Ika-limang Yugto

5.2K 102 4
                                    

Luz's PoV

Isang buwan na ang lumipas at hindi parin kami muling nakakapag-usap ni sungit tungkol sa sunod naming gagawin. Nakalimutan niya na ata ang napag-usapan namin. Sabagay sino ba ako para alalahanin niya, 'diba?

Ngayon ang araw kung kailan gaganapin ang party na sinabi ni San tatlong araw ng nakararaan. Busy ako sa pagbabasa ng paborito kong manhwa habang hinihintay ang pagdating ng dalawa kong kaibigan. Makalat ang lamesa dahil sa kahon ng JCO donut na iisang klase lang naman ng donut ang laman, bowl ng brownies na binake ko, inumin ko na frappe. Nakalapag din sa lamesa ko ang laptop ko pero nasa kabilang parte ito para hindi matapunan ng inumin ko kung sakali mang matapon ito. 

Wala kasing pasok ngayon sa kumpaniya dahil sa linggo ngayon at tinapos ko naman kanina ang pagbabasa at pag apruba ng mga papeles ko sa kumpaniya ko. Ganito ang gawain ko tuwing wala akong pasok sa kumpaniya ng mga Martinez kaya naman gustong gusto ko talaga ang linggo. Pagkatapos kong mabasa ang mga bagong chapter ng paborito kong manhwa ay inilapag ko ang cellphone ko sa sofa pagkatapos ay tumulala.

Ilang minuto pa ay nagbagsakan na ang aking mga luha. Nakakabaliw lang isipin na ang bida sa aking paboritong manhwa ay may pamilya nga ngunit kay lungkot naman ng buhay niya. Iyon ay dahil sa siya ay ampon lamang. Inampon siya ng amang duke ngunit hindi naman siya gaanong pinagtuunan ng pansin at alaga. 

Kay sakit lang na kahit anong gawin niya ay hindi siya kailanman magiging kaisa sa pamilyang umampon sa kaniya dahil isa lamang siyang repleka ng anak nitong babae na nawawala. Bukod din sa hindi siya pinagtuunan ng pansin at alaga ay hindi rin siya tanggap ng dalawang lalaki na anak ng duke. 

At ngayong nakulong siya ay hindi pa siya pinaniwalaan ng mga ito. Kaya naman hindi ko masisisi kung sumuko man siya sa pag-asang mamahalin siya ng mga ito bilang isang kapamilya. Dahil kung ako man ang nasa posisyon niya ay susuko rin ako sa panahon pa lamang na hindi inimbestigahan ng maayos ang pangyayaring ninakaw 'daw' niya ang perlas na pagmamay-ari ng totoong anak at naparusahan siya sa bagay na hindi niya naman ginawa.

Tumunog ang doorbell dahilan para mabalik ako sa reyalidad at dali daling kinuha ang tissue upang magpunas ng mata at sumingha. Pagkatapos ay tinapon ko ang mga nagkalat pang tissue gawa ng pag-iyak ko rin kanina sa iba pang parte ng istorya. Pagkatapos kong itapon iyon ay naglakad na ako sa pinto at binuksan iyon ng hindi tinitignan kung sino ang kumatok.

'Well wala namang ibang dadating kundi ang mga kaibigan ko lang.' Pagkikibit balikat ko pagkatapos ay pinihit ko na ang pinto pabukas.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong napatalikod ng maramdaman ko ang paparating na bahing ko. Mabuti na lamang at mayroon akong dalang tissue at tinakip ko agad yun para hindi ako makahawa. Pagkatapos ay tsaka ako nagsalita. "Pasok." sabi ko at muling tinakpan ang aking mukha dahil sa panibagong pagbabahing ko.

Naglakad ako sa CR dahil sa mayroon na itong sipon na kasama. 'Kakaiyak ko 'to eh. Tsk.' Nasabi ko na lamang sa sarili ko. Naghilamos na rin ako ng mukha bago ako lumabas at nagpupunas ako ng mukha habang naglalakad papunta sa salas pagkarating ay agad akong naupo sa sofa. Napatingin ako sa sofa ng makita kong wala na roon ang cellphone ko at tila nanlamig ang aking katawan ng makitang ang katabi ko ay naka suit kaya naman agad kong tinignan ang mukha nito na mas lalong nagpagulat sa akin.

"Sungit?!" Gulat na sigaw ko rito. Tumingin naman ito sa akin mula sa librong hinahanap ko na hawak na pala niya.

"Wha--" Naputol ang salita nito ng muling mag doorbell. This time I'm sure na mga kaibigan ko na iyon kaya naman para makatakas sa pagkadulas ng dila ko, dali dali akong tumayo para buksan ang pinto ng condo ko at tama nga ako mga kaibigan ko na ito.

"Ay! Kalurki ka naman, girl!" Sigaw na sabi ni San sa akin pagkakita ng mukha ko.

"My ghad! Mahihirapan ako sa pag ayos ng mukha mo niyan!" Sigaw din ni Meg sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko naman sa kanila.

"Look! Magang maga!" Sabi ni San at hinawakan pa ang baba ko para ibaling-baling ang aking mukha habang nag thumbs up naman si Meg with matching tango.

"Panigurado binasa mo na naman yung the Villains are destined to die, noh?!" May tunog ng pagbibintang na sabi ni Meg.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now