Luz's PoV
Pagkatapos naming makapag-isip kung ano ang kapalit na nais ng isa't-isa ay tumayo na siya upang pumunta sa isang kwarto na tingin ko ay opisina niya rito.
Tama. Opisina. Ganun na lamang siya kabaliw sa negosyo na lahat na lamang ng kaniyang bahay tuluyan ay may opisina. Kung may business meeting naman siya overseas, sa tuwing uuwi siya sa kaniyang hotel ay haharap naman siya sa kaniyang laptop.
Ganun din naman ang ama nito pero hindi kasing lala ni sungit. Ang ama nito ay alam kung kailan oras ng pakikipag bonding niya sa pamilya niya at kailan ang oras para sa trabaho. Minsan nga kapag nasa outing ang pamilya Martinez, kung saan palagi nila akong sinasama, pagkatapos ay biglaang tatawag ang mga investors niya ay papatayan niya ang mga ito pagkatapos sabihin na nasa bakasyon siya eh.
Pero ang binatang Martinez ay hindi nagpapatinag. Mapaoras na kasama man nito ang ama upang mag golf or mag shoot training sila ay talagang magpapasintabi ito upang sagutin ang tawag ng kung sino man. Ngunit tuwing ang ina naman nito ang kasama ay hindi nito magawa dahil panigurado ay sesermunan lamang siya nito ng walang humpay.
Habang naghihintay sa pagbalik ni sungit ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman tumungo ako sa kusina nito at nagluto ng maaaring maluto gamit ang stocks nito. Buti na lamang at marami itong stocks kahit hindi naman ito nagluluto.
Nagsaing ako ng maraming kanin pagkatapos ay nagsimula ng maggayat ng sibuyas at bawang. Hinanda ko na ang mga kailangan ko sa pagluluto ng ulam habang binabantayan ang aking sinaing. Kapag kasi ako ang nagluluto ay ayokong sa rice cooker nagsasaing kaya naman manu-manu akong nagbabantay sa pagluto ng kanin.
Nakakita rin ako ng kumpletong ingredients ng brownies kaya naman gumawa na rin ako. Matapos maluto ang lahat ng aking niluluto ay kumuha ako ng plato at unang binuksan ang kaldero ng kanin. Napangiti ako sa sarap ng amoy nito, sumandok ako dito at tsaka tinungo ang ulam na niluto ko at naglagay ng kaunti sa aking plato.
Mahina kasi ako kumain ng ulam pero sobrang dami ko naman kumain ng kanin kaya tipid din talaga ako sa ulam. Medyo dinamihan ko na ang aking niluto para naman makakain ng lutong bahay si sungit. Mabuti nga at napadayo ako rito kundi ay paniguradong masisira lamang ang mga pagkain dito sa kaniyang kusina.
Natapos na akong kumain, nalinis ko na rin ang aking kinainan at pinaglutuan ngunit wala pa ring sungit sa salas kaya naman nilantakan ko na lamang ang brownies na binake ko habang nagce-cellphone. Tinignan ko kung may mga kailangan pa akong gawin at pirmahan sa aking kumpaniya thru emails na sinend sa akin ng sekretarya ko.
Nang makita kong wala naman na ay nagpasya akong magbasa na ng manhwa. Well bilang isang hindi pangkaraniwang babae, hindi normal na manhwa binabasa ko hehe. Namili ako ng babasahin at napangiti ng may bagong update ang paborito kong manhwa. Death is the only way for the villainess.
Nadadala na ako sa emotion ko dahil sa aking binabasa ng mapansin kong nakaupo na sa harap ko si Night. Ang sungit parin ng mukha niyang nakatingin sa akin at tila kanina pa itong narito. Tumikhim ako at isinangtabi na ang aking cellphone at tinignan ang lamesa kung nasaan ang brownies ko at napansing nasa tabi nito ay ang isang folder.
"Nakabalik ka na pala hindi mo naman ako sinabihan." Nahihiyang sabi ko sa kaniya.
"You seem so busy that I didn't bother making a sound." He replied at umismid pa sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin pa at dinampot ang papel.
"Ano 'to?" Takang tanong ko bago buklatin ang folder.
"Read it." He coldly said.
'Ang sungit talaga!'
Umiling iling na lamang ako sa kalamigan niya.
"Is there something wrong with it miss?" He said with a little bit loud voice.
YOU ARE READING
The Broken Wife (UNDER REVISION)
RomanceMahal ko siya. At tanggap ko na hindi niya ako mahal. Pero dahil binigyan ako ng pagkakataong mahalin siya ng malapitan, so why not grab it? Nakakatakot mang masaktan pero hindi naman maituturing itong pagmamahal kung hindi ako masasaktan hindi ba? ...