CHAPTER 23

31.9K 700 9
                                    

CHAPTER 23

❤ Paul ❤

"Congrats, Tol!" BATI NI LAWRENCE sa akin kasama si Bea na misis na niya. It's been a long time since we've been together. Nag-migrate sila ni Bea sa France para doon mamuhay, habang ako ay ikakasal na kay Bianca sa susunod na araw.

"Thanks." sabi ko habang nakipag-fist to fist sa kanya, "kumusta na kayo ni Bea?"

"Heto, may dalawang anak na." nakangisi ang loko na pang-asar dahil alam niya na talo ako sa pustahan. Paano, ako pa ang may sabi na ako ang mauuna na magkaanak, pero ang loko ay inunahan ako.

"Lol." sabi ko. Napailing at napapangiti ako..

"Si Segi ba pupunta?" tanong niya.

"Pupunta iyon, nakulitan sa akin." natatawa kong sabi na kinailing niya naman.

"Babe, wala pa ba ang ilan mong kaibigan? Magsisimula na ang party natin." ungot ni Bianca.

Tumingin ako sa entrace ngunit wala pa si Segi boy. Kahit kailan laging late ito sa mga okasyon.

"Teka, bakit narito siya?" tanong ko kay Bianca ng makita ko si Ara.

"Alam mo naman na nakasama na natin siya. Baka magtampo pa kung hindi ko iimbitahan." sabi niya kaya napabuntonghininga ako.

"Hi, Bianca and Paul! Congrats and advance best wishes." bati nito na napaka-hyper at tila natulig ang tenga ko sa lakas ng boses niya. Kaya peke akong ngumiti habang nakahawak sa tenga ko.

"Thanks." nakangiting sabi ni Bianca.

"Wala pa ba si Seige?" tanong nito kaya nagkatinginan kami ni Bianca at sabay na umiling, "Oh, I thought he's here na. He text me na on the way na raw siya." nakanguso nitong sabi at kinuha ang cellphone sa bag nito.

"Sir, Ma'am, it's time." sabi ng event organizer na umasikaso sa event namin kaya tumango kami ni Bianca. Nagpaalam kami kela Lawrence at Ara bago ko inalalayan si Bianca patungo sa stage.

Humarap kami sa mga bisita para simulan na sabihin ang speech namin.

"Good evening, Everyone." panimula ko habang nakangiti na nililibot ko ang tingin sa buong hall ng hotel kung saan ginanap ang party para sa nalalapit naming kasal. Habang nagsasalita ako ay napatingin ako sa entrance ng makita ko ang pagpasok ni Seige na nakasuot ng formal suit habang nakapamulsa na pumasok. Napatingin siya sa akin kaya tumango ako na kinatango niya lang at tumayo, malayo sa mga bisita na hindi napansin ang pagdating niya.

Matapos namin magsalita ni Bianca ay bumaba kami para puntahan si Seige. Habang nagkakasiyahan naman ang iba sa saliw ng musika at mga hinandang pagkain at inumin.

"Yow, Segi Boy!" bati ko at yumakap sa kanya na kinalayo niya agad sa akin, natawa ako habang gano'n din sila Bianca at Lawrence kasama si Bea, "Mabuti at dumating ka? Akala ko ay hindi ka darating."

"Tsk. You always send me a card in my office to remind me to come. And always pestering me when you went to my office to tell me the date of your engagement party, so why are you wondering why I am here now?" banas nitong sabi na kinakamot ko sa batok dahil totoo ang lahat ng sinabi niya. Kahit kailan hindi man lang magpaligoy-ligoy, direct to the point agad.

"Seige, finally you're here!" napabaling kami kay Ara na agad sumingit sa usapan.

Hahawak sana ito kay Seige ng pinatigil siya ni Seige.

"Don't.." banta ni Seige habang may tingin na binibigay kay Ara na wala kaming alam kung ano 'yun?

Pero sa hilatsya ng itsura ni Seige ay para siyang kinikilabutan? Nandidiri? Or what?

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon