Ika-labing anim na Kabanata

3K 44 2
                                    

Luz's PoV

Nagising ako na tulog pa ang mga bata at mukhang nakatulog na rin dito si Night sa kabilang pwesto nga lang ng kama. Dahan dahan akong bumangon at nagluto na ng almusal at dahil maaga pa, naisipan ko munang maglinis at hintayin na lamang silang magising tutal sabado naman ngayon.

Matapos maglinis ay tinawagan ko agad si kuya leo regarding sa pinapa-decode niya sa akin. At ito nama'y agad niyang sinagot. "Hello kuya? Kamusta?" bungad ko ngunit mukhang alam ko na ang sagot sa aking tanong base sa naririnig kong tunog sa kabilang linya. "Mamaya na lang ako ulit tatawag kuya." sabi ko agad at pinatay na ang tawag nang hindi binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita si kuya leo.

Bumuntong hininga ako at tahimik na nanalangin na sana ay maging ligtas ang kuya ko at ang lahat ng tao. Pagkatapos kong magmuni muni ng ilang minuto ay umakyat na ako at ginising na sila. Napabalikwas naman si Night ng marinig niya kung anong oras na at nagmamadaling humalik sa pisngi ko bago lumabas at tingin ko'y pupunta siya sa kwarto ko upang magligo at magbihis.

"Babies... Gising na..." gising ko sa mga bata habang bahagya silang tinatapik. Agad naman akong nakarinig ng angal galing kay Al.

"Mom... I'm not a baby anymore." inaantok pang sabi niya at unti-unting minulat ang mga mata.

"Hmm..." tanging sagot lang ni Zel habang si Sky naman ay tila mahimbing parin ang tulog.

"Zel... Sky..." tawag ko sa kanila ngunit si Zel lang din ang tumugon. "Mommy..." sabi ni Zel. Si Al naman ay bumangon na at tinulungan na akong gisingin ang mga kapatid niya.

"Bangon na mga anak... Kakain na tayo. Anong gusto niyong gawin, hmm? Walang tayong pasok ngayon..." tanong ko. Napansin ko namang bahagya ng minulat ni Sky ang kaniyang mga mata.

"Aalis po tayo, mommy? Pero diba po marami pa po tayong gagawin? Maglilinis pa po tayo tapos maglalaba. Di ba po?" tanong naman ni Zel.

"Dalawang araw na walang pasok si mommy, baby. Kasi nag day off ako ng dalawang araw ngayon para makagala tayo, diba? Kasi hindi kayo ni mommy gaanong maasikaso eh." sagot ko naman.

"Gagala tayo, mommy?" inaantok na boses na tanong ni Sky.

"Opo. Kaya tayo na sky ko. Nang makakain na tayo't makagayak." sagot ko kay Sky.

"Pero diba po aalis tayo nila da--" agad na pinigilan nila Zel at Al si Sky kaya naman di ko narinig yung huli niyang sinabi. Tinakpan nila ang bunganga ni Sky.

"Kuya diba po bad ang maghikab ng hindi tinatakpan ang bibig? Sige ka may papasok na monster diyan sa bunganga mo." sabi ni Zel habang tahimik lang si Al.

"O sige na. Magsipaghilamos na kayo at bumaba na ihahain ko na ang pagkain natin." sabi ko at hinalikan sila sa noo bago ako bumaba at pumuntang kusina.

Pagkatapos ko ay siya rin namang baba ng mga bata kasama ang ama nila. Pare-pareho silang karga nito. Nakapasan si Al habang si Sky at Zel naman ay nasa magkabilang braso ni Night.

"The plane is ready to land... (Wishhhhuuu)" sabi pa ni Night. [Sound of plane that's going to landing]

"Yehey!" Sigaw naman ni Zel.

"Please fasten your seatbelt, guys." sabi naman ni Al.

Nakakatuwa sanang panoorin sila ngunit naisip kong baka magusot ang polo ni Night kaya naman pinababa ko agad ang mga bata. Malungkot man ngunit sumunod din naman sila at dumiretso sa hapag.

Ako naman ay natulala ng maalala ko ang nangyari sa akin noon ng hindi ko sinasadyang magusot ang kaniyang polo.

Flashback...

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now