- 57 -

24 3 0
                                    

"Hello?" ulit ni Polly sa kabilang linya. Ayaw magsalita ng tumawag sa kaniya.

"Kung hindi ka magsasalita, ibababa ko na," pormal na sabi nitong iaalis na dapat ang phone sa tainga nang makarinig siya ng pamilyar na boses.

"Polly Melin."

Nagtaka si Polly. Alam niyang si Terrence ang tumawag pero hindi niya alam kung bakit nahihirapan ang tono ng boses nito. Hindi siya nagsalita dahil hindi rin naman niya alam ang sasabihin.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata sa kabilang linya.

"I'm sorry," he almost whispered. "Damn."

Napaikot ng mata si Polly. Sorry tapos mura? Sinong niloko niya?

Gusto man niyang ibaba ang tawag, hindi niya alam kung bakit nanatiling hawak niya ang phone. "Nababaliw na ako," isip niya.

"What have you done?"

"Ano? Ako pa ngayon ang may kasalanan?" gusto sana niyang sabihin pero nawalan siya ng lakas ng loob.

Natawa si Terrence sa kabilang linya. Narinig niya ang malalim nitong paghinga pagkatapos. Nanatili lamang siyang walang sinasabi. Ayaw niyang mas palakihin ang gulo.

"Are you mad?"

Ngumiti si Polly nang mag-isa. Umiling ito kahit hindi kita ng binata. "No," sabi nito sa marahang tinig.

"You blocked me."

"On Twitter? Yes. I'm sorry, I just didn't want to see you on my timeline at that time. Hindi ka siguro nagchecheck pero I unblocked you already."

Natahimik si Terrence kaya hindi na alam ni Polly ang sasabihin. Madiing napakagat na lamang siya sa labi habang hinihintay ang sagot ni Terrence. Medyo nakarinig siya ng ingay pero wala namang nagsasalita.

"Wala ka na bang sasabihin?" mahinang sabi nito. "Ibababa ko na."

Akma na dapat talaga niyang ibababa ang phone nang marinig ang malutong na mura ni Terrence.

"I'm on my way."

Kinabahan si Polly. "Anong ibig mong sabihin?"

"Don't hang up, Polly. Malapit na ako."

Sa sobrang kaba ay pinatay ni Polly ang tawag. Bigla siyang natakot. Hindi niya kayang harapin si Terrence ngayon. Tinext agad ni Polly ang ate niyang wag sasabihin kay Terrence kung nasaan siya ngayon.

She's actually in Mimi's house. Buti nalang talaga at wala siya sa bahay.

"Bakit nagtagal ka naman yata jan?" biglaang tanong ni Galvin sa kaniya. "Oh, bakit parang hinahabol ka ng multo sa itsura mong yan?"

"Oo," nakatulalang sabi ni Polly. "Hinahabol nga ako ng multong ginhost ako."

"Dami mong alam," natatawa nitong sabi. "Tara nalang sa loob."


"BAKIT ba ang aligaga mo kuya? Kanina ka pa paikot-ikot. Nahihilo ako sa'yo," reklamo ni Trinity kay Terrence.

"Hindi mo maiintindihan."

"Bakit?"

"Ako nga hindi maintindihan, paano ka pa kaya?"

"Gulo mo," Trinity went inside her room to find peace in studying after. Bumalik naman si Timothy na dala ang mga kapeng itinimpla niya.

"Kelan ka pa naging coffee person?"

"You can just drink it without asking questions."

"Nagtatanong lang naman, ang sungit. Paano ba kita naging kaibigan?"

"You befriended me because of her, and according to you, I'm her guy version."

"Bakit ba kasi kumakanta ka at may salamin?"

"Kung wala kang matinong sasabihin, lumayas ka," sabi nito habang sumisipsip sa tinimplang kape.

"Grabe, ito na nga lang ang pahinga ko sa pag-iisip."

"Bakit ka nag-iisip, may utak ka ba?"

Muntik nang maibuga ni Terrence ang iniimom na kape, pero agad niyang napigilan sa paglabas. "Matatawa na sana ako kung hindi lang ako ang sinasabihan mo niyan."

"Edi wag kang tumawa."

Ginulo ni Terrence ang sariling buhok. "You moron."

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan?"

"It's about Polly," aniya. Hindi nagulat si Timothy na kasama si Polly sa pag-uusapan. "She told me that she's not angry pero iniiwasan pa rin niya ako."

"Edi wag mong kulitin," Timothy shrugged. "How simple."

Natigilan naman si Terrence. Hindi alam ang sunod na sasabihin.

"You don't like her, right? No need to pursue her any longer."

"But....she and Sarrion...."

Napabuntong hininga si Timothy. "Settle you feelings for her first. Maging sigurado ka, Vilas."

What Makes Polly DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon