- 49 -

26 2 0
                                    

"Napaka-chismosong tao mo talaga," sabi ni Polly habang nakatago sila ni Isagani sa may damuhan. Iniisip pa nitong parang sabit lang siya ni Isagani para malaman kung anong nangyayari kasi may gusto nga ito kay Keia.

"Babalik na ako," reklamo ni Polly pero hinigpitan lang ni Isagani ang hawak sa kaniya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" tanong ni Keia matapos bawiin ang braso niya kay Terrence. Natigil naman sa paglalakad si Euton dahil doon.

"No," mariing sagot ni Terrence. "I'm telling you the truth."

"Parang ang weird namang magkasunod kayong nagkagusto sakin ni Isagani," sarcastic na sabi ni Keia. "Pinagpupustahan ninyo ba ako?"

Naramdaman ni Polly ang paghigpit ng hawak ni Isagani sa kaniya. Hindi na ito lumingon para makita ang reaksyon ng binata.

"Is that what you think of me?" tanong ni Terrence. "Matagal kitang hinanap, Keiandra! Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

Nakita ni Polly na natigilan si Keia. Nanliit ang mata nito bago sumagot, "So that's why you were familiar."

Ngumiti si Terrence sa kaniya. "Mabuti naman naaalala mo na ako."

"Tumakas tayong dalawa sa planong pagpapakasal satin para lang magkagusto ka sakin? Sinong niloko mo?!"

Nagulat silang tatlo. Kinuyom ni Euton ang kamay at tuluyan nang umalis. Akmang susunod sana si Keia nang pigilan siya muli ni Terrence.

"Tinakas kita noon dahil alam kong hindi 'yon ang tamang pagkikita natin, Eian."

Natawa si Keia. "Ikaw nga 'yan Rence. Masyado ba tayong bata pa noon kaya hindi ko naalalang ikaw 'yan?"

"Movie nga talaga 'to," nasabi nalang ni Polly sa sarili. Naging proud pa ito sa sarili dahil at least, may parte siya sa istorya ng dalawa.

Biglang nawalan na siya ng pakialam sa nararamdaman. Parang nahumaling siya sa kwentong nabuhay, gusto niyang malaman kung anong kasunod. Kung anong gagawin ni Euton para makuha si Keia. At kung ano na rin ang kalalabasan ng pagkakagusto ng bestfriend niya sa babaeng 'yon.

"Sana all may ganitong kwento," napasabi nalang si Polly sa isip.

Sino nga bang makakahulang may ganito palang background ang isang Terrence Vilas?

"Are you still not willing to be married with me, Eian?" kalmado at may pagka-gentle pang tanong ni Terrence dito.

Umiling si Keia. "You're confused. Gusto mo rin si Polly!"

Kumunot ang noo ni Polly at napaisip na, "Hoy grabe na, masyado na kayong maraming role na pinapasa sakin," reklamo niya sa isip.

Hindi sumagot si Terrence na ikina-facepalm ni Polly. "Bakit ayaw niyang humindi?" naiinis nitong bulong.

"Baka di niya rin alam ang sagot," bulong naman ni Isagani na hindi gaanong narinig ni Polly.

"I need to go," Keia told him at ganoon nalang ang inis ni Polly nang hayaan siyang umalis ni Terrence.

"Hoy Terrence!" sigaw nito nang makasiguradong wala na si Keia sa paningin. Hindi naman gumalaw ang binata. "Terrence, bat hinayaan mong umalis?"

Nginitian siya nang malungkot ni Terrence. "Uuwi muna ako," tiningnan pa nito si Isagani at tinanguan siya. "Ikaw na ang maghatid kay Polly."

Tumango naman si Isagani kaya walang nagawa si Polly kundi tingnan ang papaalis na kaibigan.

"Broken siya?" tanong ni Polly.

"Hayaan mo muna," sabi ni Isagani at ginulo ang buhok ng matalik na kaibigan.

Hindi maiwasan ni Polly ang mag-alala.

What Makes Polly DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon