"What's wrong with having Polly instead?" mariing tanong ni Isagani.
Mukhang naiirita na ang binata sa kausap, kaya nanatiling tahimik si Terrence sa kaniyang pwesto. Nanggagaling ang ingay sa isang classroom na dadaanan pa lamang dapat niya.
"They're both pretty, smart, and they both have a nice voice! They both wear eyeglasses!" he desperately told someone.
Mas lalong naintriga si Terrence. Sino ba ang kausap ng lalaki at bakit mukhang itinutulak nito si Polly sa kaniya?
"Isagani," seryosong tugon ng kausap nito. Hindi gaanong pamilyar ang boses.
"Ito na ba 'yong Galvin?" tanong ni Terrence sa sarili.
"Bakit mo ba kami pinagpipilitan sa isa't isa?"
"Damn it! Huwag kang magmaang-maangan dito Euton. Alam natin parehong alam mong may gusto siya sa'yo!" sigaw ni Isagani na siyang naging ingay sa tahimik na parteng iyon. Ngayon lamang yata narinig ni Terrence na ganito kagalit ang lalaki.
"Alam mong wala akong nararamdaman para kay Polly. Alam niya rin iyon."
"Bakit nga?! Bakit si Keia, gusto mo?"
"Kung gusto mo kasi si Polly, bakit ayaw mo nalang sabihin sa kaniya at hindi ako ang ipinipilit mo?"
Natigilan si Terrence. May gusto si Isagani kay Polly?
Naging mabigat pa lalo ang tensyon nang marinig niyang tumawa si Isagani. "Napaka-bobo mo talaga pagdating sa panghuhula ng nararamdaman."
Katahimikan ang nagpakaba kay Terrence. Bakit parang may mangyayaring hindi niya gusto?
"I knew it," sabi ng boses na pagmamay-ari siguro ni Euton. "Gusto mo si Keia?"
"Alam mo na pala eh, bakit mo pa tinatanong?"
Napamura si Terrence sa isip. Naalala nito ang chat sa kaniya ni Keia patungkol kay Isagani. Pero napailing siya. Si Euton na ang gusto ni Keia ngayon.
Napakagat siya sa ibabang labi. Maalin man kay Isagani o Euton ang gusto ng babae, talo pa rin siya.
"Kaya mo tinutulak sakin si Polly?"
"Dahil lagi mo rin siyang sinasaktan."
Tumalikod siya at naghanda nang humakbang. Pero narinig pa rin niya ang pagsasalita ng dalawa.
"What makes her different from Keia? What makes Polly different?!"
"Hindi mo rin ba 'yan tinanong sa sarili mo?"
Tuluyan na siyang umalis habang dala-dala ang linya sa kaniyang isip.
What makes Polly different from Keiandra? Kung tutuusin, mas madaling mahalin si Polly.
Ang hirap talaga 'pag ganito na ang nararamdaman.
HINIHINGAL si Polly na naupo sa kung saan. Maraming tao kaya sigurado siyang nailigaw na niya si Galvin. Nakakakaba pala kapag may tinatakbuhan ka tapos parang any time bigla siyang susulpot at huli ka! Parang horror movie lang eh.
Pero despite of everything, her tiredness of running plus Galvin, nakita niya pa rin si Euton sa gitna ng crowd, nakatitig lang sa stage, sobrang focused. Napatingin na rin siya rito at tsaka lang siya nabalik sa reyalidad.
Ngayon nga pala ang performance ng pinsan niyang si Aigen!
"Umuwi nang tila ba, lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi."Bakit ganito ang kinakanta niya? Parang patama kay Polly. Bakit ganito kalungkot si Aigen sa pagkanta? Parang dinadamayan si Polly. Bakit nandito si Euton?
Sign na ba 'to para mag-let go? tanong ni Polly sa isip.
Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya kay Euton at parang naiiyak. Gusto niyang tumingin ito sa kaniya. Gusto niyang malaman nitong nandito siya. Pero wala eh, focused talaga si Euton sa performance.
Fan yata ng grupo ni Aigen, napasabi nalang siya sa sarili.
May umakbay sa kaniya kaya napaiwas siya ng tingin at pinunasan ang luhang pumatak bigla.
"Bat ba ang kulit kulit mo, Sarrion?"
The man forcefully made Polly face him kaya nagulat ang babae nang makitang nakangiti si Terrence sa kaniya tapos niyakap pa siya nito.
"Bakit di mo sinabi?"
"Ha?"
"Gusto mo pala 'yong lalaking 'yon?"
"Hindi ko gusto si Sarrion!"
Natawa si Terrence tapos hinigpitan ang yakap kay Polly.
"Hindi ko kilala si Sarrion pero yung lalaking tinititigan mo kanina ang tinutukoy ko."
Nanlaki ang mata ni Polly at napakapit na rin nang mas mahigpit sa binata. "Bakit pa?"
"You were sad all this time. Pero binigyan pa kita ng dagdag problema," sabi nito at lumayo kay Polly sabay ngiti. "Babawi ako."
Ngumiti na rin si Polly at umiling. "Huwag na, kumusta pala kayo ni Keia?"
Natawa si Terrence. "Ayun. Wala na yatang pag-asa. Biglang hinanap si Euton noong nawala eh. Iniwan mo rin naman ako, wala tuloy akong kasama kanina."
Agad napakamot ng ulo si Polly. "Sorry, si Sarrion kasi bigla nalang nanghila."
"Sinong Sarrion ba yan? Akala ko ang lalaking 'yon ang gusto mo?" tanong nito sabay nguso pa kay Euton.
"Wag ka ngang masyadong maingay, at baka nakakalimutan mo, nasa public place tayo," sabi pa nito.
"Asa pang mapansin nila ako. Performance 'to ng grupo nina Dallarin Hwangyen, wala nang makakapansin sakin," natatawang tugon naman ni Terrence.
"Right," sabi nito kahit di niya kilala ang tinutukoy ng lalaki. Wala talaga siyang alam pagdating sa mga kilalang estudyante ng Dream High.
"Hindi na ba mababalik?
Ang mga sandali
Mga panahong may lalim
Pa ang 'yong ngiti."Nginitian siya ni Terrence matapos sumabay sa kanta ni Aigen. Napangiti naman pabalik si Polly.
"You can sing right?" tanong ni Terrence nang maalala ang sinabi ni Isagani don sa Euton.
"H-Hindi ah!"
"Come on, sing," sabi nito. "Tapos ibuhos mo lahat ng emosyon sa pagkanta. Habang iniisip mo kung paano nagkokonekta ang lyrics sa nangyayari sa inyong dalawa."
Nakagat ni Polly ang labi nang magsimula muling kumanta si Terrence.
Huminga siya nang malalim at inayos ang salamin.
"Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita"Tinry i-connect ni Polly ang mga ito sa nangyayari sa kanila ni Euton pero hindi talaga niya maisip. Pero yung feels ng kanta, yung kalungkutan ng boses nilang tatlo, nagsama-sama para mailabas ang tunay niyang nararamdaman.
Natapos ang kanta na magaan ang loob nilang dalawang ngumiti sa isa't isa.
"Hatid na kita sa inyo."
BINABASA MO ANG
What Makes Polly Different
Teen FictionWhat Chatserye 2/2 Polly's help was needed by Terrence Vilas in order to be able to get closer to her friend. He has been looking for a girl with eyeglasses and a very nice voice, which turned out to be Keiandra Telven. He knew that it would only be...