CHAPTER 8

71 3 0
                                    

TriXie Pov

*Kring*

Sa wakas break time na tapos na ang nakakaboring na klase.

"Hoy trixie anong meron??"excited na tanong ni lovely

"Ha??"

"kayo ni terrence anong meron sa inyo??"

"Yung kanina ba ? wala yun nagkasalubong lang kami sa gate!"

"weh eh bakit naman siya nasa inyo kagabi??"

"kasi...Ano..."kabado kong sabi.

ayoko sabihin sa kanya natatakot kasi ako.

"kasi?"sabik niyang tanong.

"Ano.."grabe pinag papawisan ako sa kaba.

"anu nga??" inip niyang sabi.

"WAAAAHHH"sigaw ko

"Uy ! bakit ka sumisigaw?"sabay takip niya sa bibig ko.

kasi pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.

"di ko kasi....lubos maisip na... makakasama ko sa iisang bubung   yung  saltikin na nilalang na yun''

*sob*sob*sob*

nagiiyak iyakan pa ko kunwari.

" Hahaha yun lang? maka emoth ka naman para kang namatayan ng ipis"

"ssshhh wag ka nga maingay"

"biruin mo yun ! makakasama mo yung first kiss mo hahaha"

"che ! wag mo na nga ipaalala yun nakakadiri"

"hahaha"

" Uy ipangako mo sakin na walang makakaalam ha"

"promise"tapos nag smile sya

At ikwenento ko lahat kay lovely  kung bakit nakitira sila Terrence samin

natapos na ang recess.

dumating na yung next teacher namin.

nagdaan ang tatlong subject at sa wakas uwian na.

"trixie antayin mo ko dito may kukunin lang ako sa kabilang section" sabi ni lovely

"okay"habang iniintay si lovely sa loob ng room nag ayus muna ako ng gamit.

nagulat ako ng may kumalabit sakin si terrence lang pala.

"bakit?"

"mauna kana lang umiwi ha kukunin ko pa yung libro ko sa kaibigan ko"

"okay"

tapos nagtaka ako kasi nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko

yung posisyon na bubulong.

"ingat ka sa pagtawid ha"

"wag kang magalala may kasabay ako''

"TRRRIX---"Sigaw ni lovely

"Ooops!nakakaabala ba ko??"

tapos umalis na siya.

akala niya siguro hinalikan ako ni mr.saltik sa cheeks.

"geh alis na ko" umalis na din si terrence

dali dali kong inayos  yung gamit ko para habulin si lovely.

napansin ko din na kami na lang pala yung tao sa room.

baliw talaga yun!

hinabol ko siya sa corridor.

"Hoy lovely saglit !" sigaw ko   habang hinahabol ko yung paghinga ko.

tumigil siya tapos humarap siya sakin sabay dinilaan niya ko.

lumapit siya sakin yung konting hakbang na lang malapit na kami sa isat isa.

" ikaw ha ! "

"Gaga mali ka ng iniisip"

"hahaha"

"sige tawa pa!"

" yung totoo trixie nakikitira lang ba siya sa inyo ? o baka naman nag lilive-in na kayo ?"

"Gaga"sabay binigyan ko siya ng magic kutos ko.

"Aray makakutos ha !"

"eh kasi napakagreen mo eh !"

"ano ba ginagawa niyo??"

"binulungan niya ko na mauna na daw ako umuwi"

"kailangan ibubulong pa??"

"Che tigilan mo nga ko" tapos natikman nanaman niya yung magic kutos ko.

"Nakakarami kana ha!"

babatukan niya sana ko pero nauna na kong tumakbo sa kanya.

Mr.saltik meets Ms.baliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon