TRIXIE POV
Bumaba na ko ayoko namang pinaghihintay yung mga bisita.
''Hi papa," bati ko kay papa habang pababa sa hagdan.
''anak kamusta ang school?''Tanong naman ni papa.
''ok naman po!'' sagot ko habang binebeso beso ko si papa.
''eto nga pala ang bestfriend ko'' Pakilala ni papa sa bestfriend niya.
''Hi po ako po si Trixie, nice to meet you po " Bati ko naman sa bestfriend ni Pap at nginitian ko siya.
''ako nga pala si Arman Monteverde, nice to meet you too iha," Then he smiled too.
''Iha you can call me tito na lang" Sabi pa niya.
''Okay po''
''Nasaan nga pala yung anak mo?'' Tanong naman ni mama.
''Nasa labas pa nakalimutan kasi niya kunin 'yong susi sa van'' sagot ni tito kay mama.
Bigla namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko para alamin kung sinong tumawag at si Bes lang pala.
''Tito, mama, papa, excuse muna po" Magalang na sabi ko sa kanila.
''Okay" Sabay sabay na sagot nila kaya naman pumunta muna ko sa kusina.
Pagkaalis ko sa sala narinig kong biglang dating nung anak ni tito pero di ko tinignan kasi kausap ko na si lovely.
''oh, anong problema mo?'' Tanong ko kay lovely sa kabilang linya.
[wala may echichika lang ako sayo]--lovely
''mamaya mo na ko chikahin may bisita kami eh sige na bye" sabi ko at di ko na siya pinatapos pinutol ko na 'yong call niya.
Bumalik na ko sa sala at nagulat ako sa lalaking katabi ni tito.
Teka, huwag mong sabihin--
''siya si Terrence anak ni Arman'' Nakangiting pakilala ni mama sa'kin. Napansin ko rinang pagkagulat ni Terrence.
''Ikaw?!" sabay naming tanong.
''magkakilala kayo?'' sabay sabay na sabi nang mga tao na nasa paligid namin ni terrence ngayon.
''Opo''sabi ko na lang at tumango tango pa ako.
''Paano kayo nagkakilala?'' Tanong naman ni Papa.
''Eh siya yung na---" bago niya pa sabihin na ako 'yong sumapak sa kanya tinakpan ko 'yong bibig niya.
Medyo nahirapaan lang ako kasi ang tangkad nitong lalaki na 'to at napansin korin namay black eye siya.
Hahaha.
''Magkaklase po kasi kami Hehehe" Sabay tinignan ko siya ng pangasar na tingin.
Nakaganti rin sa wakas at dahil sa wala na siyang nagawa nanahimik na lang siya.
"ahh!'' sabi nila mama.
''mukhang close na kayo ha!" Sabi ni Tito
"di naman masyado pa "sagot naman ni Terrence.
''magkakilala na pala kayo ee for sure di na kayo mahihirapang mag adjust sa isa' isa, tara kain na tayo habang mainit pa 'yong ulam ''Aya naman ni mam kaya sumunod na kami papunta sa dinning room.
Tahimik kaming umupo habang hinahain ni mama 'yong mga pagkain.
''wow! ang dami niyo namang inihanda para samin!"masayang sabi ni tito at nagkanya kanya na kaming kuha ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Jugendliteraturito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)