Ika-anim na Yugto

5.3K 92 1
                                    

Luz's PoV

Pagkalabas namin ng condominium ay sakto namang dating ng isang granite gray jimny 5DR. Lumabas dito ang isang lalaking naka gray na suit. Malaki ang ngiti nito ng gumawi ang tingin sa amin at lumapit. 

"Hello, ladies." Pagkuway bati nito sa amin pagkalapit na tanging ngiti lamang ang aming naisukli dahil ito ang unang pagkikita namin. 

"Kuya Echo~!" May tuwang sigaw ni San dito at niyakap ito na ginantihan din naman ng yakap ng pinsan.

"As promised, you'll attend in the reunion." Sabi nito kay San na dahilan upang lumayo agad si San sa kaniya at ngumuso. 

"Promise." Tila labag sa loob pang tugon ni San.

"Good." Sabi nito at tinap ng tatlong beses ang ulo ni San pagkatapos ay tumingin sa amin. "So, they are your friends." 

Bumalik ang magandang ngiti ni San pagkarinig sa sinabi ng pinsan. Tuluyan na itong lumayo sa pinsan pagkatapos ay hinawakan ako sa balikat papunta sa harap ng pinsan. "This is Luz. My BL friend." 

"Hello. I'm Luz and I love reading Boys' Love story." Pagpapakilala ko sa sarili ko sa pinsan ni San pagkatapos ay nakipagkamay dito. "I'm Fujoshi to be exact." Pagtatama ko sa sinabi ni San na ikinaikot ng mata nito.

Sunod ay itinulak naman ni San sa balikat si Meg papunta sa direksyon ng pinsan na ikinagulat ni Meg dahilan para matapilok ito sa grey na night gown na suot nito mabuti na lamang ay nasalo ito ng pinsan. "Oopps!" Gulat na saad na lamang ni San pagkakita ng nangyari habang ako nama'y nag-aalalang napatingin kay Meg.

"And that, is Megan. My nega friend." Patuloy na pagpapakilala ni San kay Meg ng makatayo na ito ng maayos.

"Thank you." Mahinang sabi ni Meg sa pinsan ni San pagkatapos ay agad na lumapit sa akin at bahagyang nagtago sa likod ko habang nakahawak sa braso ko. "I'm Megan."

"I'm Jericho and nice meeting you girls." Nginitian kami ng pinsan ni San. "So..." Panimulang sabi nito bago binuksan ang pinto sa likod, "If you may." Dagdag nito at yumuko pa na animo'y isang butler.

Dahil sa nasa likod ko si Megan ay nauna na akong pumasok sa loob at sumunod naman si Megan. Nagpasalamat pa ito sa lalaki bago isara ng lalaki ang pinto. Sunod ay pinagbuksan nito ang pinsan bago tuluyang umupo na sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

Ang biyahe ay napuno ng kwentuhan lamang ng magpinsan habang kami naman ni Meg ay tahimik lang na nakikinig sa kanila habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga building na nadadaanan namin.

Nakarating kami sa party ng tatlumpung minutong maaga kaysa sa oras ng simula ng party kaya naman kaunti pa lamang ang mga tao. In-annouce ng isang staff ang aming pagpasok kaya naman napunta sa amin ang tingin ng kaunting bisita na napaaga rin ang dating. Dahil doon ay mas lalong nanlamig ang kamay ni Meg na nakahawak sa braso ko kaya naman para mabawasan ang kaba nito ay inilibot ko ang aking braso sa bewang nito na siyang ikinatingin nito sa akin ng may nagtatakang tingin na sinagot ko lamang ng kindat.

Iniisip na naman siguro nito ang magiging opinyon ng mga tao sa loob sa ayos nito. 'This girl, really.' 

Iginaya kami ng isang staff sa aming table. Nang makarating kami sa table ay inusugan ko ng upuan si Meg na ikinasalamat naman nito bago umupo habang ang magpinsan naman ay ganun din ang ginawa. Pagkaupo naming magkakaibigan ay nagpaalam na ang pinsan ni San at sinundan namin ito ng tingin hanggang sa mapunta ito sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan nito, kasama na roon si sungit na nakita kong nakatingin ng malamig sa akin kaya naman napabaling agad ako ng tingin kila Meg.

"OMG~ Look girls, nandito silang lahat~!" Mahina ngunit impit ang tiling bulong sa amin ni San.

"I guess worth it naman pala ang punta mo rito kapalit ng pagpunta mo sa reunion niyo." Mapaklang sabi ni Meg na halatang medyo inis pa sa nangyari kanina.

"Ay girl! Hindi ko sadya yun ah! Hindi kita tinulak lampa ka lang talaga." Sabi ni San ng matunugan ang inis ni Meg sabay labas ng dila dito na ikinatawa ko naman.

Napatigil ako ng tawa ng may mahagip ang aking mata dahilan para kagatin ko ang labi ko upang pigilan ang kilig sa nakita. "I guess magiging worth it naman pala ang pagpunta ko rito."

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now