Trixie POV
Hindi niya ko pwedeng iwan uli.Pagkatapos ng paghihintay ko sa kanya.
Terrence bakit ba ang hilig mong mangiwan?
"Trixie bilisan mo sumakay na tayo ng taxi"
Hinila na ko ni Lovely dahil kanina pa ko tulala dito.
Paano kung nakasakay na siya?
Paano kung di ko siya nakita?
Paano kung di na siya bumalik?Maghihintay nanaman ba ko sa wala?
Yan ang pilit tinatanong ng isip ko habang nakasakay sa Taxi.
"Kuya pakibilisan naman oh!"sambit ko.
"Opo ma'am"
"Lovely"sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay niya.
"Wag kang magalala makakarating din tayo dun"
"Kuya bayad oh!"
Tumakbo na kami.
"Teka Ma'am yung sukli niyo"pahabol nung driver.
"KEEP THE CHANGE!!"sigaw ko.
"Wow Trixie yaman ha!"
"Hayaan mo na yun ang mahalaga nandito na tayo."
Pagtapat namin sa Guard binigyan ako ng bulaklak.
Teka diba ito yung bulaklak ng bride?anong gagawin ko dito?
Takteng yan!
"Kuya ano to?"
Inisnob ako ni Kuya!kaloka.
Pumasok na kami sa loob
Pero OMG! bakit may red carpet yung totoo?
N/P:THINKING OUT LOUD
aba! Talagang pinatugtog pa nila yung kinakanta sakin ni Terrence at hinahagisan pa nila ko ng mga petals.
Habang naglalakad ako
Ano bang nangyayari?
May kasalan ba sa Airport?Hindi pwede baka nakaalis na si Terrence.hinanap siya ng paningin ko
Pero laking gulat ko kasi si Terrence nakatayo dun sa dulo.Tinutuloy ko lang ang paglalakad hangang makarating sa harap niya.
Lumuhod siya sa harap ko.
"Teka nga!Ano bang pautot toh?"
Imbis na sagutin niya yung tanong ko may nilabas siya mula sa likuran niya na maliit na box.
"Gusto mo bang ituloy na natin toh sa Altar?"he smiled.
Pumantay naman ako sa pagkakaluhod niya.
"What do you mean?"
"Pwede ka bang maging Mrs.Monteverde?Will you marry me Ms.Perez?"
Kyaaaaaaaah tili yan ng mga taong nakapaligid samin.
"Hmmm...."
Yung mukha ni Terrence nakakunot na.
"No?"
Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya.
Pati yung mga tao dito nadismaya.
"Okay"
Tumalikod na siya.
"Hoy Terrence joke lang eh tampo agad!"
Pagkasabi ko nun ang bilis niyang humarap.
"Ang tanga ko naman kung tatanggi pa ko!"
" WALA NG BAWIAN HA?YES,YES,YES FIANCE KO NA SIYA!"
At niyakap niya ko ng sobrang higpit at sinuot niya sa daliri ko yung sing sing.
"Hoy ! May utang ka pa sakin!"
"Ano naman yun?"
"Hindi ko nakuha yun--"
*chup*
Kaabnormal na lalaki di naman kiss hinihingi ko basta na lang manghahalik.
"Tara na nga dederetso pa tayo sa Altar!dami pang sinasabi eh!"
Inakbayan niya ko at sumunod na din si Lovely samin.
_
*BAHAY*
Ang saya ko dahil sa wakas okay na kami ni Terrence.
Na sa wakas masasabi kong akin na uli siya at hinding hindi ko na siya papakawalan pa.
At itong singsing na toh ang makakapagpatunay na kami lang ang para sa isa't isa.
"Ay Saltik!"
Nagulat naman daw ako dun sa yakap niya.
Naka-back hug kasi siya sakin.
"Bakit nandito ka sa labas?"
"Wala lang"
"Bakit nagsisi ka ba na tinaggap mo yung alok ko?"
Humarap ako sa kanya at kumapit sa leeg niya habang siya naman nakahawak sa waist ko.
"Hindi ako nagsisisi at lalong hindi ko pagsisihan toh dahil ikaw lang ang lalaking minahal ko"
"So bakit ang tahimik mo?"
"Dahil iniisip ko ang future ko na kasama ka!"
Kinurot niya yung ilong ko.
Then he kiss me passionately.
Tumigil siya sa paghalik at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I Love you Trixie Perez soon to be my wife "
"I Love you too Terrence Monteverde soon to be my Husband"
"I Love you forever"
At niyakap niya ko na parang wala nang bukas.
Yakap namin ang isa't isa habang tinitignan ang mga bituin.
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Teen Fictionito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)