Trixie POV
Papasok na kami ni Lovely sa school namin ng highschool.
Malaki naman ang school namin kaya dito gaganapin ang reunion at ngayong gabi na yun.
naglalakad ako na suot ang dress ko na silver at pa tube siya na above the knee at fitted sakin.
Napag usapan din kasi na kailangan formal ang suot,
sa bawat paghakbang ko,iniikot ko ang mata ko sa school at naalala ko ang bawat araw na kasama ko dito si Terrence.
Katulad na lang ng pangaasar niya,pangungulit niya,pagaaway namin na walang dahilan at syempre ang pagiging saltikin niya.Gusto kong umiyak dahil namimiss ko lahat ng yun.
"Uy Trixie,Anyari sayo.?"takang tanong ni Lovely
Di ko namalayan na nagbabatian na pala yung mga classmates ko dati.
"Hi Trixie kamusta na?balita ko Dj ka na ha?"bati ni yohann
"Okay lang naman, Masaya ko kasi natupad ko yung pangarap ko."I smiled
At naupo na ko.
"Ikaw kumusta ka?"
"Eto binata pa rin,isa na kong businessman ngayon,pwede ka bang isayaw?"
"Okay"tumayo na ko at inalalayan niya ko maglakad
Habang sumasayaw kami hinahanap ng mata ko si Terrence,
"Pre"
Tinapik niya sa likod si Yohann habang sumasayaw kami.
"Terrence" masayang bati ni Yohann
"Pwede ko bang masayaw si Trixie?"
"Oh sure"at ngumiti si yohann
"Salamat"-Terrence
"Enjoy the night ok"
Nginitian ko lang si Yohann at umalis na siya.
Nagtitigan lang kaming dalawa dito.
Nagulat ako ng bigla niya kong hapitin sa bewang dahilan para magkalapit ang mukha namin.
"Huwag kang matakot ako pa rin toh"bulong niya
Kasabay ng paghapit niya sakin ang pagtugtog ng kantang,
Lagi niyang kinakanta sakin dati.
NOW PLAYING:THINKING OUT LOUD
"Naalala mo yang kanta na yan?"bulong niya sakin habang sumasayaw kami.
Ngayon naman sinasayaw niya ko ng nakayakap sakin.
Hindi ako nagsasalita.
"Alam mo Trixie ang ganda ganda mo pa din at lalo kang gumanda"
"Trixie namiss kita at hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita"
Hindi pa rin ako nagsasalita at pinapakinggan ko lang siya habang pinipigilan ang luha kong kanina pang gustong pumatak.
"Namiss mo rin ba ko? Mahal mo pa rin ba ko?"
'Oo miss na miss kita at hindi nawala ang pagmamahal ko sayo'
Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi dahil may takot akong nararamdaman ayokong nang masaktan.
Biglang tumulo ang luha na galing sa mata ko.
Hindi ko na kinaya at tumakbo ako malayo sa kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Teen Fictionito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)