LISTEN TO THE SONG ON THE MULTIMEDIA SECTION WHILE READING THIS. ITS A NICE SONG:))
*****************************************************************************************************
Masaya si Mae nitong mga nakalipas na araw. Lagi kasi silang naghahanap ni Jace ng match niya, meaning, lage silang magkasama. Halos araw-araw. Marami na din siyang nami-meet sa mga blind dates niya pero wala pang nakakuha ng interest niya. Mostly mga normal na ang mga sine-set up ni Jace sa kanya. Yung iba, classmates niya nung college. Minsan din yung mga available niyang mga pinsan o yung mga malayong kamag-anak at yung ibang mga ka-trabaho niya. Nag-improve naman ito sa pagre-recruit ng mga lalaking maide-date sa kanya. Although minsan sumesemplang parin. Ok na rin yun. Masaya siya kapag kasama ang kaibigan. Tawa dito, tawa doon. Kain dito, kain doon. Halos hindi na kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakikita ang mokong. Kapag naman busy siya at hindi sila makalabas ay magdamagan naman silang nag-uusap sa phone. Kahit puro walang kwenta ang pinag-uusapan nila. Naging routine na iyon ng dalawa. Minsan sinisita siya ni Trisha dahil maski sa trabaho ay ngingiti-ngiti siya habang nasa harap ng phone, para daw siyang buwang. Well, she's really happy and she never felt it before.
TRISHA: Mae, yung-
Napatigil si Trisha sa sasabihin dahil hindi nakikinig si Mae sa kanya. Nasa harap ito ng phone at waring binabantayan ito.
TRISHA: Hoy!!
MAE: Ano ba??
TRISHA: Ano na namang problema mo sa phone na yan?
MAE: Inaantay kong magtext o tumawag si Jace. Kahapon pa niya ko di tinatawagan eh.
TRISHA: Eh bat di na lang ikaw ang tumawag?
MAE: Ginawa ko na kaso laging yung operator ang sumasagot. "Im busy right know, please leave a message blablabla.."
TRISHA: Aysus! Isang araw lang di tumawag na miss mo na.
MAE: Hindi ganon yun Trish ah. Well, wala namang masama, magkaibigan naman kami.
TRISHA: Ewan ko sayo.
Iniwan na siya ni Trisha sa counter at bumalik na sa working station nito.
Ang dalawang araw na hindi pagtawag o pagtext ni Jace ay nadagdag pa ng isa, dalawa, tatlo.. hanggang sa mahigit isang linggo nang hindi nakokontak ni Mae ito. Sinubukan niyang kumuha ng impormasyon kina Lisa subalit hindi pa daw ito nagpapakita sa kanila sa resto. Nag-aalala siya. Sinubukan na rin niyang dalawin sa office nito pero ang sabi ng secretary nito ay nagleave daw si Jace, ilang araw ng nakakaraan. Hindi naman daw nito sinabi ang dahilan.
BIRTHDAY NI PETER. Inaasahan niyang makikita niya si Jace sa resto pagkatapos ng dalawang linggo na biglaang pagkawala nito. Ngunit ang dating laging pagsundo sa kanya ni Jace sa tuwing pupunta sila sa resto ni Lisa ay hindi nangyari. Mag-isa siyang nagpunta sa resto.
Samantala, binati niya agad si Peter ng makarating siya sa resto.
MAE: Happy birthday Pete.
Sabay yakap dito at bigay ng gift.
PETER: Oh, ano toh?
MAE: Paborito mong wine.
PETER: Wow. Thank you! Teka nga, bat mukha kang down??
LISA: Eh pano hon, walang balita kay Jace. Dalawang linggo na raw ini-indian ni Jace.

BINABASA MO ANG
Wish You Were Mine
RomansaHave you been jealous for someone who's never been yours in the first place? Do you have the right to be jealous? Have you love someone who's meant only to break your heart? That even though you look stupid in front of all, your willing to ignore it...