Terrence POV
Shit!!muntik na kong madulas buti na lang madali kong naputol,
bakit kasi ang ganda niya kahit kakagaling niya lang sa sakit
nasasabi ko tuloy yung mga Hindi ko dapat sabihin
ayoko pang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko dahil Hindi pa to yung tamang panahon
o sadyang torpe lang ako
iniisip ko yan habang nakahiga
makatulog na nga lang nakakabaliw lang isipin
Zzzzzzz
---
*DINGDONG*
*DINGDONG*
nagising ako ng may narinig akong nag door bell
anong oras na ba
napatingin ako sa wall clock
2:00am pa lang ha??sino naman kaya yun
"sandali nandyan na!!"binuksan ko yung pinto
nakita ko sila papa sa gate habang kinakawayan ako
"Akala ko ba sa sabado pa ang uwi niyo??diba 1 week pa kayo dun?"
umakbay sakin si papa
"ang dami mo namang tanong anak!siguro ayaw mo pa kaming pabalikin dahil gusto mong masolo si trixie noh??"pabulong na tanong Ni papa
"Pa kilabutan ka nga!bata pa kami para dun!!"tapos kinabig ko siya
"may surprise pala kami sayo"pagkasabi nun Ni Tita gumilid Sila para magbigay ng daan
"SUNGIT!!!!"pagkasabi niya nun sinalubong niya ko ng yakap
nagulat ako kasi andito ang kababata kong si May Ann
"KULIT???"
"musta na??"sabay kurot sa pisngi ko
"okay lang pogi pa din"
"Hindi pa rin nawawala yang pagkamahangin mo noh"
"Pogi naman talaga ko eh"
"Tara na nga sa loob na tayo magkwentuhan"singit ni Tita
pumasok na sila papa at sumunod naman kami
"Terrence pwede bang pakigising mo si Trixie pero wag mo munang sabihin sa kanya na nandito na kami ha!para dito namin siya surprisahin sa baba"
"sige po"pagkasabi ko nun umakyat na ko
dumiretso akong pumasok sa kwarto niya dahil nakita Kong bukas yung pinto
Grabe talaga to walang pakialam sa paligid niya
Basta na lang natulog
"Hoy!Trixie gumising ka dyan"
Ano ba toh??grabe matulog naka nganga pa
"ano ba natutulog yung tao eh!!"asar na sabi niya ng nakapikit
"Hoy!tumayo ka dyan"
"oo nah susunod na ko!"
lumabas na ko ng kwarto Niya
at magkasunod kaming bumaba mas naununa akong maglakad sa kanya
Tumigil siya sa pangalawang baitang ng hagdan malapit sa baba
Yung tanaw na sila Papa ako naman nakababa na kaya napatigil din ako
"Trixie uy!bakit ka nakapikit??"Hala naglakad siya ng tulog di ko man lang napansin yun
Umakyat ako sa pangalawang baitang ng hagdan para tabihan siya
"Saltik naman eh natutulog ako eh"sabi niya ng nakapikit
natatawa tuloy sila papa
Sinabihan pa kong saltik!
At parang batang nagmamaktol todo kamot pa sya sa buhok niya na gulo gulo at nagsisisipa pa
Baliw talaga to!pero kahit ganyan ang itsura nya maganda pa din siya
Umupo siya at sumandal sa hita ko kung hindi ko to natabihan panigurado nauntog na toh.
"Hoy Trixie "
"ano ba saltik!"inis na sabi niya at nakapikit pa din
lumayo siya sa hita ko,Umupo na lang ako para mapasandal siya sa braso ko
"Uy Trixie!"ginigising siya ni Tita pero mahimbing pa rin ang tulog niya
Tulog mantika!
natatawa tuloy kami sa inaasal niya
"Trixie gising,nandito na kami"sabi ni tito at tinapik pa yung Pisngi niya
"trixie,nakakahiya sa bisita"
napatingin ako kay May Ann at tuwang tuwa siyang pinagmanasdan si Trixie
Sa wakas nagising na rin siya at minulat niya ang mata niya
"PAPA?MAMA?TITO?andito na kayo?"gulat na sabi niya
Kita mo sa mata niya na tuwang tuwa siya na parang bata
"Hala bakit ako nakasandal sayo?"tanong niya sakin
"Teka natutulog ako sa kwarto ha!paano ko nakababa?"tanong uli niya
"kasi naglakad ka lang naman ng tulog Hahahaha!"
"Talaga!?"
tango lang yung reply ko sa kanya na nagsasabing oo
"Che!di mo man lang ako ininform bwisit ka"At hinampas niya yung balikat ko
tawa tuloy kami ng tawa at siya naman,pulang pula na yung Pisngi sa kahihiyan
"Tignan mo may laway ka pa" turo ko sa bibig niya
"Che!wag mo ko kausapin panget mo"
"Sino siya?"Turo niya kay May Ann
"Teh naliligaw ka po''
Baliw talaga to ano ba namang klaseng tanong yun?
natatawa tuloy si May Ann
"Anak kababata siya ni Terrence"paliwanag Ni tita
"Hi ako pala si may Ann"^_^
binigyan niya ng matamis na ngiti si Trixie
"Nice meeting you"nginitian niya din si May Ann
At nag shake hands sila
"Nakakahiya naman nagkakilala tayo na ganito itsura ko"kakamot kamot pa niyang sabi
"eto kasing lalake na to di ako ininform"
Pagkatapos niyang sabihin yun nakatanggap lang naman ako ng kutos mula sa kanya
"So ako pa ngayon may kasalanan!?"
che panget mo!bleeeeeh"
aba!nagawa pa kong asarin
"Tara na nga!nagbabangayan nanaman kayo!"singit ni tita
pumunta kami sa dinning para magkwentuhan habang nagkakape
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Teen Fictionito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)