CHAPTER 16

23.1K 597 8
                                    

CHAPTER 16

Seven month's later..


❤ Seige ❤

"GOOD MORNING, Sir!" all the employees greeted me as I walked into the building. Narito ako sa opisina ni Tito Xander nagtatrabaho.

Ngayon ay isa akong adviser muna matapos kong maka-graduate ng legal management. Nag-take na ako ng board exam at result na lang ang kailangan. At dito ako pumapasok kay Tito Xander gaya ng request niya. At hindi naman ako makakatanggi kay Tito dahil sa kanya rin ako nakakakuha ng ibang kaalam ko about sa law at kung paano ko matutulungan ang mga naghahangad ng hustisya.

Hindi parin bumabalik ang sigla sa pamilya namin. Ngayon ay hindi parin nakikita si Kuya Duke, pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. Lalo't pa hindi namin nakita ang bangkay ni kuya.

Marami ng nagbago lalo na kay Ate Nestle na palaging sinasabi ni Love na nagpapapagod sa trabaho para hindi muna maisip si Kuya.

Pinadala ni Mommy si Ate Nestle rito sa isang restaurant namin sa maynila para maging manager. At para rin may mapaglibangan si Ate Nestle.

At syempre, dahil dito muna ako namamalagi sa maynila ay hindi ako pumayag na hindi sasama sa akin si Love.

Alam na ng pamilya ko ang relasyon namin, maliban kay Ate Nestle dahil ayaw muna namin siyang mag-isip ng mag-isip.

And I respect that. Alam ko na baka mag-alala siya dahil may boyfriend na ang kapatid niya. Ayaw nga sa akin ni Ate dahil tila akala niya ay sasaktan ko ang kapatid niya. No, I'll never do that.

Bumalik si Love sa dati niyang school para ipagpatuloy ang last chapter ng college life niya. Minsan nga ay hindi ko siya nakakasama dahil masyado na siyang busy. At minsan ay ako din. Pero hindi ko hinahayaan na matagal kaming hindi nakakasama..

Ako ang nagsusundo sa kanya palagi at minsan ay lumalabas kami.

Naupo ako sa recliner ko at nilapag ang attaché case ko sa gilid ko. May mga bago akong kaso na dapat na bigyan ng advice.

May kumatok sa pintuan ng office ko pero hindi ako lumingon doon at nakatutok ang paningin ko sa laptop.

"Sir!"

"Come in." I said to my secretary.

"Sir, Ms. Dy is here right now." sabi ng secretary ko.

"Oh... Okay, let her in. And get us drink." sabi ko na kinatango niya at agad na lumabas.

Kinuha ko ang papel ng kaso ni Ms. Olga Dy.

"Good Morning, Mr. Ford " bati ni Olga kaya napaangat ako ng tingin.

"Good Morning also, Ms. Dy. Have a seat." sabi ko at pinaupo ko siya sa harap ng table ko na may chair doon.

"Ayon rito sa binigay mong statement, nais mong sampahan ng kaso ang isang pulis dahil sa pagtangka sa buhay mo at kamuntikan ka nang gahasin, right?" sabi ko.

"Yes. Hindi ko alam ang gagawin dahil pakiramdam ko ay nariyan lang siya sa paligid ko at nagmamasid sa galaw ko." sabi niya kaya napatango ako.

Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Please, Mr. Ford. Help me and I'll do everything you want." sabi niya at hinaplos ang kamay ko.

Inalis ko ang kamay niya at seryoso ko siyang tinignan.

"Hindi mo na kailangan gawin 'yan, Ms. Dy. Gagawin ko ang trabaho ko dahil iyon ang nararapat. Sige, tatawagin na lang kita muli 'pag naipasa ko na ito kay Tito para ikuha ka niya ng abogado na hahawak ng kaso sa nakakataas para mahuli ang pulis na iyon at madala sa korte ang kaso mo." sabi ko sa kanya.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon