TRIXIE'S POV
Pumasok na si ma'am sa room kasunod nung lalaking estudyante rin.
Nagusap sila saglit ni ma'am at humarap siya samin para magpakilala.
Pansin naman na kinikilig 'yong mga kaklase kong babae at para bang isang dessert 'yong lalaki na gusto na nilang kainin.
" Hi guys," Then he smiled kaso nung ngumiti siya wala na siyang mata. Nagulat naman ako ng biglang magtitili 'yong mga kaklase ko.
"Guys, quiet!" Saway naman ni ma'am.
"My name is Terrence C. Monteverde, and nice to meet you all " Then he smiled again at totoo namang gwapo siya at malakas ang apil. Chinito siya, matangos ang ilong, matangkad at maputi. Siya talaga 'yong tipo ng lalaki na pinapangarap ng mga babae kaso lang mukha siyang bakla.
Pagkatapos niyang magpakilala agad naman siyang humanap ng upuan. Laking gulat ko naman ng maupo siya sa tabi ko.
"Hi, wala bang nakaupo dito?" Tanong niya habang turo-turo 'yong bakanteng upuan na katabi ko.
Imbis na sagutin siya nakatitig lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.
" Miss? bakit ka nakanganga?"
Nagising naman ako sa realidad dahil sa tanong niya kaya naman hinawakan ko ang bibig ko at naramdaman ko ang laway na tumulo galing sa bibig ko.
"h-huh?" Takang tanong ko.
"Tinatanong ko kung may nakaupo ba dito?"
"a-ahh..e-eh..w-wala..h-hehehe"sagot ko naman at napakamot na lang ako sa batok ko.
''Ayos! Dito na lang ako uupo lagi ha? Salamat" Masaya niyang sabi at binigyan niya ko ng matamis na ngiti.
"Sige ikaw bahala, di ko naman pagmamayari yan eh." Mataray naman na sagot ko.
"Ang taray mo naman! di dapat tinatarayan ang tulad kong gwapo dapat minamahal" Then he smirked.
Akala ko talaga bakla siya, lalaki pala kaso lang mahangin.
Imbis na sumabat ako inirapan ko na lang siya. Tsk! kala mo naman kung sinong gwapo, ang yabang naman.
"Ang bilis mo naman mapikon parang binibiro ka lang" sabi niya.
"Hmpf! h'wag mo nga ko kausapin!" Mataray na sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya.
"sabi ko diba? h'wag mo kong kausapin? " Sarkastiko kong sagot.
" Nagtatanong lang naman ako no!" sambit niya naman.
Nagulat naman ako ng bigla kaming tawagin ni ma'am.
"Mr.Monteverde and Ms.Perez anong meron diyan, ha? " Mataray na tanong ni ma'am at kitang kita ko ang galit sa mukha niya.
" Naku ma'am, wala po. Nanghihiram lang po ko ng ballpen nakalimutan ko po kasi 'yong ballpen ko" sagot naman ni Terrence at ngumiti siya kay ma'am.
Hindi na nagsalit si ma'am sa sinabi ni Terrrence at itinuloy na lamang niya ang pagtuturo.
"Bakla!" Saad ko na ikinagulat ko kaya naman napatakip ako ng bibig. Nakita ko naman ang reaksyon niya na gulat na gulat rin sa sinabi ko.
''Sinong bakla, ha? baka halikan kita dyan eh!" Inis nyang sabi at itinuon niya na sa harapan ang tingin niya.
__
Mayamaya lang ay break time na kaya naman nagsilabas na kami sa room.
"Oy! Lovely kain na tayo, nagrereklamo na 'yong tyan ko." Aya ko kay Lovely.
''Mamaya na punta muna tayo dun sa crush ko, magpapansin lang ako ang pagkakaalam ko section 2 sya ehh'' sabi ni lovely habang hila-hila ako papunta sa room ng section 2.
Tsk! kaasar talaga uunahin niya pa 'yong paglalandi niya kaysa sa bestfriend niyang nagugutom.
Gggggrrrrruuu
Habang hinahanap nya yung crush niya bigla kaming nakarinig ng masamang tunog at dahil do'n nanlaki pareho yung mata namin habang nakatingin kami sa isa't isa.
"Bwahaha! gutom ka na nga talaga! wagas magalburuto 'yang tyan mo ee haha. Tara na nga papakainin muna kita masyadong iskandalosa yung tyan mo'' Aya niya na tatawa tawa at hinatak niya na ko papuntang canteen.
Grabe makatawa wagas di nahihiya kahit pinagtitinginan na ng mga tao at ito namang tyan ko wagas magreklamo.
''Sabi ko kasi sayo gutom na ko eh!" Reklamo ko sa kanya.
''Hahaha. oh ayan, kumain ka na" sabay abot niya sa'kin ng burger at juice.
Ano ba naman 'to ang kuripot manglibre. Kaasar!
''sige, tawa pa'' Inis kong sabi at inirapan ko siya. Habang naguusap kami nagulat naman ako ng may tumabi samig lalaki.
''Hi guys, paupo ha! wala kasi akong kakilala dito eh"saad ni Terrence.
''Sige, tsaka kung gusto mo pwede mo rin kaming maging kaibigan''sabi ni lovely and she smiled.
''Salamat ha!" sagot naman niya.
Binaling naman ni Terrence ang tingin niya sa'kin at bigla siyang ngumiti. Imbis na ngitian siya pabalik inirapan ko lang siya.
''Terrence, pwede magtanong?" Tanong ni Lovely.
''Hmmm..pwede naman wala namang bayad" Sagot naman ni Terrence.
''bakla ka ba?" Deretsahang tanong ni lovely na dahilan ng pagkagulat ko.
Napansin ko naman ang masamang aura na bumabalot kay Terrence at parang konti na lang sasabunutan na niya si Lovely.
''Ikaw talaga Lovely ang hilig mo mag-joke tara na nga, sige Terrence alis na kami.Hehehe" Palusot ko sabay ngumiti ako sa kanya ng pilit at hinila ko na si Lovely palabas ng canteen.
''Sira ka ba? hindi mo ba nahahalata si bak-- ay este si terrence, na nagaalburuto sa galit?"
''Oy!alam ko yung sinabi mo, pero di mo tinuloy. Alam ko yun bakla pala ha? isusumbong kita kay terrence!" Pangaasar niya.
''Oy h'wag ka ngang maingay'' Inis naman na sabi ko.
''Hahaha. Nakita mo 'yon pulang pula siya, bakla talaga Hahaha!''sabi niya.
''Naku! bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang baliw Hahaha'' Sambit ko na tatawa tawa sabay takbo at hinabol naman niya ko hangang makarating kami sa room namin.
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Ficção Adolescenteito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)