CHAPTER 13

23.6K 680 25
                                    

CHAPTER 13

❤ Seige ❤



Tik! Tok! Tik! Tok!

Tumingin ako sa banyo habang panay ang tayo at upo ko sa kama. Nasa banyo kasi si Love ko na nagpapalit ng pantulog na nakita niya sa closet. Akala niya naiwan nila Mom na pantulog, ang hindi niya alam ay bagong bili ko iyon para terno kami.

Malalim akong napahinga at kinamot ko ang binti ko sa sobrang nervous. Makakatabi ko na siya sa iisang kama. Shit! Baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at magapang siya.

Umalis ako mula sa pagkakauupo sa kama at inayos ang pagkakadapa ko sa sahig para mag-push-up.

"One...two...three.. One...two...three.." bilang ko habang nakatingin sa pinto ng banyo. Tumigil ako sa pag-push-up at umayos ng tayo. Lumapit ako sa salamin at inalis ko ang butones ng pantulog ko na sa pang-itaas to reveal my hot fucking body.

Pagkatapos ay sumampa ako sa kama at umayos ng higa, 'yung higa na makikita niya kung gaano kaganda ang katawan ko.

Ngumiti ako habang nakatukod ang kamay ko sa ulo ko, pero para akong tanga sa kakangiti dahil hindi parin siya lumalabas. Fuck! Why she's still in the bathroom?

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagkainip, pero agad akong napaayos ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob kaya agad ko ring inayos ang buhok ko at pati ang pwesto ko ng higa.

Ngumiti ako at tinignan siya na nahihiya pa at dahan-dahan na lumalakad palabas. Hindi siya makatingin sa akin at sa sahig lang ang tingin niya.

Kasya sa kanya ang binili kong pantulog, kulay pink. Sa akin kasi kulay asul para terno kami.

"Tsk! Faster, Love. Bakit ba ang bagal mong maglakad?" naiinip kong sabi sa kanya.

"Doon na lang ako sa sofa. Sige, good night." sabi niya at dali-daling tinungo ang pinto at lumabas.

Kaya naman ay agad akong napabangon ng higa at bumaba agad ako ng kama na may mabibigat na yabag habang sinusundan siya. Damn! Ang ayoko sa lahat 'yung naaalis ang excitement ko, kaya humanda siya sa akin.

Dali-dali kong hinakbang ang hagdan at tinalon na lang para makarating sa dulo. Inilang hakbang ko ang pagitan ko at ang sofa kung nasaan siya habang naglalagay na siya ng unan.

Kinuha ko ang unan at kumot niya at mahigpit kong hinaklit ang braso niya para kaladkarin siya.

"S-Seige.." pigil niya sa akin.

"Where's your endearment now, ha?" baling ko sa kanya na huminto ako saglit para itatak sa utak niya na 'wag na 'wag niyang kakalimutan ang endearment namin. Bullshit! Umiinit na naman ang ulo ko.

"M-mahal.. ano... doon na lang ako matutulog..." nakayuko ang ulo habang sinasabi niya iyon.

"Hindi. Magtatabi tayo dahil baka kung mapano ka 'pag hindi ako ang katabi mo. Hindi natin sure kung maayos na ang mga lock ng pinto. Kaya sumunod ka na lang sa akin at baka mapahamak ka pa 'pag pinairal mo ang katigasan ng ulo mo." pangaral ko sa kanya.

She didn't respond to what I said. I sighed and I pulled her again.

Pagbalik namin muli sa kwarto ay binitawan ko siya at inayos ang unan niya sa kama. Sa dulo siya kung saan ay may pader sa gilid, habang ako ay sa bungad para hindi siya mahulog. Pero iba naman ang nasa isip ko, syempre para wala siyang kawala.

Napangisi ako pero agad akong napatikim at umayos ng tayo. Tumingin ako sa kanya na nakayuko habang pinaglalaruan ang daliri niya dahil halata na tense na tense siya.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon