Ikapitong Yugto

4.9K 83 0
                                    

Luz's PoV

Naging tahimik ang biyahe na ikinailang ko kaya naman palipat-lipat ang tingin ko sa labas mula sa front at side window ng sasakyan ni sungit. Hindi kasi ako sanay sa ganitong sitwasyon kung saan may kasama ako ngunit wala namang pag-uusap na nagaganap sa pagitan namin. Natural na kasi sa aking maging madaldal to the point na ito nga, hindi ko kayang tiisin ang katahimikan.

Napatigil lamang ako sa pagbabago bago ng posisyon ng upo ng mastuck kami sa traffic. Doon ay naglakas na ako ng loob na magsalita. "Paano na pala ang magiging ayos natin?"

"What do you mean?" 

"I mean iyong sitwasyon natin. Kasal tayo sa papel, remember?" Tinanguan naman ako nito. "At nagkaroon tayo ng kasunduan tungkol doon."

Humarap ito sa akin at tsaka ako tinanong na ikinaurong ng dila ko. "What do you want to happen?"

Napalunok ako sa titig nito. "Ah... eh..." Nag-aalangang buka ng bibig ko at napaiwas pa ng tingin sa kaniya.

"Say what you want, woman." Ulit nito sa sarili.

Napangiwi ako sa tono ng boses nito. 'Gosh mainit na agad ang ulo! Ayaw na ayaw talagang inuulit ang salita.' Mas lalong umurong ang mga salitang gusto kong sabihin sa mga nakaraang araw kaya naman ilang ulit akong napalunok ng sarili kong laway.

"Cat got your tongue?" May inis sa tonong sabi nito.

'Gosh, Luz! Parang kanina lang ang lakas lakas ng loob mo!'

"Ang gusto ko sanang sabihin ay..." Naglilikot ang matang sabi ko. Napatigil ako sa pagsasalita ng hulihin nito ang aking mata kaya naman ngayon ay magkatitigan na kami. Muli ay napalunok ako ng sarili kong laway at tinuloy ang pagsasalita. "Paano natin magagawa ang mga kondisyon ng isa't-isa kung magkahiwalay tayo? Kung patuloy ang ganito eh parang kondisyon mo lang ang matutupad." Buong lakas ng loob na sabi ko.

"You want me that much, huh?" May yabang sa tonong sabi nito.

Ikinainit naman ng ulo ko ang sinabi nito. 'Aba't itong lalaking ito talaga!' Tinampal ko ng mahina ang mukha nito bago nagsalita. "Ang kapal ng mukha ah?" 

Tumawa naman ito ng panandalian at bumalik din agad sa seryosong mukha. "Ready your things, then. I'll pick you this saturday." Sabi nito at muling pinaandar ang sasakyan ng lumuwag na ang daan.

Bumalik ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa makarating na kami sa condominium na tinitirhan ko. Nasapian akong muli ni naughtiness kaya naman dumukwang ako sa kaniyang pisngi upang halikan siya roon ngunit napunta sa ibang lugar ang aking labi ng biglang humarap ito sa akin na ikinalaki ng mata ko at ikinataranta ko kaya naman agad kong binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas.

Mabilis na lakad ang ginawa ko hanggang sa makarating ako ng elevator. Doon ay napatulala ako ng mabalikan ko ang nangyari kanina at napahawak sa aking labi. Impit akong napatili habang takip ng aking kamay ang aking bunganga. 

'Gosh! Ang lambot ng labi niya~!' 

Pagkapasok ko sa may unit ko ay agad kong tinignan ang mga gamit kong inempake. Napansin kong kulang pa ang mga ito pero mostly, yung gadgets, important papers, at undergarments na lang naman ang kulang kaya naman tinake down notes ko iyon sa cellphone ko pagkatapos ay ine-schedule ko ang pagpop up nito sa araw ng biyernes. Inilagay ko rin na dapat ay makapaglaba na ako ng mga gamit ko bago makaalis.

Mas gusto ko kasing nilalabhan ang mga damit ko kaysa sa gumamit ng automatic na wash and dry machine na mayroon dito sa unit ko o di kaya'y ipalinis sa staff. Mas masisigurado ko kasi na malinis ang aking gamit kapag ako mismo ang naglilinis niyon. Ayun ang isa sa mga kaugalian na namana ko sa ina ni sungit, ang pagiging metikuloso.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now