A/N:sarry ngayon lang nakapagupdate:))
Trixie's POV
nandito kami sa labas ng room kasama ko pa din si mr.saltik.
''Hoy terrence nagsisimula na yung klase natin paano yan??''sabi ko
"anong pano yan? edi papasok na tayo! ''sabi niya.
''ehh!! baka mapagalitan tayo ni ma'am??"sabi ko
''papagalitan lang naman tayo, di naman tayo kakainin ng teacher na yan!''sabi niya tapos tumawa siya ng bahagya ng may kasamang iling.
''kahit na!''sagot ko
''Tara na nga ang dami mong arte baka lalo tayong mapagalitan''sabi niya tapos hinila na niya ko papasok.
''kayong dalawa bakit kayo late??"sabi ni ma'am bigla naman sumingit tong classmate namin kaya hindi kami agad nakasagot.
''ma'am nagdate pa po sila''sabi nung classmate namin na di ko alam ang pangalan!
''Yiiieeeee"sabi naman nung mga classmate namin kaya ang ingay ngayon sa room.
''MANAHIMIK NGA KAYO!!!''sigaw naman ni ma'am kaya agad silang nanahimik bumaling uli samin yung atensyon ni ma'am.
''aa ma'am nalate po kasi ako ng gising ehh''sagot ko habang nakatungo.
''Oh ikaw naman MR.MONTEVERDE bakit ka late??"tanong ni ma'am kay mr.saltik.
''kasi po ma'am may bata po akong tinulungan tumawid. kasi po takot na takot po siya tumawid eh! ''paliwanag niya habang nakatingin siya sakin tusukin ko mata mo! Kita mo dyan!
inirapan ko na lang siya.
''Talaga? di ka lang pala gwapo ang bait mo pang bata sige maupo ka na''sabi ni ma'am.
Aba! At napuri pa siya ni ma'am.
Kaasar!
''Bakit kayo magkasabay??"
Pati ba naman pagsabay namin pumasok kailangan inuungkat!
''Ma'am nasalubong ko po siya sa gate"sabi ni mr.saltik
"Ahh!okay maupo na kayo''
sabi ni Ma'am.
tapos umupo na ako sa tabi ni lovely makatingin naman si lovely sakin ng mapangasar.
di ko na lang siya pinansin!
sumunod naman tong lalaki nato tumabi naman siya sakin.
pinagpatuloy na ni ma'am yung pagtuturo niya.
nakabaling lang yung atensyon naming lahat kay ma'am.
nagulat naman ako ng sikuhin ako ni lovely.
di ko na lang siya pinansin.
pero inulit niya pa din yung pagsiko sakin.
"Ano ba yun lovely? "bulong ko.
"bakit kayo magkasabay yung totoo ahh?"sumagot naman siya ng pabulong.
"pwede mamaya na??"bulong ko
eto namang si Mr.saltik mukhang nahahalata na kami kaya nagsign siya ng silent.
mabait kasi siyang bata seryoso siyang nakikinig.
"gusto ko ngayon na! naexcite kasi ako eh!!"napalakas siya ng pagkakasabi kaya bigla akong napayuko.
ramdam ko na nakatingin na silang lahat sa amin.
at pati si ma'am
"Ms.De Guzman"seryosong sabi ni ma'am
"yes po??"kabadong sabi niya.
"Can you please shut up your mouth??"sigaw ni ma'am.
tapos bigla siyang naging kalmado ng tignan niya si Mr.Saltik.
nakakapagtaka naman, yung totoo anong trip ni ma'am?
tapos tumingin ako kay Mr.saltik kaya pala nginitian.
eh pamatay ba ngiti niyan?
anu ba yan child abuse si ma'am!
tapos napatingin siya sakin nginitian niya din ako pero tinaasan ko siya ng kilay.
"okay you may sit down Ms.De Guzman"sabi ni ma'am
kaya tahimik na uli kaming nagklase
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Teen Fictionito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)