- 22 -

31 2 0
                                    

"Bakit parang kinakahaban ka?" tanong ni Isagani sa kaniya. "Siguro naghahanda kang sabihin sakin kung ano talagang meron noh?"

"At bakit ba lagi kang mapagmasid?" balik-tanong naman ni Polly.

"Paanong hindi?" aniya. "We were supposed to advance study together, but you weren't focusing! This is so not you," dagdag niya.

"May hinihintay ako."

"Mas mahalaga pa sakin?" may himig ng tampong tanong ni Isagani. "Baka may relasyon na kayo ni Euton??"

Agad binatukan ni Polly ang kaibigan. Napalingon sila sa hagdanan nang bumaba si Phoebe, at naramdaman naman agad ni Polly na nandoon na ang hinihintay.

"Kasama ka na naman??" narinig niyang reklamo ng kapatid.

Natawa ang kausap. "No, I'll stay here. Mag-date na kayong dalawa."

"Hindi nga sabi 'yon date! Manonood lang kami ng sine!" she argued. "At anong you'll stay here?? Guguluhin mo na naman ang kapatid ko?"

"Si Terrence 'yong hinihintay mo?" tanong ni Isagani kaya napatingin si Polly rito. "Ano ba kasing meron??"

Magsasalita na dapat si Polly pero biglang tumabi na sa kaniya si Terrence na kasunod ang ate niya.

"Polly, 'yong ate mo inaaway ako," sumbong ng lalaki.

"Lumayo ka sa kapatid ko!" iritadong sambit ng ate niya.

Tumayo si Polly. "Ako na ang bahala rito ate. Ingat kayong dalawa ni kuya Gray," aniya.

"S-Sigurado ka?"

Tumango si Polly.

Wala rin namang nagawa si Phoebe considering that she also wants to spend time with Gray. Naging tahimik lang ang tatlo nang maiwan na sila. Nagtatakang nagpapalipat-lipat ng tingin si Isagani kay Polly at Terrence. Nakangiti lang ang huli habang kumportableng nakaupo sa tabi ni Polly.

Tumikhim ang babae. "Ah, Isagani, si Terrence. Terrence, si Isagani."

"Dude," tinanguan ni Terrence ang isa pang binata.

Tumango nalang pabalik si Isagani.

"May sikretong relasyon ba kayo?"

Agad na-disappoint ang babae sa tinuran ng kaibigan samantalang ngingiti-ngiti pa si Terrence dahil tama siya sa posibleng isipin ng kaibigan ni Polly.

"Nagkakamali ka," aniya. "Nanghihingi kasi ng tulong sakin si Terrence tungkol kay Keia."

"Huh? Ano bang meron kay Keia at bakit sobrang attracted ata sa kanya ang lahat?" nagtatakang tanong ni Isagani.

"She has a lovely voice."

"Yon lang? Edi kay Po-----"

Sinamaan agad ng tingin ni Polly ang kaibigan upang hindi nito matuloy ang sasabihin. Agad namang itinikom ni Isagani ang bibig.

"Ngayon, pwede mo ba kaming tulungan?" tanong ni Polly para ibahin ang usapan.

"Seryoso talaga 'to???" hindi makapaniwalang tugon pa ni Isagani at tinitigang mabuti ang babaeng kaibigan. "May kung anong nangyayari sa kanila ni Euton, Polly. Sigurado ba kayo? At bakit ayaw mo nalang siyang ipakilala kay Keia?"

"Who's Euton?" singit ni Terrence.

"Kitams? Ni hindi pala kilala nito ang karibal niya!"

"Tulungan mo nalang kami," naiiritang sabi ni Polly. "Hindi pwedeng ipakikilala lang natin sila sa isa't isa. Mas magandang magkakilala sila dahil sa pagkakataon imbes na magkakalapit lang sila dahil magkakilala kami, diba?"

"Hindi 'to movie, umayos kayo," sita naman ni Isagani.

"Kailangan nating mag-set ng pagkikita nila na parang hindi natin pinagplanuhan," Polly ignored his remark.

"Kumakanta ka ba?" tanong ni Isagani kay Terrence.

"Hindi ako kasing galing ni Timothy pero medyo may boses naman ako."

"Ano ka ba? Bat ganyan ang tanong mo?"

It was Isagani's turn to ignore her. "Kumanta ka nga. Sample lang."

Tumango ang binata at kumanta ng ilang lines ng kantang Señorita.

"Oh, kantahin mo 'yong chorus Polly," Isagani said then laughed. Binatukan naman siya ni Polly.

"Umayos ka!" mahina pero may diin nitong saad.

"Joke lang naman. Pero ayos na 'yan. Ito ang plano."

What Makes Polly DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon