Ika-apat na Yugto

5.3K 100 2
                                    

Luz's PoV

Pagkauwi ay hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Kahit anong baling ko sa higaan ay hindi ko magawang makatulog. Nakapaghanda naman na ako para matulog. Nakapagpalit at toothbrush na ako pero hindi ko maintindihan bakit hindi parin ako dalawin ng antok.

'Kinikilig ba ako?' Tanong ko sa isipan ko. Nag-init naman ang mukha ko sa isipin ko at nagpasyang bumangon na lamang. 

'Siguro naman sa iisang bahay na kami maninirahan, noh?' Muli ay tanong ko sa sarili ko na mas lalo namang nagpapula ng aking mukha. 'Malala na 'to.' Sabi ko sa sarili ko at nagpasyang iayos na lamang ang gamit ko na dadalhin kung sakali mang sa iisang bahay na talaga kami ni sungit maninirahan. 

Piling pili ko ang bawat damit na aking nilalagay dahil ayoko namang sabihin niyang hindi ako maayos manamit at paulit ulit kung manamit. Hindi kasi ako madalas bumili ng bagong damit at bumibili lang talaga ako ng isang pares ng pang alis kada isang taon kaya naman ang mga damit ko pangbahay at pantulog ay hindi nababago. 

Naisipan kong dalhin ang halos lahat ng pang-alis kong damit at gawing pambahay na lamang ang mga luma kong pang-alis ng sa gayon ay maayos tignan ang pananamit ko. Baka rin kasi makarating pa kila Mrs. Martinez ang gawain kong hindi pagbili ng aking damit. Malamang sa malamang ay mag-aalala yun at pagsasabihan ako na para saan pa't nagtatrabaho ako kung hindi ko naman magawang bumili ng sarili kong gamit.

Sa totoo lamang ay hindi ko tinitipid ang sarili ko. Madalas ko kasing magastos ang kinikita ko sa pagkain at malaking parte rin noon ay napupunta sa pagpapagamot ng mga batang may sakit na ako mismo at ang mga katawan ko sa kumpaniya ko ang nag-aasikaso kaya naman sigurado kaming napupunta sa maganda ang pera.

Pagkatapos kong mapuno ang isang malaking maleta ay napatawa ako sa sarili ko. 'Hindi naman halatang excited akong manirahan muli sa iisang bubong kasama si Night noh? At kaming dalawa lang! Hihi!' 

Napatakip naman ako ng mukha ng maalala kong muli ang sinabi kong kondisyon ko sa pagpapakasal kay Night. 'Usap usapang malaki siya! Magiging masakit kaya?' Napatili na lang ako sa isipan ko. 'Jusme, Luz! Maghunos dili ka!' Paggalit ko sa sarili ko habang tinatapik ng bahagya ang aking pisngi.

Nahiga na lamang akong muli at hinintay na kumalma ang aking sarili bago ko maisipang ipikit ang mata ko at mag imahe ng mga sitwasyon sa aking isipan hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Kinabukasan ay balik kami sa dating gawi at hindi na muli pang nag usap tungkol sa magiging sitwasyon namin. Ang tanging usapan lamang namin ay tuwing pinapasama ako ni Mr. Martinez sa anak niya sa pagkausap ng mga shareholders at business partners. Pagkatapos ng trabaho ay inayos ko ang opisina ni Mr. Martinez bago umuwi sa aking condominium. 

Ang condominium na ito ay isa sa mga farewell gift sa akin ni Mrs. Martinez ng ako'y umalis sa kanilang mansyon na hindi ko na rin natanggihan dahil sinabihan ako nitong kung hindi ko tatanggapin ang regalo ay hindi niya ako papayagan na umalis sa kanilang bahay. Sinabi pa nga nitong bakit kailangan ko pang umalis gayong wala narin naman sa bahay nila ang unico ijo nila.

Lumipas ang ilang linggo na ganun lamang ang nangyayari at tila hindi kami kasal sa papel sa aming trato sa isa't isa. Nang aking ma-realize ito ay napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Naging excited pa ako sa wala. Pero ano nga bang inasahan ko? Kilala ko na siyang ganito. Bakit pa kasi umasa ako sa bagay na hindi naman siya ang may gusto kundi ang kaniyang mga magulang. Masyado akong nagpadala sa mga pangyayari hays.

Napabuntong hininga na lamang ako at pinigilan kong maluha. Inayos ko ang mga papeles na kailangan pirmahan ng boss ko at inilagay iyon sa office niya pagkatapos ay napagpasyahan kong patayin na ang laptop ko. Nang matapos ko ang gawain ko ay tinignan ko kung may scheduled na meeting pa si Mr. Martinez kung sakali mang makabalik ito matapos ang isang oras ngunit dahil nakita kong wala na at mga papeles na lamang na pipirmahan nito ang kailangan nitong gawin ay nagpasya na akong tumayo at puntahan na lamang muna ang mga kaibigan ko. 

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now