Epilogue (Last Part)

25 2 0
                                    

After 2 years...

"Ang bagal!!!" rinig kong reklamo ni ate Misty sa baba. "Phoebe Marie at Polly Melin! Pinaghihintay ninyo talaga 'tong mga boyfriend ninyo?"

Mas binilisan ko ang kilos. Halos sabay pa kami ni ateng lumabas sa sariling mga kwarto. Nginitian namin ang isa't isa pagkatapos makita ang aming mga ayos. Sabay kaming bumaba.

Halos takbuhin ni ate Phoebe ang pagitan nila ni kuya Gray nang makita ito. Hindi ko siya masisisi kasi isang buwan din kaming nagbakasyon sa Cali. Nakangiti naman akong pinagmasdan ni Terrence na papalapit sa kaniya.

Nang medyo malapit na ako ay hinuli niya ang kamay ko at hinigit palapit sa kaniya. "Ang bagal," reklamo pa niya at hinalikan ako sa ulo pagkatapos.

"Ugh, seriously?" 

Natawa kami nang maunang lumabas si ate Misty. Sinundan naman namin siya papunta sa van. Si kuya Timothy ang nagda-drive at katabi nito si ate Misty sa unahan, habang inokupa naman namin ang likod.

"I swear! 'Pag na-late talaga tayo, kasalanan ninyo," sabi ni ate Misty na tinawanan lamang namin maliban kay kuya Tim.

"I missed you, Polly," bulong ni Terrence sa tabi ko at mas sumiksik pa sa'kin. Napaka-clingy talaga kahit kailan.

"Tumigil ka nga. Magkausap tayo araw-araw!" I hissed, medyo lumalayo.

"Kahit na," aniya habang sinisiksik naman ang mukha sa leeg ko. Medyo lumalayo ako kasi nakikiliti ako. "Ang bango mo, Polly Melin."

"May bayad ang landi sa van na 'to," reklamo ni ate Misty. Nakatingin siya mula sa rear-view mirror kaya agad ko muling sinaway si Terrence at umayos ng upo. "Hay nak---" natigilan si ate Misty at napatingin kay kuya Timothy.

Nag-iwas ng tingin si ate Misty nang sulyapan siya ni kuya Timothy.

"Sabi mo may bayad ang landi?" ngising tanong ng boyfriend ko.

Sisilipin ko na sana ang nangyayari sa unahan kasi napansin kong isang kamay nalang ang gamit ni kuya Timothy sa pagda-drive nang higitin akong muli ni Terrence. Mas na-curious tuloy ako.

Nang makababa kami ay agad kaming sinalubong ni kuya Kenneth. "Kadiri kayo, bat puro couples?"

"Bitter ka lang eh," komento ni Terrence at hinaplos ang kamay kong hawak niya. Pinandilatan ko siya ng mata. Nakakaawa nga si kuya Kenneth eh.. Kakahiwalay lang nila ni ate Miracle. Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin ako para sa kanilang dalawa.

"Dalawang taon na yata akong taga-sana all lang eh," sabi ni ate Misty sabay irap. Nauna siyang maglakad na sinundan ni kuya Kenneth at kuya Timothy.

Paglingon ko ay mukhang may sariling mundo na naman sina ate Phoebe. Nauna na kaming maglakad sa kanilang dalawang sumunod din naman. 

Papunta kami ngayon sa unang concert ng grupo nina Gen. Nakakatuwa at nakilala sila hindi lang dito sa Dream High at Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo. Kahit sa California ay may nakakakilala sa kanila.

Nang makapasok kami sa venue ng concert ay marami na ang taong naroon. Natuwa naman ako dahil doon. Mas ikinatuwa kong nasa unahan ang upuan namin dahil na rin sa kakilala namin ang isang miyembro ng grupo, which is Gen.

Noong una talaga nagulat pa ako kasi si Gen? Magiging isa sa miyembro ng girl group? Parang imposible kung iisipin ko dati kasi wala sa isip 'yon ni Gen. Oo, magaling siyang kumanta pero hindi naman niya nailalabas ang talent na 'yon.

Pero sabagay. This school is named Dream High for a reason.

Ang layo na ng narating namin after two years..

Napangiti ako.

"What are you thinking, smiley?"

Kung hindi ko lang talaga alam ang rason behind that endearment, I would think that it's quite cheesy. Napailing muna ako bago tingnan siya nang diretso sa mata. "Tayo. Iniisip ko tayo."

Siniksik niya na naman ang mukha sa leeg ko para itago ang mukha. Ginagawa niya 'yon either gusto niya lang o kinikilig siya. Pero ngayon, parang both. "Ugh how can you be this sweet?"

Tinawanan ko siya at tinulak ang noo niya palayo sa'kin. "Tayong lahat. Kung paanong ang layo na ng narating ng bawat isa sa'tin."

Nakisabay siya sa tawa ko. "Kasama pa rin do'n kung paanong ang layo na rin ng narating nating dalawa. Na magkasama."

Napangiti ako. Well, may point naman siya.

"Polly?" I heard someone called me with no certainty. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. "It's you. Kailan ka pa bumalik?"

Nginitian ko si Euton. "Uy, it's been a month. Kahapon lang kami nakauwi eh. Kumusta?"

Napakamot siya ng ulo at tumingin sa stage. "Ayos lang--yata."

Inakbayan ako ni Terrence. Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Ano ka ba? Ilugar ang selos," mahinang paalala ko sa kaniya. 

"Ang tibay ninyo. Stay strong sa inyong dalawa," sabi ni Euton. 

Nginitian ko ito at tinapik sa balikat. "Salamat," sabi naman ni Terrence.

Hindi na ako nagsalita pa. Last year ko lang nalamang may something pala talaga sa kanila ni Aigen. Hindi ko alam ang buong kwento. Ang alam ko lang, nagkalabuan yata sila noong dumating si Keiandra.

Napaka-secretive talaga ni Gen. Pero susuportahan ko lang kung saan sila magiging masaya. After all, kaibigan ko pa rin naman sina Euton at Keiandra, tapos pinsan ko si Gen. So kung saan silang tatlo magiging masaya, doon nalang din ako. At tulad nga ng sabi ko, hindi ko alam ang buong istorya.

And besides, it doesn't concern me anymore. My feelings for Euton are no longer there. At kung kakailanganin man ni Aigen, I'd be there for her.

My own story is already starting. And I couldn't wish for more.

Napaangat ako ng tingin nang sa kalagitnaan ng concert ay magkaroon ng solo performances--ngunit cover lamang ang mga performance na 'yon. At ang cinover nila ay 'yong mismong cinover nila dati. Na para bang dito namin makikita ang improvement nila from that time.

Napangiti ako nang marinig ang kinakanta ni Gen.

"Hindi na ba mababalik?
Ang mga sandali 
Mga panahong may lalim
Pa ang 'yong ngiti."

Nginitian ko si Terrence nang kantahin niya mismo 'yong lines na sinabayan niya noon. Malungkot man ang kanta, hindi natinag ang kasiyahan sa aking mukha na walang sawang tinitigan ni Terrence.

"I love you," sinserong sabi ni Terrence sa akin. Ramdam ko 'yon sa kaniya. 

"I love you, too," I told him. 

"I know," mayabang na sabi niya na sinamaan ko ng tingin. Tumawa siya habang titig na titig pa rin sa mga mata ko. "I can see it in your eyes. And I won't get tired of staring at them."

Mas lumawak ang ngiti ko na nasigurado kong makikita 'yon sa aking mga mata. Hinalikan niya ako sa noo at napapikit ako nang lumapat ang labi niya doon.

Sabay naming sinabayan ang kanta ni Aigen na may ngiti sa mga labi. Ang kantang iyon at ang boses niya ang naging gabay at saksi ng pagmamahalan namin mula noong gabing 'yon hanggang ngayon.

At sigurado ako hanggang sa dulo, kami pa rin.

What Makes Polly DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon