Ako si Luz Rose Abernathy. Ang engrande ng pangalan noh? Pang mayaman. Kaya lang hindi naman ako mayaman. At wala akong alam kung sino ang magulang ko.
Sampung taon na ang nakararaan ng magising ako. Sabi ng doktor ay apat na taon daw akong comatose. At hindi nila mahanap ang magulang ko. Wala ring makuhang kahit anong bagay na magtuturo sa aking mga magulang at ang tanging nasa akin lamang ay ang kwintas kong may nakalagay na LRGQ. Muntik na ngang hindi ako makalabas ng ospital noon dahil sa bills na hindi nabayaran sa apat na taong lumipas.
Mabuti na lamang at naroon din sa ospital na iyon si Mrs. Martinez at laking pasasalamat ko sa kanila ng ako'y kaniyang tinulungan at patuluyin sa kanilang mansyon---- na tinatawag nilang bahay 'lang' nila. Kaya naman bilang kapalit, nagprisinta akong tumulong sa kanila sa paglilinis ng kanilang bahay. Bukod sa pagbayad ng bayarin sa ospital ay ang mga Martinez din ang tumulong sa akin makapag-aral kaya naman malaki ang utang na loob ko sa mga ito at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya makabawi lang sa kanila.
"Ang gwapo talaga ni sir!"-chrysanthemum
"Oo nga! Nakakalaglag ng panty!"-Megan
"Loka ka! Hawakan mo yang garter ng panty mo meg! At maghunos dili nga kayo! Nakakahiya baka marinig niya tayo." sabi ko.
Nasa canteen kami dito sa kumpanya ng mga Martinez. Nang makapagtapos ako ng pag-aaral ay dito ko na naisipang magtrabaho at kahit may sapat na akong ipon at may sarili na akong kumpanya ay nanatili parin ako dito.
Ang batang Martinez naman ay narito upang mag-training sa nalalapit nitong pagpalit sa kaniyang ama sa pamamahala ng kumpanya. Kapag ito na ang may hawak ay maaari na akong mag-resign, 'yun ang pangongontrata sa akin ni Mrs. Martinez sapagkat tutol siya sa pagtulong ko sa kanilang kumpaniya dahil sapat na raw ang pagtulong ko sa bahay nila noong ako'y nag-aaral pa. Dapat daw ay magpokus na ako sa buhay at kumpaniya ko.
"Sus! Kung makapagsalita ka naman. Ang selfish ng datingan ah!" ani ng kaibigan kong si Chrysanthemum.
"'Wag kang mag-alala dahil hindi ka naman namin aagawan." banat naman sa akin ni Megan at siniko pa ako ng bahagya sa bewang.
Natawa ako naman ako sa saad nilang dalawa at bahagyang ginaya na sila sa pag-alis sa lugar. "Hindi naman sa ganun. Oh siya! Sige na, magpatuloy na tayo sa pagta-trabaho, baka marinig at makita pa tayo ni boss na nagku-kuwentuhan lang dito magalit pa yun."
"Oo na po. Ikaw talaga. Ikaw ang pinakabata satin pero ikaw pa itong matured mag-isip hindi katulad ng isa diyan! Ang tanda tanda na isip bata pa rin!" pang-aasar ni Megan sa aming dalawa ni Chrysanthemum.
"Hoy! Kung makapag-salita ka naman diyan! Buwan nga lang tanda natin sa isa't-isa." inis na gaya naman ni Chrysanthemum kay Megan. Si Megan naman ay hindi tumigil at naglabas pa ng dila na lalong kinaasar ni Chrysanthemum.
"HAHAHAHAH. Sige na tumigil na kayo. Babalik na ako at tapos na ang breaktime. Bye girls!"
Sumakay na ako sa elevator at hindi na nagbigay pansin ang mga taong naroroon dahil sa pag-andar ng aking pagiging introvert. Pagkadating sa floor na pinaglalagyan ng office ko ay agad akong lumabas ng elevator at nagtungo sa aking lamesa upang iayos ang mga papeles na naroon.
Wala ngayon si Mr. Martinez dahil namimiss daw ito ni Mrs. Martinez at ipinagbilin nito na tignan ko ang mga papeles kung importante ito at nangangailangan ng kaniyang pirma. At kung mayroon daw ay dalhin ko raw iyon sa kanilang bahay. Kaya naman sinala ko ang mga papeles at inipon ko ang mga papeles na importante para isang puntahan na lamang doon.
Pagkatapos kong maayos ang lahat ng kailangan kong gawin ay napahilot ako sa mata. Ang sakit talaga sa mata ng computer. Bukod kasi sa pagsala ng mga papeles ay inaasikaso ko rin ang mga emails na pinapadala ng mga sekretarya ng iba't ibang kumpaniya. Mahabaang pag-aasikaso rin kasi ang nangyari sa pagbabago ng schedules ni Mr. Martinez dahil nga kinansela niya ang mga nakalagay para sa ngayong araw.
YOU ARE READING
The Broken Wife (UNDER REVISION)
RomanceMahal ko siya. At tanggap ko na hindi niya ako mahal. Pero dahil binigyan ako ng pagkakataong mahalin siya ng malapitan, so why not grab it? Nakakatakot mang masaktan pero hindi naman maituturing itong pagmamahal kung hindi ako masasaktan hindi ba? ...