Nelia, Mang Ben. May pagsasabihan lang ako saglit." nakangiting sabi ni Ma'am Beatrice at binuhat na 'yung batang lalake paalis sa table namin.

"Tahan na, Anak. Talagang pilyo lang ang batang iyon. 'Wag mo nang isipin iyon." pagpapatahan sa akin ni Inay kaya tumango ako kahit na tila hindi makakalimutan ng batang isip ko ang pangyayaring iyon.

-

Twelve years later...

BUSY AKO SA pag-ayos ng mga ipapasa kong documents para sa training ko sa isang hospital. I'm third year nursing student sa Emerald University. Masaya ako dahil ilang taon na lang ang bibilangin ko bago ako maka-graduate. Tapos 'pag nakapasa ako sa board exam ay meron na akong maipagmamalaki kela Inay. At maaari ko na gamitin ang natutunan ko kung sakali man na meron silang iniinda na sakit.

Napahikab ako at tumigil sa binabasa kong libro tungkol sa uri ng mga sakit. Wala pa akong masyadong tulog dahil talagang pinagpupuyatan ko ang bawat lesson na tinuturo sa amin. Dumukdok ako sa nakapatong kong libro habang nakaunan ang mga braso ko. Dahil siguro sa masarap na simoy ng hangin sa garden ng school namin ay hindi ko napigilan na makatulog.

❤ Seige ❤

"WHOOO! SWABE!" SIGAW ko ng ma-park ko ang bagong bigay na kotse ni Dad. This is the latest Lamborghini Veneno.

"Nice car, Segi." sabi ni lawrence. 'Segi' ang tawag nila sa akin dahil nawi-weird-duhan daw sila sa pangalan kong Seige.

"Of course. Dad gave it to me. You know my Dad's taste." sabi ko habang sinusukbit ang bag ko sa isang balikat ko.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon