Third Person's PoV
Naglakad si Luz pabalik sa kanilang tinutuluyan. Yakap yakap niya ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin na nararamdaman niya habang naglalakad. Habang si Escuro Night naman ay naiwang tulala sa yate at nag-iisip pang muli ng hakbang upang masimulan ang plano niya.
Maya-maya pa ay nabalik sa reyalidad si Night nang tumunog ang kaniyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at ng makita ito ay agad na sinagot. "So how's the date?" tanong ng tumawag sa kaniya gamit ang malamig na boses.
Lumunok siya at inisip ang mga sasabihin bago sumagot. "It seems like-- she can't forgive me yet." sagot niya rito imbes na sabihin na "It seems like I've said something that she didn't like."
"I know it's half a lie." sabi ng tumawag. "Make sure that you'll never fail again. That's the last time I will help you. Even if you bend your knees in front of me again." sabi nito at hindi na hinintay na magsalita si Night at pinatay na ito.
Napabuntong hininga si Night at tumayo na. Ibabalik na sanang muli ang kaniyang cp sa bulsa ng muli itong tumunog. This time, his friends back from college was the one who's calling him. It's a group call to be exact.
"What do you need?" walang ganang tanong ni Night sa mga kaibigan.
"Dude! How's the date?"
"Did she turn you down?"
"Can we taste luz's tasty foods now?"
"How's the kids?"
"Magiging ninong ba kaming muli?"
Bungad ng mga ito sa kaniya. "I've said something that she didn't like." sabi niya sa mga ito na ikinatawa ng mga ito.
"Wala ka talagang kwenta." sabi ng isa niyang kaibigan pagkatapos ay humalakhak.
"What's the feeling, man?" sabi rin ng isa niya pang kaibigan at humalakhak muli.
Pinalatakan niya ang mga kaibigan na mas lalo ng mga itong ikinatawa. "Make her talk in the bed to have her already, Night." payo ng isa sa mga kaibigan niya.
"But don't over do it." dagdag ng isa.
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga gagawin niyang hakbang. Napag-usapan rin nila ang mga buhay pag-ibig ng mga ito na agad namang itinanggi ng mga ito at pinaalalang muli ang kanilang usapan tungkol sa pagpapakasal.
Ang kung sino mang mauna sa kanilang mag-asawa ng sunod sa kanilang damdamin, ang siyang susunod sa utos ng bawat isa.
Muli itong naungkat dahil sa isa nilang kaibigan na tila mauuna pa sa yapak ni Night sa pagpapakasal dahil sa mga ikinikilos nito at sa pagtrato nito sa isang babae. Dahil dito ay humaba-haba ang kanilang usapan.
"Remember Night, we said talk. Not something green in your mind."
"If I know, nakatikim na yan!" hirit ng kaibigan niya pagkatapos ay sabay sabay silang humalakhak.
"Oh f*ck off!" inis na natatawang sabi niya at pinatay na ang tawag.
Habang naglalakad ay naalala ni Night noong unang beses niyang sinabihan ang mga ito na tatanungin niya si Luz sa panliligaw na gagawin niya ay wala ring ipinagkaiba ang mga reaksyon ng mga ito sa ngayon.
Tinawanan siya ng mga ito at biniro pa. Pinayuhan siya ng mga ito na ipaalam muna sa pamilya ni Luz ang pinaplano at pag-isipan itong mabuti upang hindi na maulit muli ang nangyari sa nakaraan.
Sinunod ni Night ang mga payo ng mga kaibigan. Kahit minsan ay wala sa tamang pag-iisip ang mga kaibigan niya, kapag babae ang pinag-uusapan ay seryoso ang mga ito at ayaw ng mga ito sa mga taong nananakit ng babae.
YOU ARE READING
The Broken Wife (UNDER REVISION)
Roman d'amourMahal ko siya. At tanggap ko na hindi niya ako mahal. Pero dahil binigyan ako ng pagkakataong mahalin siya ng malapitan, so why not grab it? Nakakatakot mang masaktan pero hindi naman maituturing itong pagmamahal kung hindi ako masasaktan hindi ba? ...