TrixiePOV
May date kami ni saltik sabi niya kasi gusto niya mag celebrate ng Graduation yung kaming dalawa lang.
Ang arte niya noh.
Naka t-shirt lang ako at simpleng pantalon.
Bumaba na ko dahil baka mainip siya.
"Anong suot yan Trixie?"
"Bakit?"
"May date tayo hindi ko sinabing tatambay ka lang sa kanto"
"Bakit okay naman yung suot ko ha"
"Naku Trixie Babae ka ba?"
Para siyang tatay na pinagagalitan ang 7yr old na anak.
"Oo naman,eh mas mukha ka pa ngang babae umasta! Bleh!"
Nagawa ko pa siyang dilaan.
"Baliw!mag dress ka naman"
"Eh pano yan wala akong dress at hindi din naman ako nagsusuot nun!"
"Tara na nga!"
Nakakunot na yung noo niya, Ang cute niya magalit noh.
"Oh anong nginingiti mo dyan?sabi ko tara na"
"Ang cute mo kasi magalit eh!"
Nagpacute pa ko sa kanya
"Pasalamat ka mahal kita"
Nang gigigil niyang sabi
"Salamat I Love you too"
"Baliw ka nga talaga"
Lumabas na kami at nagpaalam kanila mama.
"Ingat kayo,Goodluck anak sana magustuhan ka nila."
Nagsmile pa si mama
Pero teka anu daw?good luck at sana magustuhan ako?
Ano naman kaya yun?
Ang gulo.
__
Tumigil ang sasakyan sa isang mall.
At itong saltik na toh eh hinila ako ng walang permiso at para siyang nagmamadali.
Tumigil kami sa isang salon at kinausap niya yung parlorista dun.
Kinulot nung bakla yung bandang baba ng buhok ko at niladlad ang bangs ko
Sunod naman naming pinuntahan ay isang shop kung saan puro gamit ng babae.
Namili siya ng damit habang hila hila lang naman niya ko.
"Teka nga lang saltik!"
"Ano?"
Humarap siya sakin na nakakunot nanaman ang noo.
Nagpipigil ako ng tawa pero alam ko napansin niya yun.
Ang cute niya kasi magalit.
"Para sayo ba yang damit?wag mong sabihing?bakla ang bf ko?"
Umakto pa ko na parang di makapaniwala
"Baliw!"
At nakatikim lang naman ako ng kurot sa ilong
"Aray!"
Hinimas himas ko yung ilong ko na kinurot niya.
"Ayan suotin mo"
Binigay niya sakin yung damit na pinili niya kanina
BINABASA MO ANG
Mr.saltik meets Ms.baliw
Novela Juvenilito po ay ang unang kwentong ginawa ko sana po ay magustuhan niyo at kung may mga maling spelling po kayong nakita pasensya na po :-)