Epilogue (Part 1)

30 2 0
                                    

Terrence's Point of View

"Geez, Kenneth. Why did you have to bring me here?" 

Ang mokong, hindi ako pinansin. Inayos ko nalang ang medyo may kahabaan kong buhok--hanggang balikat siya at nakaipit ang kalahati. Kahit ganoon ay hindi ako magmukhang sasali sa isang banda.

"Hoy Kenneth," mahinang asik ko sa kaniya. Nakakahiya pa naman, ang daming tao.

"Oh?" baling niya sakin. "May kailangan ka ba?"

Sinimangutan ko siya. "Bakit mo ba ako sinama rito?"

Kinunotan niya ako ng noo. "Sabi mo kailangan mo ng magtatakas sa'yo sa bahay ninyo diba? Oh edi ipinagpaalam kitang isasama rito."

"Talagang sa isang boring program mo pa ako dinala ah?"

"Anong boring program? Birthday celebration 'to!" naiiling na aniya. Tinawag siya ng isa sa mga katropa niya. "Err, bakit kasi wala si Misty ngayon? --Oh, diyan ka muna. Kumain ka ng kahit ano tutal bisita ka lang naman," pagpapaalam pa ng mokong sakin.

Iniwan na ako ng walang kwenta kong pinsan. Napaka talaga! 

Umupo nalang ako at nag-scroll sa phone ko. Wala akong makausap dito kasi hindi naman ako pamilyar sa kanila. Hindi naman ako makatulong kasi hindi ko alam kung paano makikipag-usap.

"Buti nalang pala sinama mo ako rito," narinig ko ang isang mahinang tinig. "Mukhang hindi birthday celebration 'to eh. Mukhang program para sa mahihilig sa libro," tuwang-tuwang sabi ng babae.

Medyo napangiti ako habang nag-iscroll. Parehas kasi kami ng naisip eh.

"Truth! Nakakapagtaka nga kung bakit kailangan nila ng singer dito," I heard a familiar voice.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. "Sosyal siguro talaga 'tong party. Sabi ni ate Misty kaibigan niya 'yong may birthday eh."

Misty? Bakit parang karirinig ko lang ng pangalang 'yon?

"Bakit nga pala hindi siya nakapunta?" tanong ng babaeng kanina ko pa gustong sulyapan. Sana nagkamali lang ako ng rinig.

"Ewan ko. May operation sundan si crush thingy daw siyang gagawin," tugon ng babae na katabi ko.

"Keia!" tawag ng isang coordinator ata nitong program slash birthday celebration.

"Paano ba 'yan Polly, iwan muna kita ha?"

Hindi ko narinig ang tugon ng katabi. Nang maramdamang nakaalis na ang babae, doon palang ako tumingin. Keia? Keiandra? Nandito rin siya?

"Ang ganda.."

Natigil ang pagtitig ko kay Keiandra nang magsalita ang katabi ko. Right, kasama nga pala siya ni Keiandra. Baka makahalata kaya nagkunwari nalang akong may hinahanap. "Nasaan na ba si Kenneth?" bulong ko pa kunwari.

Sinulyapan ko ang katabi para tingnan kung nakahalata ba siya pero nakatuon pala ang atensyon nito sa buong venue. Ah..baka mahilig siya sa libro kaya sumama sa program--este birthday party na ito.

Naka-eyeglasses din ang babae katulad ni Keiandra. Hindi ko alam pero imbis na maalis doon ang tingin ko ay mas natuon pa rito ang atensyon ko. Tumagos sa salamin niya ang paningin ko. Her eyes--kahit nahaharangan ito ng salamin, nakita ko kung gaano kaganda ang medyo may pagka-brown niyang mga mata. 

But that's not it. Her eyes are shining. Every emotion is clearly seen in her eyes. Her eyes showed excitement and admiration. It was..beautiful. It would be a better view if they are staring directly to m----

What Makes Polly DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon