Terrence POV
Limang buwan na ang nakakalipas simula ng tumira kami dito sa bahay nila trixie
At ngayong araw na toh kami lilipat ng bahay pero malapit lang naman dito
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakahanap na kami ng matitirhan,
O masasaktan ako dahil hindi ko na makakasama sa iisang bahay si Trixie,
kahit papano mamimiss ko yung baliw na yun!
Hindi pa nga ko nakakaalis pero iniisip kong mamimiss ko siya ng sobra
"trixie?"
*Toktok*(katok ko)
"SANDALI ANDYAN NA"
"Tara na!"
lumabas siya sa kwarto niya na bakas sa mukha ang pagkalungkot
"Wag ka nang malungkot pupuntahan naman kita dito eh!"
at nginitian ko siya
yumuko ako para malapit ko yung mukha ko sa mukha niya
pinisil ko yung chin niya,
"Magsmile kana lalo kang nagmumukhang baliw pag malungkot eh"
at sa wakas nagsmile siya kaya napangiti din ako
"Ewan ko sayo!Tara na nga,"
hinila niya ko ng magkahawak ang kamay namin
sasama siya samin dahil gusto kong siya ang unang makakita
ng bahay na nabili ni papa,
__
TrixiePOV"WOW ang ganda"
grabe ang laki ng bahay,tapos silang dalawa lang ni Tito ang titira dito
Pumunta kami sa taas para makita yung kwarto ni terrence ang laki din
ang laki din ng kwarto ni tito
iba talaga pag mayaman,parang kwarto lang ni terrence yung bahay namin
Pumunta naman kami sa likod ng bahay meron garden dun at sa kabilang banda ay may malaking pool pero isa lang
pumunta na kami sa sala para tumulong sa pagaayos ng gamit nila Terrence
Di na sumama sila mama dahil may importante daw silang pupuntahan,
"SUNGIT!!!!!!!!!!"
Napalingon ako sa sumigaw
Sinalubong niya ng yakap si saltik
"I miss you sungit!"
ngiti lang ang sagot ni saltik
"Bumili ako ng pizza,para sayo"
"nagabala ka pa ha!"
"syempre,basta ikaw tara upo muna tayo"
umupo si Terrence sa sopa,umupo naman tong si may Ann sa lap ni Terrence
Hello?nandito po yung gf,
sinubo niya kay terrence yung pizza na kinagatan Niya
Nakakainis!
Di niya pa kasi Alam na gf na ko ni Terrence
Pero jusmiyo naman!parang nasasayahan pa si Terrence sa ginagawa nila!
Maglalandian sila kailangan lantaran pa!
Dahil hindi ko na kinakaya na panuorin sila,aalis na lang ako
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Novela Juvenilito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)