''Goodmorning ma, ano pong almusal natin? tska nasaan po si papa?"sabay naghikab ako.
''Ano ka ba namang bata ka! ang aga-aga ang dami mong hinahanap'' Reklamo naman ni mama habang nakakunot pa ang nuo niya.
Ang cute talaga ni mama magalit! kaya love na love ko 'yan eh.
''Oo luto na kaya kumain kana at yung papa mo wag mo na intindihin 'yun kasi kanina pa yun nakaalis''
Ang saya talaga magkaroon ng simpleng pamilya kahit ako lang ang nagiisa nilang anak masaya naman ako at napakaswerte ko kasi alam kong napalaki nila ko ng maayos.
''Trixie anak, nakabihis ka na ba? bilisan mo dyan nag-aantay na dito 'yong kaibigan mo'' tawag ni mama.
''Opo ma pababa na saglit na lang ako'' Sagot ko naman habang nagsusuklay ng buhok.
"ang cute ko talaga" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at nagmi-make face pa.
Makalabas na nga baka malate pa kami makalbo pa ko ng bestfriend ko.
''Hellow baliw kong bestfriend, miss na kita bakit ang panget mo pa rin?'' sabi ko pagkababa ko at sabay yakap sa kanya.
''Gaga ka gumanda na kaya ko abot hangang universe'' Sagot naman ni lovely.
''Assuming!" sagot ko naman.
''Ano ba naman kayong mga bata kayo umalis na nga kayo male-late na kayo first day of school pa naman ngayon'' -sabat ni mama at itinaboy niya na kami palabas ng bahay.
'' bye ma, love you'' Paalam ko at hinalikan ko si mama sa pisngi.
''Tita, alis na kami babye po" Paalam din ni lovely at hinalikan din niya si mama sa pisngi.
-
Trixie's POV
Pagdating namin sa school ni Lovely agad naming hinanap ang room namin kasi magkaklase kaming dalawa. Pagpasok namin sa room nagpa-pakilala na isa-isa at mukhang late na kami.
''Goodmorning ma'am, sorry if were late'' Paliwanag ni lovely sa teacher namin.
''Sige pumasok na kayo sa susunod ayoko ng late ha?" Sabi naman ni ma'am
''Yes ma'am" Sabay namang sabi namin ni Lovely.
''Pero bago umupo magpakilala muna kayo'' Dugtong pa ni ma'am kaya naman sinunod namin siya at si Lovely ang unang nagpa
''Hi guys, my name is Lovely Deguzman and sana maging magkakaibigan tayo" And she smile.
Napansin ko naman na gandang-ganda yung mga lalaki kong kaklase sa kanya dahil kapansin pansin ang malagkit na tingin nila sa bestfriend ko.
Syempre pagkatapos niya ako naman ang sunod na nagpakilala
''Hi guys, my name is Trixie R. Perez a happy go lucky girl" Then i smiled at umupo na ko sa tabi ni Lovely. Si Lovely yung malapit sa aisle at 'yong katabi ko namang upuan ay bakante.
Bigla namang lumabas si ma'am ng room dahil may gusto atang kuma-usap sa kanya sa labas at halata namang estudyante rin 'yong kausap niya. Akala ko naman kami na 'yong late may mas late pa pala samin.
''Lovely siguro classmate natin yun no!'' Sabay turo ko dun sa may pintuan nitong classroom.
''Siguro'' Matamlay naman na sabi ni Lovely. Nakatalumbaba pa siya na para bang bagot na bagot.
problema neto?
''Taray naman this girl, may dalaw ka?'' Pang-aasar ko naman.
''Wala no! '' Sabay irap niya sa'kin. Ang sarap niya talagang asarin kasi ang bilis-bilis niyang mapikon. Nakakatuwa!
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Teen Fictionito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)