Ikalawang Yugto

7.2K 115 2
                                    

Luz's PoV

Sa pagpasok ay nagmamadali ako at lalo pang kinabahan ng mapansin kong wala ng mga taong nakatambay sa baba upang masilayan ang pagpasok ng aming boss.

"Naku naman, luz! Late na late ka na!" inis na singhal ko sa sarili ko at napahinga ng malalim ng saktong bumukas ang elevator sa pagkapasok ko ng gusali.

"Buti naman bumuka--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong nasa loob ng elevator ang anak ng boss ko.

"It seems that you're late, Ms. Abernathy. Another disappointment." sabi nito sakin. At tinignan pa ako mula ulo hanggang talampakan.

'Naku naman! Baka makarating pa ito kay Mr. Martinez!' sisi ko sa sarili sa aking isipan. Yumuko na lang ako habang humihingi ng paumanhin.

"But no need to worry. Just don't repeat this or else..." sabi niyang muli at isinara ang pinto ng elevator. Tumigil ang elevator sa floor 12 at may nagsipasok na mga empleyado at binati si Night. Ngunit sinagot lamang sila ng malamig na mga tingin ni sungit.

"I heard that you'll resign once I turn over this company? Hate to work with me much?" tanong nito.

Hindi ako umimik dahil sa hindi ko rin masyadong narinig ang sinabi niya. Hinihingal pa kasi ako sa aking pagtakbo kanina kaya naman nagpo-pokus ako sa aking paghinga ng malalim.

'Tsaka mamaya hindi pala ako yung kinakausap eh? Hehehe!' naisip ko. Hindi naman kasi talaga ako nito kinakausap kahit noong nasa bahay pa nila ako at naninilbihan sa kanila.

Napansin ko sa repleksyon ng elevator na mag-aangat ito ng tingin upang tignan ako. Kaya madali kong nilagay ang aking Bluetooth earphone sa aking tainga. At nagkunwaring binabasa ang mga papel na hawak ko habang patuloy ang paghinga ng malalim.

Hanggat maaari ay iniiwasan kong makipag-usap sa kaniya dahil baka mahalata niyang may gusto din ako sa kaniya gaya ng ibang mga babae sa kumpaniya. 

'Tsaka baka mautal o sinokin pa ako! Kahiya yun!' naisip ko din.

At hindi ko rin talaga kayang makipag-usap ng harapan sa kaniya o kahit sino ng hindi sinisinok. Well, maliban na lamang siguro sa mga kaibigan kong sila Megan at Chrysanthemum.

Pagkadating sa floor na pinagtatrabahuan namin ay agad akong lumabas ngunit bago makalabas ay narinig kong muli siyang nagsalita.

"It's okay to take your earphone now. It's too obvious that it's off." sabi niya na nagpatigil sakin at napahawak ako sa aking tainga ng wala sa oras dahilan upang mas nauna siyang makalabas.

'Shems! Nakakahiya!' naisip ko at halos pukpukin ang aking ulo ng mga papeles na dala ko.

Pagkapunta sa aking lamesa ay agad kong sinimulan ang aking trabaho at inihiwalay ang mga importanteng papeles sa hindi. Kahit papaano kasi'y may alam ako tungkol dito. Kung ano yung totoo sa hindi dahil na rin sa tagal ko rito sa trabaho at dahil sa aking negosyo mismo.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng mga gamit ng may dumating na isang taong nakasuit. Humarap ito sa akin at nginitian ako.

"Luz Rose Abernathy?" tanong nito na ikinatango ko. "Here." sabi nito at iniabot ang isang papel bago dumiretso papasok sa opisina ng aking boss.

Nang tignan ko ang aking hawak ay nanlalaki ang matang napatingin ako sa pinto ng opisina na pinasukan ng lalaki at tumingin sa CCTV na nakalagay naman sa sulok na nakatapat sa aking puwesto.

Ang nakalagay sa papel na ibinigay sa akin ay...

Certificate of Marriage

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now