CHAPTER 4

27.6K 706 31
                                    

CHAPTER 4

❤ Magnolia ❤

NAKATINGIN AKO SA kisame na naging kwarto namin ni Ate dito sa bahay ng mga Ford. Hindi ako makatulog dahil namamahay ako at namimiss ko ang bahay namin kung saan napakaraming alaala namin kasama sila Inay.

Napatingin ako kay Ate na tulog na tulog na. Napahinga ako ng malalim at maingat na bumaba sa kama para hindi na magising pa si Ate mula sa pagkakatulog.

Naisipan ko na bumaba upang uminom ng tubig. Medyo madilim pero may dim lights naman sa hagdan at sala kaya madali akong nakarating ng kusina..

Hanggang ngayon ay namamangha pa ako sa bahay ng mga Ford. Para bang isang bakasyunan pero parang mansyon sa laki tapos malapit pa sa dagat. Hindi ko pa nakikita kung gaano kaganda ang dagat dahil gabi na rin kami nakarating rito pero sabi ni Ate ay maganda daw ang dagat. Asul na asul ang tubig at puting-puti ang buhangin.

Binuhay ko ang ilaw ng kusina at nang mapatingin ako sa ref ay nabigla ako dahil nandito rin pala si Samuel.

"Sorry. Akala ko walang tao." nahihiyang paumanhin ko. Aalis na sana ako dahil tila meron siyang iniisip at baka maistorbo ko pa.

"Tumuloy ka. Iinom ka ba?"

Humarap ako sa kanya at tumango, "Uh.. Oo sana." mahina kong tugon na kinangiti niya.

"'Wag ka nang mahiya. Parang hindi mo naman ako kilala. Ako kaya ang kalaro mo noon sa inyo, hindi mo ba naaalala?" nakangiti nitong sabi.

"Naaalala ko! Akala ko kasi ikaw ang hindi nakakaalala." nakangiti kong sabi at lumapit sa kanya. Inabot niya sa akin ang pitchel ng tubig na kinuha niya sa ref.

"You know what. Nang malaman ko kela Daddy na dito na kayo titira ay natuwa ako. Dahil makakasama ko na ang taong nagturo sa akin kung paano bumangon oras na madapa ako." aniya at hinawakan ako sa balikat.

"Nakakahiya man na nakikitira kami, pero sa totoo lang ay masaya din ako dahil meron pa palang taong nais kami tulungan ni Ate. Sa totoo lang ay hindi namin alam ni Ate kung paano na kami ngayon lalo't wala na sila Inay." sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilan na mangilid ang luha dahil nabanggit ko muli sila Inay. "anyway, masaya ako at naaalala mo pa pala ang paglalaro natin noon. Akala ko kasi ay nakalimutan mo na dahil hindi mo naman ako pinapansin kanina." pag-iiba ko sa usapan para hindi matuloy ang pag-iyak ko.

"May iniisip lang ako kanina kaya tahimik ako. Sorry, dahil gano'n pala ang akala mo." nakangiti niyang sabi at humawak sa tuktok ng ulo ko.

Napangiti ako dahil naaalala pa niya ako. At least ngayon ay panatag ako na meron na akong bagong kaibigan sa bahay na ito at isla.

-

❤ Seige ❤


PABALIK-BALIK AKO ng pwesto sa kama ko dahil hindi ako makatulog. Dahil sa sobrang saya ko kanina ay hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on.

Napaupo ako sa kama at binuhay ang lamp shade sa side table. Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis.

Magnolia! Magnolia! Bakit hanggang sa pagtulog ay ayaw mo akong patulugin?

Hay!

Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nang maisara ko ang pinto ko ay napatingin ako sa pinto ng kwarto nila Magnolia. Lumapit ako doon at tinapat ang tenga ko upang marinig kung tulog na ba sila?

Wala na akong naririnig na kaluskos kaya tiyak na tulog na sila. Malalim ang pinakawalan kong hangin dahil hindi ko naman gusto na istorbohin sila.

Naisipan ko na magpahangin na lang dahil hindi rin naman ako makakatulog.

Nakapamulsa na bumaba ako ng hagdan. Pagbaba ko ay napatingin ako sa gawing kusina dahil buhay ang ilaw doon. May gising pa pala. Sino kaya?

Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon