CHAPTER 20

26.4K 584 17
                                    

CHAPTER 20

❤ Magnolia ❤

"NANAY, MAG-IINGAT NA po kayo. Lalo pa't mataas na po ang diabetes niyo." paalala ko sa isang matandang babae na naging pasyenteng hawak ko.

Nag-o-ojt na kasi ako sa kilalang hospital na pinag-apply-yan ko at last day ko na rin rito.

"Salamat, Ineng. Sana ay balang araw ay ikaw ang maging doctor ko. Ang iba kasing doctor dito ay masusungit at kapag wala kang pera ay hindi ka aasikasuhin." sabi niya.

"Kaya nga po. Dapat palagi niyong inaalagaan ang sarili niyo. 'Wag na po kayong babalik ng hospital para hindi niyo po maranasan ang naranasan niyo po rito. Wala pa pong gastos, 'di ba po?" nakangiti kong sabi rito habang hinahaplos ang likod nito.

"Ang hirap kasing pigilan ang bawal, pero pangako susundin ko na ang sinabi mo." sabi niya kaya napangiti ako.

"Sige po, Nay, maiwan ko na po kayo. Mag-iingat po kayo palagi." paalam ko rito.

Ngumiti siya sa akin at maging ang pamilya ni Nanay na nagbabantay sa matanda. Tumalikod na ako at lumabas ng room nito.

"Oh, tapos na ang last juty mo rito. Ngayon palang ay kino-congratulate na kita dahil balita ko ay cum laude ka." nakangiting sabi ni Nurse Lovely na siyang assign ngayon sa log book ng mga pasyente.

"Thank you... At oo, last day ko na ngayong araw. At ngayon palang ay tiyak na nami-miss ko ito at maging ang mga naging pasyente ko na maiiwan ko." sabi ko sa kanya at sumandal sa counter bar.

"Alam mo, gustong-gusto ka ng mga pasyente rito. Kapag gusto nila ng nurse na mag-a-assist ay palagi ikaw ang nire-request nila. Napakabait mo kasi."

"Ginagawa ko lang ang parte ko para mapabuti ang mga pasyente. Siguro ay nagustuhan lang nila ang pag-assist ko sa kanila."

"Ayaw mo talaga ng pinupuri ka, ano? Mabait ka naman talaga, 'yun talaga ang gusto ng mga pasyente lalo na yung mga kapos sa pera. Sabagay, kung ako man ang nasa posisyon nila, ikaw na ang gusto ko na tignan ang kalagayan ko. Kesa sa mga doctor dito na masyadong masusungit at hindi ka man lang makapagtanong sa kalagayan mo dahil tatarayan ka. Hay! Ang hirap talaga maging mahirap, 'pag wala kang pera, kawawa ka sa mundong ito."

"Wala namang masama sa pagiging mahirap, ang mahalaga ay may pamilya ka na mag-aalaga sa 'yo. Kesa marami ka ngang pera ngunit wala namang ni isa na mag-aalaga sa 'yo, dahil alam nila na may pera ka naman at kaya na ng mga doctor na pagalingin ka. Kaya para sa akin, pantay-pantay lang ang lahat ng tao, dahil hindi lahat ay nakukuha. Nasa iyon na lang din naman kung gusto mong maging kawawa sa mundong ito."

"Kaya ako sa 'yo, e. Masyado kang positive sa lahat ng bagay, para bang walang negative para sa 'yo." sabi niya kaya napailing na lang ako at kinuha ang sheet board ko na hawak ko kanina.

"Sige na, Lovely. Sana ay magkita tayong muli, mauna na ako." paalam ko sa kanya.

"Mag-iingat ka... At sana nga ay magkita tayong muli." sabi niya at bumeso sa akin. Ngumiti ako at lumakad na.




"Love!" napalingon ako sa gilid ko ng may humintong sasakyan sa gilid ko.

Kakalabas ko lang ng hospital at balak ko sana na mamasahe pauwi, ngunit tila hindi na matutuloy.

Bumaba siya at lumapit sa akin. Humalik siya sa labi ko kaya nahihiya akong napababa ng mukha dahil napatingin sa amin ang ilang kasabayan ko na nurse na pauwi na rin.

"Get in. Hatid na kita." sabi niya at binuksan ang pinto kaya wala na akong nagawa kundi sumakay.

"Akala ko ba ay may meeting ka?" tanong ko sa kanya pagkasakay niya.

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon